Kabanata 9

38 2 0
                                    

Tinulungan ko si Ina sa pagbibitbit ng mga bayong na may lamang pagkaing pangtanghalian nila Ama

Ilang beses na ring pinaalala sa akin ni Ina na kailangan kong magbehave kapag naroon na kami. Habang ako naman ay like Duh! Mother kailan ba ako hindi nagbehave?

Pero siyempre sa isip ko lang iyun, baka masunggaban pa niya ako eh.

Napapansin ko naman ang pagtingin tingin sa akin ni Ina habang naglalakad kami. Like anong meron ba mudrakels?

Kanina ka pa parang nangangamba ah. Napabuntong hininga naman siya bago nagsalita

"Kapag dumating tayo roon, ipapaalam ko kaagad kay Savannah na kasama kita upang magkausap kayo. Hangad korin na sana... *sigh* ngitian mo si Ismael kapag nakita mo siya." Sabi niya.

Ismael? Sino na naman yun? Ang hilig talagang magdrop ng names ni Ina pero di ko naman sila kilala.

Itatanong ko na sana kung sino bang Ismael ang sinasabi niya nang magsalita na ulit siya

"Narito na tayo." Sabi niya. Napatingin naman ako sa tinitignan niya.

Ok? Isang daan na sa tingin ko ay magiging maputik kapag umulan ang tinitignan niya.

Naglakad kami ni Ina sa papasok na iyun hanggang sa bumungad sa akin ang isang malawak na palayan. Napatigin ako sa malayo, natanaw ko naman ang matatayog na  mga puno ng niyog, mayroon ring puno ng mangga sa di kalayuan.

Gosh ang lawak naman ng lupain na ito. Gaano ba kayaman ang mga Delgado? Sino kayang mas mayaman sa kanila at sa mga Cortez. In fairness dito kay mudra ah, maraming kilalang mayaman.

Sumunod ako kay Ina nang magsimula ulit siyang maglakad. Palingon lingon naman ako sa paligid at baka alam mo na, may makikitang gwapo sa tabi tabi.

Alam ko naman eh. Kahit NBSB ako, hindi ako naman tatanggi kapag may nagsabing may tinatago akong harot kasi... kita naman sa akin. Ehem.

May nakita akong kubo sa gitna ng burol. Dun ba ang pahingahan nila? In fairness ah, mukhang malamig dun

Nang makaakyat kami ay agad na lumapit si Kuya Lucas upang kuhanin ang mga bitbit naming bayong. Napatingin siya sa akin at nangunot ang noo. Problema nito?

"Wala rito si Ismael." Sabi niya. Ako naman ang nangunot ang noo. Ismael? Bakit ko naman hahanapin iyon? Saka sino ba kasi iyun??? At bakit kung magsalita siya ay parang hinahanap ko yung Ismael na yun?

"Ina, sino po ba si---"

"Mira? Miranda!"

Napatingin ako sa nagsalita. May nakita akong isang babaeng nakasuot ng damit na kagaya ng suot ko pero mas maganda ang kanya at mukhang mamahalin

Who's that girl? Bakit parang pamioyar siya. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko kung sinong kamukha niya

"Lally?!"  Gulat kong sabi. Gosh is this true? Bakit narito ang gurlalu na yun?

Nangunot ang noo niya at napangiti

"Lally? Kailan pa naging Lally ang Savannah? Mira talaga oh." Sabi nito bago tumakbo at niyakap ako. Napatingin ako kay Ina na nakangiting nakatingin sa amin ni Savannah Girl na kamukha pala ng lukaret kong bestie friend na si Lalliana.

Matapos niya akong yakapin ay humiaay siya sa akin at hinawakan anh dalawang kamay ko. Ngumiti siya sa akin. Hindi ko naman mapigilan ang sarili kong titigan siya at ang babae nakita akong tinititigan siya kaya nagbeautiful eyes pa!

*Gasp! Ganyan! Ganyan na ganyan si Lally!

"Are you sure you're not Lally?" Tanong ko. Tinabingi niya ang ulo niya at para bang iniisip kung anong sinabi ko

Mi Amor Sin FinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon