Naalimpungatan ako nang may marinig akong ingay malapit sa 'kin. Ang weird, alam kong gising na ang diwa ko pero parang nanaginip pa rin ako.Habang tumatagal, unti-unti nang bumabalik ang senses ko.
Hanggang ngayon ay nandirito pa rin pala kami sa bus. Mabilis naman ang pag-andar nito pero hindi ko lang alam kung kailan kami makakarating.
Masyadong maingay ang mga kasama namin dito sa bus pero may tunog na pinakanag-stand out talaga sa akin.
*Poink*Poink*
Pagmulat ng mata ko ay si Super Mario na patalon-talon ang bumungad sa paningin ko. Napatitig pa ako ng matagal sa screen hanggang sa napagtanto ko ang pwesto namin ng katabi ko.
Omygash! Paano ako napunta sa ganitong posisyon?!
Nakapatong ang pisngi ko sa balikat niya habang ramdam ko naman ang ulo niya na nakasandal sa ulo ko.
Lumayo ako kaagad at nanlalaking napatingin sa kanya. Hindi niya napaghandaan ang ginawa ko kaya muntik na siyang matumba.
"Yaahhh! Bakit ka biglang umalis?!" sigaw niya at sinamaan ako ng tingin. "Malapit ko nang maabutan 'yong high score ko eh!"
Ngumuso siya at tinignan ang natalong game.
Napakurap-kurap ako at napahagikgik sa reaksyon niya. Inipit ko ang nakanguso niyang bibig at ngumisi, "Adik ka pa rin sa games 'no?"
Tinapik niya palayo ang kamay ko at nagsimula uling maglaro, "So? What do you expect me to do? Tumunganga? Wala naman akong ibang magawa habang nasa biyahe tayo."
Nakakunot ang noo niya at halatang bad mood pa rin sa natalong game.
Almost nothing have changed since we were young. Hanggang ngayon ay hilig niya pa rin ang paglalaro ng kahit na ano'ng games. Mapapambata man o ano'ng category, nilalaro niya pa rin, hindi pa rin talaga siya nagsasawa hanggang ngayon.
At dahil wala rin naman akong magawa, kinuha ko na lang ang ibinigay niyang V-Cut kanina at kinain iyon.
"Pahingi," sambit niya kaya inilapit ko sa kanya ang hawak ko. "I'm playing. Subuan mo na lang ako."
Tinaasan ko siya ng kilay, "Ano ako, yaya mo?" reklamo ko pero sinunod ko pa rin naman. "Hindi ba't ibinigay mo na nga sa 'kin 'to? Bakit nakikikain ka pa rin?"
"Bakit ba palagi ka na lang nagrereklamo sa mga sinasabi ko? Tapos susunod ka lang din naman pagkatapos?" balik na tanong niya kahit na hindi pa niya nasasagot ang tanong ko.
Tinitigan ko siya dahil sa sinabi niya pero nag-iwas din kaagad, "Hmp. Huwag na nga lang—"
"Ahhh."
Automatic na isinubo ko ang hawak na chips nang ngumanga siya. I was taken aback by my action kaya hindi agad ako nakagalaw. What the heck?!
At mukhang satisfied pa ang babaita dahil parang napapasunod niya ako sa mga gusto niya kahit na hindi niya sabihin.
Sa inis ko ay ibinigay ko sa kanya ang pack ng chichirya kaya natawa siya nang malakas. Napahinga ako nang malalim. Parang palagi na lang akong nawawala sa sarili sa mga pinaggagagawa ko. Nababaliw na yata talaga ako.
Kahit na officially friends na kami ngayon, gano'n pa rin naman ang turingan namin, parang aso at pusa. Well, mas maganda na rin siguro 'yon kaysa sa tahimik lang kami at hindi mag-imikan.
**********
"Huwahhh!" tili ko habang ini-enjoy ang pagtama ng maalat na hangin sa mukha ko. Nasa bangka kami at on the way na sa Marasigan Island.
Lahat ng pagod na naramdaman ko sa byahe ay naging worth it dahil nakakaginhawang lugar naman ang sasalubong sa amin.
Pagdaong namin sa isla ay mas namangha kami sa nakita.
Ang buong isla ay green na green. Mula sa kinaroroonan namin ay hindi pa namin nakikita ang hotel, nasa kalagitnaan pa raw ito ng isla. Ang cool lang.
Ang nasa palibot lang namin ngayon ay ang mga bangka at iba pang mga seawater vehicles. Medyo marami-rami rin ang tao ngayon dahil siguro weekend.
Iginiya na kami ng tour guide papasok sa isang pathway na pinalilibutan ng mga puno. Ang gara. Para kaming nasa maze dahil ang dami naming nilikuhan bago kami sinalubong ng mga taong naka-swimsuit.
Mygosh! Swimming pool kaagad ang bumungad sa 'min. Hindi tuloy maiwasan ng mga mata kong mapatingin sa mga fafa. Pero umiwas din ako kaagad dahil nakarating na kami sa hotel. Grabe ang laki.
May ten floors ito at malawak. Tsaka may dalawa pang building sa magkabilang gilid ng malaking swimming pool.
"Sa likod ng hotel, mayroon po ulit swimming pool, mas malawak kaysa sa harap. May giant slide din na pwedeng-pwede ninyong subukan. And not far from here, pwede niyo ring masubukan ang zip line, bungee jumping, parkour, at iba pa. May waterfalls din hindi kalayuan dito. But for safety protocols, you need to have a guide bago pumunta roon."
Pagkatapos ng mga sinabi ng guide ay pinapunta na kami sa mga in-assign sa 'ming rooms. Bunutan ang nangyari sa mga magiging roommates namin, siyempre hiwalay ang babae sa lalaki. Marami kami kaya limang tao kada kuwarto.
Hmm, room 34, ayun!
Pagpasok ko ay tumambad kaagad ang maliit na sala na may veranda at banyo sa dulo. Sa magkabilang gilid naman ay may dalawang pinto. Doon na siguro ang mga kama namin.
Pumasok ako sa may kanan at dumapa agad nang makakita ng kama. Parang doon ko lang naramdaman ang pagod ko kahit na wala naman talaga akong ginawa.
"Albrent?" sabi ng pamilyar na boses.
Lumingon ako sa tumawag sa 'kin. "Rupert!"
Ngumiti siya at umupo sa isa pang kama, "I'm glad na roommate kita."
Umupo ako at tinanggal ang sapatos, "Same, mabuti na lang at may kilala akong makakasama ko rito."
Inayos na niya ang mga gamit niya kaya gano'n na din ang ginawa ko. "After this, why don't we go outside? Mag-ikot-ikot muna tayo."
Kumunot ang noo ko at napasulyap sa kanya. Kung hindi ko lang alam na straight siya, malamang ay pagkakamalan ko nang may gusto siya sa 'kin. Nitong mga nakaraang araw kasi ay parang ang weird niya, palagi na lang siyang tumitingin sa 'kin na parang may gustong sabihin.
Nagkibit balikat na lang ako, "Sure."
Gusto ko pa sana munang magpahinga pero okay na rin siguro na sulitin namin ang oras sa pamamasyal dito.
"Uhm," rinig kong bigkas niya kaya napalingon ulit ako sa kanya. Nakayuko siya habang pinaglalaruan ang mga daliri niya.
"Bakit?" composed kong tanong pero sa kaloob-looban ko ay medyo kinakabahan na ako dahil sa inaasta niya. Don't tell me na bet niya talaga ako?!
Nag-angat siya ng tingin at diretsong tumitig sa mata ko. Napalunok ako. Ayan na, bumubuka na ang bibig niya.
Pumikit siya ng mariin at isinigaw ang mga katagang, "May gusto ka ba kay Leila?!"
Ah? Eh? Gusto? Kay Leila?
WHAT?!
BINABASA MO ANG
Beauty and the Beki
Jugendliteratur"I Love You... Gurl." Series #1 "She's my frenemy, I hate her and like her as well. Nakakainis!" Date posted: May 9, 2020