Kabanata 10

40 2 1
                                    

Matapos nang naging usapan kanina sa salas, hinatak ako ni Marcus papunta sa kung saan.

Luh baka akala niya seryoso ako sa sinabi ko kanina? Edi may pagkaassumero pala siya.

Hindi naman tumutol ang mga magulang namin dahil maging sila ay daig pa ako kung kiligin. Napapatingin nalang ako sa kamay niyang nakahawak sa kanang palapulsuhan ko

"Saan mo ba ako dadalhin? Ok na, hindi na sila nakatingin." Sabi ko sa kanya. Napapasarap na kasi siya sa paghawak sa kamay ko.

Huminto siya sa paglalakad kaya huminto rin ako. Tinanggal niya na rin ang kamay niya kaya napatingin ako sa kamay na kanina ay hawak niya

Tsk! Sayang---

Huwat? Aba Amanda anong sayang??!!

"May ipapagawa ako sayo." Masungit na sabi niya. Nangunot ang noo ko, aba't balasubas talaga. Hindi man lang marunong makiusap, makapag-utos ito wagas.

"At bakit ko naman gagawin iyun?" Nakapameywang kong sabi at taas noo ko siyang tinignan. Tumiad pa ako ng konti para lang maka eye to eye siya

"Tinulungan kita kanina." Sabi niya bago pababang tumingin sa akin at tumiad rin siya. Aba't--

Itong bading na to!

"Hindi ko hiningi ang tulong mo at isa pa, ikaw kaya itong sabat ng sabat sa usapan ng may usapan." Sabi ko bago ko itinaas pa lalo ang chin at kilay ko. Nagsukatan kami ng tingin ni Marcus. May ilang mga criada ang napapadaan at nakikita kami. Bigla nalang silang magbubulungan sa isa't isa na akala mo'y hindi namin kita na kami ang pinag-uusapan nila.

Kahit talaga anong panahon ay di mawawala ang mga tsismosa

"Siya ang babaeng nakatakda sana kay Senyorito Luciano, hindi ba?" Rinig kong bulong ng isang babaeng kulot ang buhok

"Oo nga, buti nalamang ay hindi natuloy." Sabi pa ng isa tapos natawa silang pareho bago pasimpleng tumingin sa gawi namin ni Marcus. Sinamaan ko sila ng tingin. Bwiset na tsismosa, pag usapan ba naman ako at saka teka

Luciano? Sino na naman bang pokemon yun?

Napatingin ako kay Marcus. Tatanungin ko na sana siya nang makita kong nakatingin rin siya sa mga tsismosa. Don't tell me gusto mo ring makitsismis?

Umiwas siya ng tingin sa mga iyon at sakto namang sakin napadako ang mga mata niya. I felt insulted when he frown when he saw me. Pigilan niyo ako! Baka makapatay ako ng gwapo at may anim na tinapay! Pasalamat siya at gwapo siya, kung hindi ay nasakal ko na siya.

Inirapan ko nalang siya at napatingin sa may tabing ilog di kalayuan sa amin. Nanlaki ang mga mata ko, hindi dahil sa maganda ang ilog kung hindi dahil sa nakita ko.

Nagmadali akong tumakbo papunta sa easel na nakita ko. May nakalagay ring canvas roon at may mga pintura sa tabi o kagamitang pangpinta

Gosh! Gosh! Gosh!

Who would have thought na makakakita ako ng ganito rito?

Miss na miss ko na talaga ang mga babies ko.

Napangiti ako at napatingin kay Marcus nang makalapit ako sa easel. Itinuro ko ang mga ito.

"Kanino ang mga ito?" Excited kong tanong. Mabagal na naglakad si Marcus papunta sa akin habang nakasuksok ang nga kamay sa kanyang bulsa.

"Malamang sa akin." Sabi niya. Nanlaki ang mga mata ko.

Gosh marunong siyang magpinta? Hindi halata. Nangunot ang noo ko kasi parang feel na feel niya ang excitement ko.

"K" sabi ko bago tumingin ulit sa Canvas. Naalala ko tuloy bigla yung mga painting na nakita namin ni Lally sa Painting Exhibit. Miss ko ng magpaint. Kung dati nandyan lang sila sa tabi ko pero di ko naman ginagamit, ngayon naman kung kailan gusto ko na silang gamitin ay wala sila sa tabi ko.

Mi Amor Sin FinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon