Albrent's POVIbinagsak ko ang mga gamit ni Bleizer pagkarating ko sa room namin.
"Hoy! Ang bastos mo naman!" apela niya pero hindi ko siya pinansin at nahiga lang sa kama. "Doon ka sa sofa matulog!" Lumapit siya at itinutulak-tulak ako paalis gamit ang paa niya. Ang dugyot naman nito, ang baho ng paa.
"Ikaw ang matulog do'n!"
"May hawak akong black card, sasabihin ko sa staff na sa labas ka na lang matulog kung hindi mo ako susundin."
Tinignan ko siya nang masama na nakangisi lang sa akin. Ipinapamukha niya talaga na talo ako sa kanya. Nakakairita! Peste talaga 'to sa buhay. Ang sama niya, ang laki ng sungay.
Lumabas na lang muna ako para magpahangin at para na rin pakalmahin ang sarili sa pang-aalila ni Bleizer.
Mas matanda pa siya sa 'kin ng ilang taon pero masyado siyang immature. Kaya hindi ko siya tinatawag na kuya eh. Hindi niya deserve ang respeto ko.
Naglibot na lang ako saglit sa loob ng resort. Dalawa ang resort house na ipinatayo rito. Isa malapit sa falls at isa dito sa taas ng bundok kung nasaan kami ngayon.
Napagkasunduan ng mga parents namin na sila na lang ang mamamalagi malapit sa falls habang kaming mga bata ay dito sa taas ng bundok. Hindi naman sila gaanong malayo sa kinaroroonan namin, walking distance lang din kaya anytime ay pwede kaming bumisita roon.
Hindi ko namalayang nakarating na pala ako sa isang cafe. Ngayong nandito na ako ay saka ko lang naramdaman ang pagkagutom. Hindi pa pala ako nagbe-breakfast. Si Daezen kaya, kumain na?
Pumasok na ako at pumunta sa counter. Tumingala ako para tignan kung ano ang pwedeng order-in.
Napakunot ako nang makitang naka-classify ang mga pagkain ayon sa kulay ng mga cards namin.
What the! Bakit puro nilaga ang mga nasa yellow?! Nilagang gulay, itlog, tapos tubig lang ang sa inumin. Nakakainis naman.
Nang mapansin ko si Jaevy na mag-isang kumakain sa dulo ay lumapit ako at umupo kaharap niya.
"Pwedeng pahiram ng card mo?" bungad ko na nagpakunot ng noo niya. "I promise na hindi kita guguluhin sa buong stay natin dito."
"Blue ang nabunot ko, it's the second to the lowest card."
"Okay lang, mas maganda na yung prito kaysa sa nilaga 'no."
Pinanliitan niya ako ng mata, "How can I be so sure that you would not really bother me?"
"I will not disturb you. Really. Singilin mo na lang ako ng 50k kung sumuway man ako. Tsaka napansin mo naman sigurong hindi kita ginulo magmula pa nung nagkita-kita tayo kahapon 'di ba? Hindi nga ata kita pinansin eh."
Napaisip naman siya saglit at inalala ang tagpo namin kahapon. "Yeah, you're right. Why the change?"
'Yan din ang tanong ko sa sarili pero wala akong siguradong sagot na makalap. "Hindi ko lang siguro feel and wala akong gana, gano'n. Hindi ko sure. Aish, h'wag mo na ngang tanungin kasi hindi ko rin alam. Tsaka ayaw mo ba no'n? Tatahimik na ang buhay mo."
Ang kaninang alerto niyang mukha ay biglang kumalma. Mukha siyang nabunutan ng isang malaking tinik. Gano'n ba ako kalaking sagabal sa kanya na ganito ang naging reaksiyon niya sa sinabi ko? Mukhang nakahinga na siya nang maluwag eh.
Pero hindi ko na 'yon pinansin at kinuha na lang ang inabot niyang card.
Pumunta ako sa counter at um-order ng ice coffee at fried boneless bangus with fried rice. Bumalik din ako sa table ni Jaevy at nakisabay sa kanyang kumain. Kanina pa kumakalam ang sikmura ko sa gutom.
BINABASA MO ANG
Beauty and the Beki
Teen Fiction"I Love You... Gurl." Series #1 "She's my frenemy, I hate her and like her as well. Nakakainis!" Date posted: May 9, 2020