10

55 5 0
                                    


"Uuwi na ba tayo?" tanong ko at sumipsip sa aking matcha flavor milk tea. Yummy. Ang sarap. Ito talaga ang flavor na pinakagusto ko.

Nagpaalam na kasi si Leo sa amin kaya naglalakad-lakad na lang kami dito sa mall.

"Mag-time zone na muna kaya tayo?" sabi niya at tumingin sa 'kin. Tinignan niya ang milk tea ko. "Masarap ba 'yan? Patikim."

"What? Ayoko nga. Baka mahawaan pa ako ng virus mo 'no."

Inilayo ko sa kanya ang hawak ko nang akmang kukunin niya ito. Mas matangkad ako kaya hindi niya maabot-abot. Hehe. Perks of being tall, eh?

"Please? Tikman mo rin 'tong akin if you want." Itinaas niya ang hawak nitong strawberry flavor milk tea.

"Ayoko." Sisipsip na sana ako sa milk tea ko nang inagaw niya ito bigla at ibinigay sa 'kin ang kanya. "Hoy!"

Napatigil na lang ako nang sumipsip na siya sa straw ko. Napakurap ako. Hindi ba alam ng bababitang ito ang indirect ki—ugh. Never mind.

"Namumula ka," puna niya pero hindi ko siya pinansin. Pinagsasabi ng merlat na 'to?

Tinitigan ko ang milk tea niya. Binaliktad ko ang straw at sumipsip dito. Mmm. Masarap naman.

Pag-angat naman ng tingin ko sa kanya ay nakakunot ang noo niya. Her lips were also pressed into a thin line. Ano'ng problema nito?

"Ayoko ng lasa," sabi niya at ibinalik na ang milk tea ko. "Mas gusto ko yung donut na matcha kaysa sa milk tea."

Natawa ako sa reaksyon niya, kunot na kunot ang mukha eh. "Ang sarap kaya," sabi ko at nginisihan siya.

Nag-make face lang siya at nag-aya nang pumunta sa time zone.

"Basketball tayo. Kung sino ang matatalo, susundin niya ang utos ng mananalo," sambit niya habang bumibili ng token.

Tinaasan ko siya ng kilay. Hindi niya ba kilala kung sino ang kinakalaban niya? "Seryoso ka ba? Halata naman kung sino ang mananalo eh."

"'Wag ka nang masyadong madada, okay? Maglaro na lang tayo." Mukhang excited pa ang gaga ha. Ano ba ang nasa isip niya? Alam naman niya na ace player ako sa school.

Nagsimula na kaming maglaro. Pero nagkwekwentuhan kami habang nasa gitna ng paligsahan.

"Sinabi niya namang bet ka niya? Ba't hindi mo patulan?" Tsaka gwapo rin at mabait. Kung ako 'yon, ariba na kaagad ako.

"Ayoko," maikli niyang sagot.

"Why? Gwapo naman si Leo and mukhang mabait pa." Tumira ako. Shoot. Ang galing ko talaga.

Pero napatigil ako at natulala sa sinagot niya.

"Dahil ayoko siyang paasahin, tsaka may gusto na akong iba," sabi niya nang seryoso at nagpatuloy na sa paglalaro.

Napakurap pa ako dahil hindi ko akalain na may nagugustuhan na siya. Bakit wala man lang siyang sinabi? Sino naman kaya 'yon?

"S-Sino naman?" tanong ko at nagkunwari na nagshu-shoot para hindi niya makitang interesado ako. Pero kahit na anong tira ko ay hindi pumapasok sa basket, nasa sasabihin niya talaga ang atensyon ko.

Natahimik siya at umiling, "Basta." Nang matapos na ang laro namin ay tumingin siya sa 'kin nang nakangisi, "Pano ba 'yan? Nanalo ako." Hinawakan niya ang baba niya at ngumuso, "Hmm. Ano kaya ang ipapagawa ko sa 'yo?"

Kahit na natalo na ako't lahat ay blangko pa rin ang isip ko. Bakit iba ang naramdaman ko nang malamang may gusto na pala siya?

"Ah! Alam ko na! Kumanta ka ng leron leron sinta sa gitna. Malakas ha."

Nilagpasan niya ako at nauna nang naglakad. Kumunot ang noo ko at tinitigan ang papalayo niyang likod.

Napalunok ako. Si Jaevy ba ang gusto niya?

Beauty and the BekiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon