Hindi pa rin nawawala sa isip ko yung painting na nakita ko dun sa exhibit dahil kakaiba talaga ang nafeel ko doon. Hanggang sa pag-uwi ay yun pa rin ang nasa isip ko. Napabuntong hininga nalang ako.
Marami lang talagang weird ang nangyayari sa mundo lalo na si Ale
Humiga na ako sa kama ko para matulog dahhil talagang naiistress ako sa mga nangyayari sa akin lately
Muli ko na naman siyang nakita. Nagdala ito ng kakaibang damdamin sa aking puso. Tumingin siya sa akin at ngumiti. Natulala ako sa angkin niyang kagwapuhan.
Napabalikwas ako ng bangon. Another weird dream. Napatingin ako sa orasan ko. Ala una palang pala. Humiga ulit ako at sinubukang matulog pero nawala na ang antok ko. Ito yung pinakaayoko eh. Yung naaabala ako sa pagtulog dahil nawawala talaga yung antok ko. Kainis naman eh, papasok na naman ako sa school na may malaking eyebags, mamaya sabihan na naman ako ni Lally ng-
'Sinong makasalanang ipis ang kumagat sayo at ng mapaliguan ko ng baygon?'
Natawa nalang ako at bumaba ng kama ko at binuhay ko ang ilaw. Nakita ko yung canvas na nakalagay sa Easle ko, yung parang stand ng canvas. Kinuha ko yung drop cloth ko na nakalagay sa cabinet ko. Inilatag ko ito sa sahig sa ilalim ng easle, kinuha ko na rin yung apron ko para di ako masyadong madumihan dahil sa paint. Hinila ko yung upuan ko at nagsimula na akong magdrawing sa canvas gamit ang lapis para may guide ako. Next ay kinuha ko yung tools ko noong matapos ako sa pagdodrawing. Naghalo ako ng ilang paint na may iba't ibang kulay sa limang magkakaibang lalagyan. Acrylic at oils ang ginagamit ko kapag nagpipinta ako. Then kinuha ko yung paint brush ko, isinaw saw ko ito sa kulay na gusto ko at nagsimulang magpinta.
Hindi ko alam kung ilang oras na akong nagpepaint pero focus na focus lang ako. Dahan dahan at dapat accurate ako sa bawat bahagi ng ipinipinta ko para hindi ako magkamali at mabigyan ng ibang meaning ang bawat painting na ipinipinta ko. Alam kong mistakes can happen while painting something and I don't make mistakes anymore because I know painting like it's the back of my hands but I can't still help it. Kinakabahan akong magkamali sa ipinipinta ko ngayon. Hindi naman ito ang ipapasa ko sa competition pero daig pa nito ang kabang nararamdaman ko sa tuwing sumasali ako
Nang matapos ako ay di ko mapigilang di mapangiti sa aking obra. Kuhang kuha ko ang bawat anggulo. Mula sa pananamit, buhok at hulma ng mukha. Kamukhang kamukha niya ang lalaking nasa panaginip ko gabi-gabi.
Nagulat ako ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at iniluwa nito si Lally na nakauniform na
"Oh, ano pa bang ginagawa mo? Bakit di ka pa naliligo? Malelate na tayo no!" sabi sa akin ni Lally. Dun ko lang napansin na maliwanag na pala sa labas. Nanlaki ang mga mata ko ng mapansin kong malapit na nga kaming malate. Dali dali akong nagpunta sa banyo para maligo
"YUNG painting dun sa kwarto mo. Ikaw ba ang gumawa nun?" sabi ni Lally habang kumakain kami sa cafeteria
"Malamang, sino ba sa amin ang marunong magpaint, di ba ang nagmamaganda at nag-iisang si ako?" sabi ko kay Lally sabay kagat sa burger ko
"Naninigurado lang no! Saka sino iyun? Gwapo ah, wag mong sabihing boyfriend mo yun ng di ko nalalaman?" sabi ni Lally na gulat na gulat
"Gaga! Di ko boyfriend yun no. Di ko nga yun kilala eh. Nakikita ko lang siya sa panaginip ko." sabi ko sa kanya
"Maka-gaga ito, Gagapangin kita diyan mamaya eh. Rawwr!.. HUWAT? nakikita mo lang sa panaginip mo? Hala, Amanda baka mamaya tagasundo mo na pala yun, kinukuha ka na at dadalhin sa langit." sabi ni Lally na akala mo'y nag-aalala talaga
"Baliw ito. According to Freud, dreams represent a disguised fulfillment of a repressed wish. In tagalog, hindi ko siya tagasundo dahil ayoko pang mamatay. Siguro nagwish ako noon sa past life ko at di natupad kaya ngayon sa panaginip nalang siya natupad. Saklap." sabi ko sabay inom ng juice. Mukhang naniwala naman si Lally sa akin.
BINABASA MO ANG
Mi Amor Sin Fin
Tarihi KurguPaano kung mamamatay ka na at ang tanging paraan upang mabuhay ka ay tuparin ang isang kahilingan na siyang magiging iyong misyon? Ang misyong ito ay ang bumalik sa nakaraan at magmahal. Di ba palaging bawal magmahal? Pero paano kung sa pagkakata...