Kabanata 5

56 3 0
                                    

Nagising ako dahil sa mga kaluskos na naririnig ko mula sa labas ng aking silid. Bumangon ako nang makita kong may ilaw sa salas

"Anak, nagising ba kita? Pasensya na" sabi ni Ina nang makita ko siyang nag aayos sa salas. Ngumiti naman ako at umiling. Nakita ko namang parang may inaayos na mga gamit si Ina

"Ina, para saan po yang hawak niyo?" Tanong ko sa kanya sabay turo dun sa bayong na hawak niya

"Ah eto ba, mga damit ko ito. Babalik na muna ako sa aking trabaho dahil ilang linggo na rin akong hindi pumapasok, nakakahiya na sa aking kaibigan." Sabi ni Ina sabay pakita sa akin ng bayong na hawak niya

Hmmm... ang aga namang pumasok ni Ina pero wait, bakit may mga damit

"Ahh. Namamasukan ako bilang kusinera sa Hacienda Cortez." Sabi niya habang pilit na nakangiti

Owww. Tatalikod na sana nang bigla akong matigilan.

"Gusto mo bang sumama sa akin?" Tanong niya

Sasama? Saan? Sa mga Cortez na naman? Makikita ko ulit yung Marcus na yun? No, thank you.

"Sa susunod na lamang po, Ina. Magpapahinga na lamang po muna ako." Sabi ko sa kanya habang nakangiti

Mukhang pabor naman kay Ina ang sinabi ko kaya pumayag na siya.

Pinanood ko lang umalis si Ina hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Madilim pa ngunit gisingan na ang mga tao ngayon. Feeling ko tuloy ay sobrang busy nila kasi madilim plang ay marami na silang ginagawa.

Pagpasok ko sa loob ng bahay, nakita ko kaagad si Kuya Lucas na nagtitimpla ng kape sa kusina, well sa may lababo to be exact.

Unlike sa mga nababasa ko sa wattpad na about sa time traveling to the past, hindi ako napunta sa mayamang pamilya, pero ok na rin ito kaysa sa wala.

Pinagmasdan ko lang si Kuya Lucas habang nakatalikod siya sa akin. Sabi sa akin ni Chronoa, ako at si Miranda ay iisa. Kung ganoon, Kuya ko talaga si Lucas pero sa past life nga lang. At ang pamilya ko ngayon, pamilya ko talaga sila... well as Miranda.

I wonder if they reincarnated too. Sana mameet ko sila sa present lalo na si Ina.

"Gusto mo ba ng kape, Miranda ?" Sabi ni Lucas.

Ngumiti ako bago lumapit sa kanya

"Sige, Kuya." Sabi ko. Napangiti naman siya at ipinagtimpla ako ng kape. Ipinatong niya ito sa lamesa at ipinaghila pa ako ng upuan.

"Dito ka na maupo" sabi niya habang hawak ang tasa niya na may lamang kape. Ngumiti nalang ako bago naupo dun sa upuang hinila niya para sa akin.

Bongga pala ang may Kuya? Di ko yun alam, wala akong brotherhood eh since I'm an only child.

Maya-maya ay nakarinig kami ng katok sa may pintuan. Sabay kaming napatingin roon ni Kuya. Si Ina kaya iyun? Baka nagbalik siya dahil may nakalimutan. Tatayo na sana ako pero pinigilan ako ni Lucas

"Ako na, maupo ka na lamang riyan." Sabi niya sabay patong ng kanyang mug sa lamesa. Nagpunta siya sa may pintuan at binuksan ito.

Bumungad sa amin ang isang babaeng nakatalikod. Medyo magara ang suot niyang baro't saya. Sino kaya ito? Mukhang yayamanin ah.

Nang humarap siya, agad itong ngumiti nang makita kung sino ang lalaking nagbukas ng pinto. Humigop akong muli ng mainit na kape, ngunit hindi ko pa ito nalulunok ay nagsalita yung babae sabay dampa- este yakap kay Lucas

"Lucas! Te extraño tanto!"(I miss you so much!) Sabi nito

Muntikan ko ng maibuga yung kapeng nasa bibig ko. Hala, ng tinik ni ate. Nangyayakap kaagad. Mabilis ko namang nilunok yung kape dahil napatingin silang dalawa sa akin

Mi Amor Sin FinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon