Kabanata 13

63 4 3
                                    

In the year 1896, the Philippine Revolution occured.

Dahil sa himagsikan, tuluyang napalaya ang mga Pilipino mula sa pang-aalipin ng mga kastila.

For the unknown reason, sa taong ito ako napadpad. Hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat dahil January ako napunta dito at hindi August.

Muntikan ko ng malimutan ang kasaysayan kung hindi ko lang nakita si Marcus.

Sobra ako nakafocus sa misyon ko na nakalimutan ko kung anong big change ang dala ng taong ito.

Sa panahong ito, may hinala na ang mga kastila sa samahan ngunit wala silang pruweba. Alam na rin ng ilang mga Pilipino na may samahan kaya't marami na itong kasapi simula pa noong Hulyo 1892, mula nang ito ay mabuo.

I almost forgot that I time traveled to a very chaotic time.

Napatingin ako sa labas ng bahay namin. Isang linggo na mula noong last kong makita si Marcus. Hindi ko siya namimiss, ok. Hindi ko rin siya hinahanap or anything, I just felt.... nothing. Tama, I felt nothing since he left. Gosh, sino ba siya para pagtuunan ko ng pansin?

Ang mahalaga ay may candidate no. 2 na ako at iyun ay si Ismael. Sinasabi ko na eh, hindi lang si Marcus ang gwap-- este ang lalaki sa bayan na ito.

May mukhang cinnamon roll rin, si Bibhie Ismael.

Ngayon, magkikita kami ni Savannah. Excited na akong makita siya! I don't know if dahil ba kamukha niya si Lally ay magaan ang loob ko sa kanya. By the way, miss ko na ang luka lukang iyun.

Kailan kaya ako makakabalik sa panahong ito? Ano kayang mangyayari sa panahong ito kapag nakaalis na ako?

Natigil ako sa pag iisip nang may dumating na kalesa. I don't know why but I suddenly got up and run outside.

"Miranda!!"

Pagkalabas ko, may narinig agad akong tinig. Napatingin ako sa kalesang pinagmulan ng boses. I don't know why but... I felt disappointed when I saw Savannah waving and smiling at me at the Calesa.

What's wrong with me? Gosh.

I shook my head and smiled to Savannah

"Savannah!" Nakangiti kong sabi bago lumapit sa kanya. Bumaba siya sa kalesa at lumapit sa akin bago ako biglang niyakap.

"Nagagalak akong makita kang muli, Miranda!!" Masayang masayang sabi niya. Hinawakan niya ang kamay ko at bahagya akong hinila papunta sa kalesa at magkasunod kaming sumakay dito.

"Alam mo ba, Miranda. Napakarami kong gustong ikwento sayo. Kung saan ako nagpunta at ay! Siyanga pala, marami akong pasalubong sayo! Sigurado akong magugutuhan mo silang lahat! Hindi na ako makapaghintay sa maipakota sila sayo!" Excited niyang sabi

Ngumiti nalang ako habang nagkekwento siya. Sanay na ako kasi ganito rin kadaldal si Lally noon.

Nang makarating kami sa Casa nila,agad kaming pinagsilbihan ng mga criada nila.

"Sandali lang ha." Paalam sa akin ni Savannah bago umalis. Umupo muna ako sa sofa nila sandali at tumingin sa paligid. Like normal ancestral homeso bahay na bato na makikita mo kapag nagpunta kang Taal or Las Casas, ganoon rin ang style ng bahay nina Savannah. Ang sahig ay gawa sa makintab na kahoy sa second floor habang semento na parang nakatiles ang sahig with the color black and red, then may steps din papunrang kahoy na hagdan. Ang living room ay malawak at malaki, mataas ang ceiling na may mga designs. Sa panahong ito, only reach people can afford to have this kind of house.

Nang ilingon ko ang aking mga mata, may nakita akong napakalaking salamin. I traced with my fingers every part of it.

Mirror is the sign of wealth. Malalaman mo kung mayaman ang isang pamilya kung may salamin sila. Mas malaki, mas mayaman. Really, amg dami talagang double meaning sa panahong ito. Huling napadako ang aking mga mata sa Piano na nasa gilid.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 06, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mi Amor Sin FinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon