Tahimik lang muna kami ni Marcus sa byahe... charr. Ako kasama niya eh, wish niya lang na magkaroon ng quiet time na ako ang kasama.
"Kailangan mo ba talagang sumama? Kasi kaya ko naman mag-isa." Sabi ko kay Marcus
Nakasandal lang siya, nakacross arm, nakapikit at naka de kuwatro.
Tulog ba siya? Baka hindi niya narinig ang sinabi ko?
"Are you sleeping?" Tanong ko. Tinitigan ko siya habang nakapikit siya. Siningkitan ko ang mga mata ko habang nakatingin sa mukha niya.
Kapag kaya sinapak ko siya malalaman niyang ako ang gumawa?
"Kung inaantok ka, ok lang kahit di mo na ako samahan." Sabi ko kahit alam kong baka di niya naririnig.
Nagulat ako ng biglang kumalog ang kalesa at dahil nakatingin ako kay Marcus at hindi maayos ang pagkakaupo ko, siyempre...
*thud!
Nahulog ako mula sa pagkakaupo!
Bwiset ang sakit!
"Anong ginagawa mo?"
Napatingin ako kay Marcus matapos niyang magsalita. Nakaupo pa rin siya, nakacross arm at naka de kuwatro. Calm as ever. Nakatingin siya sa akin habang nakataas ang kilay like saying na 'Ginagawa mu?'
"Humhiga! Kung tinutulungan mo kaya akong tumayo!" Sabi ko habang nakatingin sa kanya. At ang magaling! Nag-eyeroll!
Sinamaan ko siya ng tingin bago ako tumayo at padabog na umupo sa tabi niya. Sinakop ko na rin lahat ng space kaya napatingin siya sa akin. Inirapan ko lang siya. Bwiset na lalaki to. Antayin mo lang, kapag nakakita pa ako ng mas gwapo at mas maganda sayo, yun pipiliin ko. Bwiset ka.
Gosh, kumukulo ang dugo ko sa lalaking ito. Feeling ko tuloy kagaya ko na yung mga babaeng nagagalit sa boyfriend nilang napaka 'considerate'.
Buong byahe ko siyang hindi pinapansin, hindi niya rin naman ako kinakausap. Nakakaturn off talaga siya! Panira ng pantasya!
Nang makarating kami sa bayan, nagmadali akong bumaba at umalis. Naiinis talaga ako. Ano bang mali sa pagtulong tumayo? Hihilahin niya lang ako eh hindi pa niya nagawa.
Huminto ako sa paglalakad at napabuntong hininga. Sandali nga, why am I acting like a childish girlfriend.
"Gosh, ang sama tignan." Sabi ko at lumingon.
Stop acting like a High School student now, Amanda. College student ka na!
Npatingin ako sa kalesa-- na wala.
Napatingin ako sa paligid. Nasaan ako?
Palingon lingon lang ako nang maramdaman kong may kumulbit sa balikat ko. Paglingon ko, I saw Marcus looking at me with his droopy eyes.
"Dito." Sabi niya then he suddenly held my hand at hinila. Sinunod ko naman siya. Nagpahila lang kami hanggang sa humito kami sa harap ng isang tindahan. Gaya ng ibang mga tindahang nadaanan namin. Makalumang style siya tapos bahay ang second floor niya.
Hindi mo talaga makakaila na ang tindahang ito-- no, ang buong kalye ay para sa mga mayayamang tao lamang.
Pumasok na kaming dalawa. Nang buksan niya ang pintuan, tumunog ang bell na nakalagay sa may taas ng pinto. Napatingin ako sa paligid. May mga libro at iba't ibang art supplies ang nakadisplay. Lalapitan ko sana yung lugar kung saan nakadisplay ang mga brush when I felt someone squeeze my hand. Doon ko lang narealize na magkaholding hands (pweh!) Pala kami ni Marcus.
Hinihila ko ang kamay ko pero hindi pa rin ako binibitawan ni Marcus. Lalo lang humigpit ang kapit niya.
"Magtitingin lang ako doon oh." Sabi ko habang nakaturo dun sa gusto kong lapitan kanina. Naptingin siya doon bago binitawan ang kamay ko. Inirapan ko lang siya bago ako pumunta sa mga nakadisplay. Busy lang ako sa pagtitingin nang may marinig akong matinis na boses ng isang babae
BINABASA MO ANG
Mi Amor Sin Fin
Fiksi SejarahPaano kung mamamatay ka na at ang tanging paraan upang mabuhay ka ay tuparin ang isang kahilingan na siyang magiging iyong misyon? Ang misyong ito ay ang bumalik sa nakaraan at magmahal. Di ba palaging bawal magmahal? Pero paano kung sa pagkakata...