23

33 4 0
                                    


"My mom seems happy when she's dressing me up. Nag-go with the flow na lang din ako kahit na makati ang mga pambabaeng damit. Then dumating 'yong time na namula ang balat ko ng dahil doon, kaya itinigil na rin ni mama ang ipinaggagagawa niya sa 'kin. Pabor din sa 'kin 'yon dahil ayoko rin namang magsuot ng dresses."

Napapangiwi ako habang inaalala ang nangyari noong bata ako. Grabe talaga ang pamumula ko dahil sobrang kati talaga. Brrr.

"Wait lang," saad ni Leila at iniharap sa 'kin ang kamay niya. "Doon tayo sa steps to be a girl. Pagkatapos mong mabasa iyon, naging mataray ka na kay Daezen?"

"Oo," sagot ko at binuhat ang bag ng babaita. Ngayon lang kami dumating sa AVR dahil patigil-tigil itong si Leila pagpunta rito. Gusto niya raw kasing marinig nang mabuti ang kuwento ko.

Natatagalan na rin siguro sa paghihintay 'yong dalawa do'n sa clinic. But on the other hand, baka nag-eenjoy din sila sa company ng isa't isa. Psh.

"Bilisan mo na nga!" Nauna na akong lumabas kay Leila. Sumunod din naman siya at isinukbit sa balikat ko ang bag ni Lerdon.

"Ikaw magbuhat niyan, ang bigat. Wala ka man lang gentleman bones ni isa."

Umirap ako, "Girl nga kasi ako."

"Pero seryoso, hindi mo man lang ba ikinonsidera ang nararamdaman ni Daezen? 'Di ba super close kayo, tapos boom, biglang nag-shift nang dahil sa ginawa mo."

"Siyempre, pinag-isipan ko rin 'yon noong bata ako. Mas mahalaga nga lang si mama kaya ayon, nagawa ko siyang layuan."

Tinaasan niya ako ng kilay, "And hindi mo man lang inisip na gawin 'yang plano mo nang hindi isina-sacrifice ang friendship niyo?"

Ngumiti ako nang alanganin at napakamot sa batok, "Iyon nga ang katangahang nagawa ko eh. At iyon din ang rason kung bakit hindi niya ako pinapansin ngayon." Binatukan niya ako bigla, "Aray ko naman!"

"Kung ako siguro si Daezen, matagal na kitang hindi pinansin. Hindi rin siguro kita papapasukin sa bahay namin kahit close pa ang parents natin. Mabuti na lang at malaki ang patience ni Daezen sa 'yo. Nako, ang sarap mong sapakin!"

Mukhang siya pa ang nanggigigil sa ginawa ko kaysa kay Daezen. Understandable naman 'yon kasi magmula no'ng naging magka-group kami sa research ay medyo naging close na rin sila.

"Curious lang ako ha. 'Yung step din bang iyon ang dahilan kung bakit wala kang friends na girl no'ng junior high?"

Nagkibit balikat ako, "Medyo, pero dahil din sa ugali nila. Dumidikit lang kasi sila dahil sa aking kasikatan."

"Edi wow, ikaw na. Pero pa'no naman ako, girl ako pero friendship mo naman ako ngayon?"

Tinitigan ko siya, gano'n din siya sa 'kin. Ang kaibahan nga lang ay ang laki ng ngisi niya. Siguro iniisip niya na espesyal siya dahil tinuring ko siyang kaibigan.

Tumingin na ako sa daan at binilisan ang paglalakad, "Siguro dahil hindi kita nakikita as a girl."

"Hoy! Ang sama mo!" rinig kong sigaw niya mula sa likod kaya napangisi na lang ako. Humabol siya at hinampas ako sa balikat, "Seryoso nga?"

"Well, iba ang ugali mo sa iba. Sinasabi mo ang opinyon mo nang walang filter, unlike others na fina-flatter ka lang dahil may kailangan. You are real, kahit na hinuhuthutan mo ako paminsan-minsan."

"Kinikilig na ako eh, tapos sasabihin mong hinuhuthutan kita?! FYI lang teh, ikaw ang nanlilibre sa akin!"

Napailing-iling na lang ako sa lakas ng bunganga ng babaeng 'to. Kahit kailan talaga.

Pagkatapos no'n ay tahimik na kaming naglakad. Sa tingin ko nga ay ilang oras na kaming naglalakad dahil sa pagdadada nitong si Leila.

Malapit na kami sa clinic. Namataan ko na sina Lerdon at Daezen na nasa labas at naghihintay. Nabagot na siguro sila sa loob.

Bibilisan ko na sana ang hakbang kung hindi lang ako pinigilan ni Leila. Mukhang kanina pa malalim ang iniisip niya pero hindi ko lang siya pinapansin.

Kumunot ang noo ko nang panliitan niya ako ng mata. "Bakit?"

"Real talk nga. May gusto ka ba kay Daezen?"

Beauty and the BekiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon