36

29 6 0
                                    


Albrent's POV

Minsan napapaisip ako kung kailan ko ba dapat tanungin ang isang tao sa kung ano man ang pinagdadaanan nila. Kailan ba ang tamang timing para hindi nila sabihin na masyado na akong nangingialam sa buhay nila?

Masyado kasi akong curious sa mga bagay-bagay kaya gusto kong malaman agad ang mga iniisip ng mga taong nakapaligid sa 'kin, lalo na 'yong mga ka-close ko. Tsaka nag-aalala rin ako sa kanila kaya gusto kong malaman kung may maitutulong ba ako sa problema nila.

Isang halimbawa na 'yong nangyari sa 'min ni Daezen. Minadali ko siyang mag-open up kahit na 'di pa siya handa kaya nauwi iyon sa hindi niya pagpansin sa 'kin.

Dahil doon, hesitant na rin akong magtanong kay Leila. Hindi ko alam kung ano'ng pinagdaraanan niya o kung bakit gano'n ang inasta niya kanina.

Siyempre gusto kong magtanong, kaibigan niya ako kaya natural na mag-alala ako. Pero ayokong isipin niyang masyado akong nangingialam sa personal niyang buhay. Haay, I don't know what to do.

"Matuto kang maghintay," direktang saad ni Daezen habang tutok na tutok sa kanyang cellphone. "Sometimes you're so insensitive, hindi ka marunong makiramdam. Go ka lang nang go basta ma-satisfy lang ang curiosity mo."

"Masama bang maging thoughtful? Nag-aalala lang din ako," sabi ko naman bago shinoot ang bola.

Nandito kami sa game room nila. Ang dami naming activities kanina sa school kaya naisipan na muna naming maglibang dito. Iba't ibang klaseng games ang naririto kaya hindi nakaka-bored, halos lahat yata ay katulad ng nasa mga arcade.

"Basta huwag mo muna siyang ratratin sa ngayon. Hintayin mo munang humupa 'yong tension bago ka magtanong. Or maybe siya na mismo ang magsasabi sa 'yo later, hindi lang talaga siya ready sa ngayon."

Napabuntong hininga ako, "Alam mo ba 'yong feeling na hindi ka mapakali kung hindi mo nalalaman ang mga dahilan na gusto mong malaman? I feel like hindi ako makakapag-focus sa ibang bagay hangga't hindi ko nalalaman ang sagot, gano'n ang nararamdaman ko ngayon."

"Oh, kagaya no'ng nangyari sa 'tin? Padalos-dalos kaya mas lalong lumala."

"Nagkaayos naman tayo ah," sabi ko at umupo kaharap niya nang matapos ang time ng nilalaro ko. Kukuha sana ako ng knick knacks na kinakain niya pero tinapik niya ang kamay ko. Hmp, damot.

"Kahit na, ang tigas pa rin ng ulo mo. Well, pwede rin namang paringgan mo minsan. It's good if she opened up, but if not, huwag mong ipilit ang gusto mo. Ang magagawa mo na lang ay maghintay kung kailan siya handa. If you crossed the line again, baka umabot 'yon sa nangyari sa 'ting dalawa."

"May 'kayo' ba?" sabat bigla ng isang tinig na papalapit sa mesa namin.

"It's not proper to intrude with other people's conversation, Denrich. Doon ka nga sa kwarto mo," nakakunot na sita ni Daezen sa nakababata niyang kapatid.

Ang cute-cute sanang bata nitong si Denrich kung hindi lang bubukas ang bunganga. Kung ano-ano kasi minsan ang sinasabi.

"I'm the first one here, ate. Kung ayaw niyo mang marinig ko ang pinag-uusapan niyo, kayo dapat ang umalis," nakanguso namang sagot ng bata at kinuha ang knick knacks na hawak ng kapatid. Tumakbo ito agad bago pa siya maabutan ni Daezen.

"Denrich! Palagi ka na lang nandito sa game room ah, baka hindi mo na nagagawa assignments mo!"

Napapakamot na lang si Daezen sa konsumisyon dahil madalas na hindi nakikinig si Denrich sa kanya. Minsan ay natatawa na lang ako sa dalawang 'to. Haay, ano kayang feeling ng may kapatid?

"Doon na lang tayo sa kwarto."

Pagpasok namin ay nahiga agad ako sa paanan ng kama niya. Siya naman ay sumandal sa headboard at nagpipi-pindot ulit sa cellphone. Napakunot tuloy ang noo ko.

Beauty and the BekiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon