Albrent Lucah's POVAfter ng girls hangout ng mga lukaret, may nag-iba kay Daezen these past few days. Mas naging active siya sa pakikipag-socialize sa mga kaklase namin.
Gusto kong magtanong kung ano ang mga pinag-usapan nila nung weekend pero ayaw naman ako sagutin ng mga gaga. Sabi lang nila ay "It's for Daezen's good" naman daw.
Ngayon nga ay papunta na kami ng school ni Daezen. Hindi ko alam kung ako lang o ano pero parang hindi mapakali ang katabi ko sa kotse ngayon.
She keeps on sighing as if may malaki siyang problemang kinakaharap.
"Ang weird mo ngayon—no, nitong mga nakaraang araw pala, " sabi ko kung kaya't napasulyap siya sa akin.
"I'm just preparing myself."
Napataas ang kilay ko, "Sa?"
"Na kaibiganin ang mga kaklase natin."
Doon na kumunot ang noo ko.
"Bakit mo naman sila kakaibiganin? You don't need to do that. Huwag mong pilitin ang sarili mo," I said, a bit pissed for an unknown reason.
"Because I want to. Ngayon ko lang din na-realize na palagi na lang akong nasa comfort zone ko. Hindi ko man lang ino-open ang sarili ko sa iba, kaya ngayon ay kakaunti lang ang mga kaibigan ko."
"You don't need a lot of friends kung ite-take advantage ka lang din naman nila," I said bitterly, remembering the people na lumalapit sa akin na pagpapasikat lamang ang alam.
"I know. We're on the same page with that, but I want to give the others a chance and get to know them better. Baka may true friends din tayong mahanap sa iba pa nating kaklase. After all, Ilang years na rin nating naging classmates ang iba."
May point siya pero hindi pa rin ako kumbinsido. Alam kong marami pa ring mga oportunista ang umaaligid sa klase.
"Bakit mo naman naisipang makipagkaibigan all of a sudden?"
"Well, I may learn a lot of things from them, on how to build connections para na rin sa future endeavors ko. At tsaka last academic year ko na rin naman silang makakasama kaya lulubusin ko na habang nandito pa ako."
"Magtatayo ka ba ng business?" tanong ko dahil parang may plano siya sa sinasabi niyang 'connections.'
"Maybe? Pero hindi porket makikipagkaibigan ay magtatayo na agad ng business. Hindi ba pwedeng to build relationship lang? Na makipag-close gano'n?"
I would have countered pero nakarating na kami sa school. Tahimik lang kaming naglakad papunta sa classroom namin. I'm pondering about our conversation a while ago.
Hindi ko alam kung ano ang nafi-feel ko. May part na sumasang-ayon sa kanya pero mas malaki ang pagtanggi sa ideya niyang iyon.
When we arrived at the doorstep of our classroom, tumigil muna si Daezen.
"Oh, before I forgot, ito pala ang lunch mo," saad niya at inabot ang lunchbox sa akin. "Hindi ako makikisabay mamaya. Jonah asked me to have lunch with them."
Aapela sana ako pero bigla siyang pumikit at huminga nang malalim. Then she smiled widely and entered the classroom, greeting everybody.
"Good morning!"
Bumati naman ang iba at natuwa na ang noong hindi namamansin na kaklase ay nagagawa nang makisalamuha sa kanila. Ang iba naman ay naninibago pa rin pero nginingitian na lang din nila si Daezen.
Ako naman ay nagdadamog na tumungo sa upuan ko.
"Bad mood ka yata ah," nakangising puna ni Leila.
Tinignan ko siya ng masama, "Kasalanan mo 'to."
BINABASA MO ANG
Beauty and the Beki
Fiksi Remaja"I Love You... Gurl." Series #1 "She's my frenemy, I hate her and like her as well. Nakakainis!" Date posted: May 9, 2020