Waaahhh. Sa wakas ay natapos na rin kami. Nag-inat-inat ako para mabinat ang kanina pang nakayukong likod ko.Ang sakit na rin ng puwet ko sa tagal kong naupo sa matigas na upuan. Wala man lang itong foam. Ang cheapipay naman ng city library na 'to.
"Guys ah, get ready na bukas," sabi ni Leila habang isinisilid ang mga gamit sa kanyang bag. Tumingin siya sa 'kin at sinamaan ako ng tingin, "Lalong-lalo ka na."
Umismid ako at pinaikutan siya ng magaganda kong mata, "Chill ka lang, okay? Title defense pa lang naman, wala pa tayo sa finals 'te. Tsaka information overload na ang aking brain dahil sa mga isinuksok niyo sa utak ko kanina."
Paano ba naman kasi, kahit na Linggo ngayon, ay ginulantang ako ng mga bwisita para i-review ang mga kakailanganin para sa defense namin bukas.
Ngayon nga ay nasa city library kami para mag-gather ng mga needed infos para sa aming research. Ilang oras na rin kaming nag-stay dito, kanina pa kaya lumong-lumo na ako sa kakapakinig sa kanila. Huhu, poor me. I can't take it anymore, mabuti na lang at paalis na kami. Malapit na ring mag-alas sais eh.
"Ano ka ba, bakla. Hahayaan mo bang mapurol ang utak mo? We need to do this para naman may silbi ka naman sa grupo natin."
"Ouch naman," sambit ko at umarte pang parang nasasaktan.
"Totoo naman eh," narinig kong bulong ni Daezen babaita. Mukhang hindi sinasadya pero narinig ko pa rin naman.
"Ano sabi mo?" nakataas kilay kong tanong. Lumingon siya sa 'kin pero hindi na sumagot pa. Tumayo siya at nauna nang lumabas. Sumunod naman si Rico na napapailing-iling lang.
"Halika na," aya ni Leila kaya sumunod na rin ako. Nadatnan namin ang dalawa sa pinto na naghihintay sa 'min. "Kumain na muna kaya tayo? May alam akong masarap na kainan malapit dito."
"I think that's a good idea," tumatangong pagsang-ayon ni Rico.
"Ikaw, Daezen?"
"Mmm, I agree," sabi naman nito kaya I do not hava a choice. Ibinilin kasi ni Tita Dane na sabay kaming umuwi ni Daezen. Well, kahit naman hindi niya sabihin ay magsasabay at magsasabay pa rin kami sa pag-uwi dahil sa magkapit-bahay lang naman kami.
Nauna na silang naglakad at iniwan ako. Aba't hindi man lang ako tinanong ng magaling kong kaibigan. Parang sila pa ang mas tinuring niyang bff kaysa sa akin ah.
"And we're here!" bulalas ni Leila. Dinala niya kami sa Korean Bowls na malapit lang sa library.
"Good evening!" masiglang bati ng guard. "Oh? Miss Leila!"
"Hello, kuya!" masaya ring bati ng kaibigan ko dito.
Nang makapasok na kami ng tuluyan ay kinalabit ko siya, "Palagi ka rito? Mukhang kilala ka nung guard ah?"
"Yep, nanalo kasi ako last time sa food contest nila kaya kilala nila ako. Dito ko napanalunan yung phone na muntikan mo nang masira."
"Sorry naman."
Ito kasing si Leila ay hindi gaanong kayaman. Taxi driver ang tatay niya at teacher naman sa public school ang nanay niya. May dalawa pa siyang nakababatang kapatid kaya kakaunti lang ang allowance niya.
Scholar siya sa school kaya kailangan niyang i-maintain ang grades niya. Bilib nga ako dahil alam niyang dumiskarte kapag may kailangan siya. Tsaka isa siya sa mga real na person na nakilala ko kaya I'm thankful na naging kaibigan ko siya.
Umupo na kami sa pang-apatang upuan at nag-order ng ramen. Katabi ko si Rico habang katapat ko naman ang babaita na katabi ni Leila.
Habang naghihintay ng order ay nagsimula kami ng random talk. Hindi ko nga inakala na magkakasundo si Daezen at si Leila. Si Rico naman ay nakikisapaw rin pero ako ay tahimik lang habang nakikinig at pinagmamasdan sila.
"Natapunan ng ulam si Mr. Ramirez no'ng Friday, nakita mo?" tanong ni Leila habang tumatawa.
"Yeah, nakita ko 'yon, haha. Adobo pa naman 'yon, siguradong nagkamantsa yun sa damit niya," segunda ni Rico.
Si Daezen naman ay tinakpan ang bunganga at nagpigil ng tawa. Hindi na lang itawa eh, baka saan pa lumabas 'yon.
Pero may sinabi si Leila na nagpatawa na sa kanya ng tuluyan. Hindi ko na narinig 'yon dahil ang buong atensyon ko ay nasa kaharap ko lang.
Natulala ako at pinagmasdan kung paano umangat ang bibig niya.
Ang cute ng smile niya. Tapos hugis puso pa ang bibig niya. Ba't gano'n? Ang unfair naman ata na napunta sa kanya ang ganoong trait. Ang rami niyang kayang gawin tapos ang ganda pa ng features niya. Almost perfect na yata siya eh.
"Well, mabuti na lang at hindi mainit 'yon," narinig kong sabi ni Rico.
The next thing I knew, nawala na lang bigla ang tawanan sa paligid ko at napunta na lahat ng atensyon nila sa 'kin.
"Uhm, Albrent?" pagtataka ni Leila.
Napalunok ako at namawis sa ginawa ko. Oh my gosh!
Nanlalaki ang mata kong nakatingin kay Daezen habang nakaipit sa mga daliri ko ang bibig niyang hugis puso.
Nakatulala lang din siya at mukhang gulat na gulat sa ginawa ko.
"S-Sorry!" Agad-agad kong binawi ang kamay ko at yumuko. Shet! Nakakahiya! Ramdam ko na ang pamumula ko ngayon.
Sakto namang dumating na ang waiter dala ang orders namin. Thank goodness!
Hindi ko napigilan ang sarili ko kanina. Bigla na lang umangat ang kamay ko sa bibig niya dahil ngayon ko na lang ulit siya nakitang nakangiti sa harapan ko.
I can't believe I did that embarrassing thing. Hindi ko na kayang iangat pa ang ulo ko para i-explain ang ginawa ko. Naging awkward na rin ang atmosphere ng dahil doon.
Kinain ko na lang ang ramen ko nang mabilis kahit na maanghang at mainit pa ito.
Ang huli ko na lang nakita ay ang pagngisi at pag-iling ni Leila dahil sa naging aksyon ko.
BINABASA MO ANG
Beauty and the Beki
Подростковая литература"I Love You... Gurl." Series #1 "She's my frenemy, I hate her and like her as well. Nakakainis!" Date posted: May 9, 2020