Kabanata 11

37 1 0
                                    

Ang laki ng ngiti ko. Makakapagpaint na rin ako. Ayon sa usapan namin ni Marcus, pupunta ako sa kanila para kunin ang pambili ng items. Inalok niya rin na siya na ang bibili. Sabi ko nga lang next time nalang, gusto kong itry mamili ng akin eh.

At ang lolo mo tinaasan ako ng kilay nang sabihan ko ng next time. Pumayag na nga akong magmuse niya eh kapag kailangan niya, arte niya talaga.

Inagahan ko ang pagpunta sa kanila. Ngayon rin kasi first day ko sa trabaho ko. Sa day off ko nalang ako bibili.

Habang nasa daan ako ay iniisip ko talaga kung sinong Amor yung aalagaan ko. Taray naman, naging instant yaya ako sa sinaunang panahon. Gosh sana mabait yung bata, kapag madita yun baka maitapon ko lang siya sa ilog tapos maghanap siya ng isdang susuntok sa kanya.

Kapatid kaya yun ni Marcus or Gosh! Baka anak niya? Amp! Edi hindi lang pala yaya ganap ko rito? Instant mommy na rin ako? Bwiseettt!! Mommy dahil of  course, hindi man halata sa aking kagandahan, Fiance lang naman ako ng isang Marcus Cortez, oh diba sarap magsuka.

"Hello mga Kuya!" Nakangiti kong bati sa mga guwardiya sibil na buti ay di mga snob di gaya ng gwardiya sa school namin na wagas kung makatingin ng masama. Nginitian rin nila ako kahit for sure naman ay wala silang naintindihan sa salitang hello.

Gosh pano kung minumura ko na sila di ba? Edi di nila knows? Di gaya ni *cough* gosh naalala kong naintindihan nga pala niya yung mga barbaric words ko.

"Kakahiya ka talaga, Amanda girl." Puna ko sa sarili ko bago umiling iling

"Sinong kausap mo?"

"Ay Bwiset na butiking hukluban!!!" Napasigaw ako sa gulat. Jusme, kapag ako inatake sa puso dito at natuluyan tandaan mo hahuntingin kita.

Napatingin ako sa nagsalita habang nasa may bandang dibdib ko ang isang kamay ko.

"Pffttt hahaha!!"

Nakita ko si Marcus na wagas na tumatawa habang nakahawak sa tiyan. Happy ka happy?

Are you syur na taga dito ka? At hindi sa panahon ko? Parang ang baboy ng ugali mo para sa panahong ito eh.

Itinaas ko ang kamao ko at pinagbubugbog siya- de joke. Sinamaan ko siya ng tingin at inirapan ng pamatay.

Iniwanan ko na siyang parang baliw na tumatawa habang malaking harang sa daan.

"Sino nga pala si Amor?" Tanong ko kay Marcus na ngayon ay sumusunod na sa akin.

"Anak ko bakit?" Sabi ni Marcus. Napahinto ako sa paglalakad at gulat na napalingon sa kanya

"Gosh. For real?" Gulat kong sabi. So tama nga ang theory ko na anak niya si Amor? Bakit wala naman akong nakikitang bata saka... napaka bata naman niya para magkaanak.

Angelito, batang Ama lang ang peg mo dzai?

Ngumisi si Marcus bago nagpatuloy sa paglalakad at iniwan niya akong nakanganga.

"Sandali! Nasaan ang nanay niya?" Tanong ko kay Marcus. Gosh naiintriga ako ah. Sinong nabuntis nitong mokong na ito?

Sinasabi ko na nga ba eh magkakamali rin ito isang araw, sa ugali ba naman niyan.

Ngumiti sa akin si Marcus na may halong pang-aasar.

"Ipapakilala ko palang sa kanya." Sabi niya. Nangunot naman ang noo ko. Ipapakilala? Bwiset, hindi alam ng bata kung sinong nanay niya?!

Huwwaaatt??!!

Jusme

"Ano pang tinatayo mo riyan, halika na. Kanina ka pa hinihintay ni Amor." Nakangiting sabi ni Marcus bago hinila ang kamay ko.

Mi Amor Sin FinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon