Kabanata 6

54 4 0
                                    

Gosh! Gosh! Gosh!!

What's with this situation?

Nakaupo kaming lahat sa sofa na nasa salas. Katabi ko sa magkabilang side ko si Ina't Ama. While nasa isang single sofa sa pagitan ng dalawang mahabang sofa naman nakaupo si Don Juan na tatay pala ni Marcus. Sa kaharap naman naming sofa ay nakaupo sina Lady Sonya, Marcus at yung batang lalaki. Kapaharap at katapat ko si Marcus kasi pinapagitnaan rin siya sa kabilang sofa.

Napakagat labi naman ako. I know how conservative people are in this era. Nabasa ko yun sa El Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal. Nabasa ko rin yun sa ilang wattpad stories na nabasa ko. Konting maling gawa ko lang, kasal ang kababagsakan ko.

Tumikhim ang Don Juan kaya napatingin ang lahat sa kanya. Nagkatinginan sila ni Ama bago tumungo.

Lalo akong kinabahan. Bakit kasi pinapunta punta pa ako rito eh. Mas gugustuhin kong makipagchikahan nalang kay Catalina kaysa dumito.

Napatingin ako kay Marcus na hindi mo mababasahan ng kahit anong emosyon. Naks naka still face ang lolo mo.

"Alam niyo ba kung bakit nagaganap ang pagpupulong na ito?" Seryosong sabi ng Don. Lalo naman akong napatungo. Duh! Don't ask me ok.

"Ikaw, binibining Miranda, may ideya ka ba?"

Nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa Don nang tawagin niya ako. Sabi ng Huwag ako eh!

"A-ano po... H-hindi ko po ... alam." Pahinang boses at medyo utal ko pang sabi. Gosh, nakakahiya. I glanced at Marcus who's smirking annoyingly. Supalpalin kita dyan eh!

Napabuntong hininga si Don

"Naririto kayong lahat dahil nais naming tuparin ng aking amigo ang matagal ng napagkasunduan ng inyong mga lolo na matalik na magkaibigan." Pinal na sagot ng Don

Napalunok ako habang nag aabang sa sagot niya. I have the idea of what he's going to say but let's not entertain it.

"A-ano po yung napagkasunduan?" Lakas loob kong tanong. Napatingin naman ang lahat sa akin. What? Is it wrong to ask?

"Na ipapakasal ang panganay na apong lalaki sa panganay na apong babae. Ibig sabihin, ikaw, Binibining Miranda, bilang panganay at nag-iisang babae ay nakatakdang ikasal sa anak kong lalaki na si Marcus." Seryosong sabi ng Don.

Hindi ko alam pero bigla akong natawa. Ako? Ikakasal kay Marcus? Don't me.

Napatigil ako sa pagtawa nang mapansin kong kunot noo silang nakatingin sa akin. Nabura ang ngiti ko at unti unging napanganga sa sinabi niya. Seryoso ba sila?

"Tsk."

Napatingin ako kay Marcus when he clicked his tongue. His face looks so grim. Nangilabot ako nang ngumisi siya.

"Mukhang ikakasal tayo, Miranda."

Oh gosh no. Please no. Waaaahhh!!!

Iniwan kami ng mga magulang namin sa salas. Isinama rin nila yung bata para daw magkaroon kami ng alone time ni Marcus at mapag-usapan ang kasal.

Hindi ko naman tinatanggal ang paningin ko kay Marcus na nakadekwartong sosyal pa at humihigop ng tea.

Bakit ganoon? Bakit wala man lang siyang sabihin sa magulang niya?

"This is unbelievable." Wala sa sariling sabi ko. Gosh. Napatingin sa akin si Marcus habang nakataas ang kilay. Hmhp, manigas ka dyan. Mag-aral ka kasi ng English. Para maintindihan mo, on the second thought, huwag nalang baka kasi magets mo kapag minumura na kita sa english eh.

"Wala ka man lang bang sasabihin sa kanila? Like- ah gaya ng ayaw mo akong pakasalan. Ganun."sabi ko kay Marcus. Tinigan naman niya ako

"Sigurado ka bang ayaw ko?" Sabi niya bago ipinatong sa coffe table ang hawak niyang tasa. Nangunot naman ang noo ko sa sinabi niya

Mi Amor Sin FinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon