Kabanata 8

40 2 1
                                    

Kailangan ko ba talagang pagdaanan ito?

Napapaiwas ako sa tingin nila Ina at Kuya Lucas. Mula kasi nang makauwi ako mula sa date(pwe!) Namin ng fiance Ko(pwe!) Ay ibang iba na ang ngiti ng aking ina. Lalo lang akong naaalibarbaran kapag naaalala ko yung acting na ginawa ni Marcus kanina. Sinadya niyang sabihin ang mga iyun kasi alam niyang nanonood ang nanay ko.

Bwiset. Wait for it, Cortez. Ako ang sunod na babawi sayo.

Si Kuya Lucas naman ay patingin tingin lang sa akin pero hindi naman nagtatanong while yung katabi niya ay kanina pa kumikislap ang mata. Kulang nalang yata ay bumuo ito ng salita ng kusa while saying-

'Kumusta date niyo, anak? Good terms na kayo ni Marcus? Kailan ako magkakaapo?'

Fake akong napangiti at napailing bago napabuntong hininga

Kinagabihan, hindi ako makatulog. Naiisip ko pa rin ang sitwasyon ko. Kahit anong mangyari ay kailangan kong makabalik sa panahon ko. It's not like I hate it here, it's just that I don't belong here.

Bumangon ako sa kama at dahan dahang lumabas ng kwarto. Kailangan kong magpahangin, isa pa ay kailangan kong makausap si Chronoa.

Kumuha ako ng isang balabal sa cabinet at ibilagay ko ito sa sarili ko. Kinuha ko rin ang isang gaserang may sindi bago lumabas ng bahay namin.

Naglakad lakad ako ng kaunti bago ako napadpad sa isang open field na puro talahib.

"Chronoa? Chronoa!" Pagtawag ko sa deity na nagdala sa akin dito.

Maya maya lamang ay may lumipad na swallowtail sa harap ko. Hinabol ko ito ng tingin nang biglang may nagsalita sa likod ko.

"Bakit mo ako hinahanap?"

Napangiti ako at agad na tumalikod ngunit nagulat ako nang wala akong Chronoang nakitang nakatayo sa likod ko. Nagulat nalang ako nang may kumulbit aa likod ko.

Eto na, sureness na ito. Kapag ito nawala na naman!

Humarap ako sa likod ko at bulagers!! Nakita ko si Chronoa na akala mo ay nagpa-skin care dahil sa kinis ng mukha at mukhang nagpaglow up pa.

"Kailangan ko ng tulong mo." Sabi ko habang nakawak sa kamay niya. Ngumiti siya at tinabingi ang ulo.

Nagpalakad lakad ako sa harap ni Chronoa na prenteng nakaupo sa isang upuan na i don't where kung saan nanggalin at biglang magic abracadabra at nauupuan na ni Chronoa. Isa pa pala sa problema ko ay ang pangiging maghaba ng name ng babaeng to.

"Bakit ba pauli-uli ka dyan? Ako ang nahihilo sayo eh." Sabi niya

"I just don't know what to do, Noa." Sabi ko. From now on, Noa na ang itatawag ko sa kanya

"Saan ba?" Tanong niya at mukhang ok lang sa kanya na tinawag ko siyang  Noa.

"Sa lahat! Hindi ko alam kung saan ako hahanap ng lalaking pwede kong akitin, yung hindi Marcus Cortez ang pangalan at saka kung paano ako mahuhulog sa taong iyun." Sabi ko at napahinto sa paglalakad bago frustrated na humarap kay Noa

"Ha? Hindi ba iyun na ang ginagawa mo?" Sabi ni Noa na mukhang naguguluhan dahil nag iinarte ako sa harap niya

Ginagawa ko?

"Sige, tell me. Ano bang tipong lalaki ni Miranda?" Tanong ko sa kanya. Napaisip siya at tumingin sa akin

"Gwapo"

Biglang pumasok sa isip ko ang mukha ni Marcus nung halikan niya ang likod ng palad ko habang nakangisi

"Ok.."

Mi Amor Sin FinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon