Kabanata 4

75 3 2
                                    

"Ang tunay na pag-ibig ay di hinahanap o pinipilit, ito'y kusang mararanasan ng tao"

How am I suppose to fell in love with a guy just because I need to live?

Parang sinabi ko na rin na kailangan kong tumae kasi yun yung dapat. Parang naligo lang ako para di bumaho. Bakit kailangan kong pilitin ang sarili ko para mabuhay? Nande? Wae? Bakit? Bakit tinawag na blackboard ang blackboard pero kulay green naman siya? Bakit tinawag na hotdog ang hotdog pero di naman siya mainit at gawa sa aso? Bakit may cornbeef pero wala namang corn? Bakit kailangang ako pa ang tumupad sa pangarap ni Miranda? Kasalanan ko bang NBSB din siya at NBSB pa rin hanggang next life niya? Haayyyss sumasakit ang bangs ko kahit wala namang bangs itong katawan ni Miranda.

"Anak, kailangan ko ng pumunta sa Hacienda Cortez upang ipagpatuloy ang aking trabaho. Isang linggo rin akong liban, baka hinahanap na ako ng aking amo." sabi sa akin ni Ina habang inaayos niya ang gamit niya. Para naman akong nakarinig ng bell sa utak ko.

"Ina, maaari po ba akong sumama?" tanong ko tapos nagpuppy eyes pa ako para effective

"Gustuhin ko man anak ay di maaari, mahabang lakarin ang tatahakin patungo sa Hacienda Cortez baka mapagod ka lalo na't di ka pa lubusang gumagaling." sabi ni Ina tapos hinawakan niya ang pisngi ko

"Maayos na naman po ako, Ina eh. Sige na po. Nais ko lamang makalabas ng kwartong ito." sabi ko. Nako naman Madam Soledad, pumayag na kayo at mukhang di nakakatikim ng liwanag ng araw itong katawan ng anak niyo sa puti ba naman ng balat, dinaig pa ang kojic ko sa pagpapaputi eh.

"sige na, Ina please." sabi ko habang may papungay-pungay pang mga mata. Madala ka sa beautiful eyes ko!

"P-Plis? Ano iyun anak?" sabi ni INa. Nanlaki naman ang mga mata ko. Oo nga pala, Spanish era palang ngayon at di pa kami nasasakop ng mga Americano. Mga 2 years from now pa.

"A-Ano po iyun, Ina. Pakiusap. Nakikiusap po akong isama niyo ako sa pupuntahan niyo. Pangako po, magiging mabait ako." sabi ko sa kanya. Napaisip naman siya. Sige na! Sobrang bored na talaga ako rito eh saka malay mo, doon ko makikita ang magiging 'The One' ko, oo yung the one na ipipilit ko sa sarili ko.

"Sige, sa isang kundisyon." sabi niya. Napangiti naman ako. Eeeehhh kaexcite!

"Ano po iyun?" magalang kong tanong

"Sasabihin mo sa akin kapag pagod ka na para makapagpahinga tayo sa daan." sabi niya. Napakunot naman ang noo ko. Gaano ba kalayo ang lugar na yun para mag-alala sa akin ng ganito si Madam Soledad? Saka noong isang araw pa ito ah.

"Opo, pangako!" sabi ko habang nakapanatang makabayan at nakangiti.

HINDI nga biro ang daan papunta sa bahay namin at sa bahay ng mga Cortez, grabe hingal na hingal na ako di pa yata kami nangangalahati

"Ayos ka lang ba?" sabi sa akin ni Ina na mukhang alalang-alala. Eto namang si Madam ay mukhang ok lang. Ito na ba ang difference ng mga millenials sa mga oldies? Pero hindi eh, katawan to ni Miranda eh, so ibig sabihin oldies din dapat siya, millenial nga lang at heart dahil sa akin

"P-Pwede po bang magpahinga muna tayo?" sabi ko habang humihinga ng malalim. Huuooo!!

"Sige, maupo ka muna dito, anak." sabi ni Ina at pinaupo ako sa isang trosong malapit sa amin.

"Hindi po ba kayo napapagod, Ina?" tanong ko sa kanya nang makahinga na ako ng maayos

"Napapagod rin naman." mahinahong sabi ni Ina bago umupo sa tabi ko at pinunasan ang mga pawis ko sa noo

"Pero bakit po hindi kayo katulad ko?" sabi ko kasi malakas pa talaga siya sa akin

"Kasi anak, ganito yan. Bata ka palang ay mahina na ang pangangatawan mo, maging ang iyong puso ay mahina rin kaya ginawa namin ang lahat upang di ka mapagod. Alam mo ba anak, hindi ka rin mahilig maglalabas dahil mabilis kang mapagod kaya't natutuwa kami na lumalabas ka na ngayon sa iyong silid kahit papaano." sabi niya na may halong lungkot. Mukhang nagegets ko na kung bakit namatay ng maaga at di man lang nagkalove life si Miranda. Kawawa naman pala ang past life ko.

Mi Amor Sin FinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon