Kabanata 3

73 3 1
                                    

Hanggang ngayon ay di pa rin talaga ako makapaniwala sa narinig at nakikita ko ngayon.

"Miranda Marquez ang iyong pangalan. Ika'y bente-uno años na. Ako ang iyong ina, anak. Siya naman ang Kuya Lucas mo. Ang iyong Ama naman ay kasalukuyang nasa trabaho kaya't hindi ko siya maipapakilala muna sa'yo." sabi ni 'Ina' habang nakaupo kami sa isang kama na gawa sa kawayan. Nakaupo siya sa aking tabi at hawak hawak niya ang aking dalawang kamay. Nakasandal naman sa may pintuan ng kwarto si 'Kuya Lucas' ko raw

Marquez? Marquez rin ang epilyedo niya? Could it be, sila ang ancestors namin?

Hanggang ngayon ay speechless pa rin ako. Pano ba dapat ako magrereact sa sitwasyong ito? Dapat ba akong umiyak? Magpanic or magchill lang? What if panaginip lang pala lahat ng ito. Sinampal ko ang aking sarili. Pak!

"Diyosmiyo!" narinig kong sabi ni Ina. Napangiwi ako dahil sa sakit ng pagkakasampal ko a sarili ko. Arouch! Ibig sabihin, totoong nasa year 1896 nga ako pero bakit at paano ako napunta dito?

"Miranda, ikaw ba'y ayos lamang? Bakit mo sinampal ang iyong sarili?" sabi ni Ina at nakikita kong talagang nag-aalala siya. Namiss ko naman bigla si Mama. Although nasa abroad siya ngayon bilang OFW, naiisip niya kaya ako? Alam na niya kaya yung nangyari sa akin? kung... patay na ba ako?

Naramdaman ko naman ang pag-init ng aking mga mata at ang pag-agos ng mga luha mula rito. Niyakap naman ako ni Ina

"Huwag ka ng malungkot, anak. Sisiguraduhin kong babalik ang iyong mga alaala kaya't huwag ka ng matakot pa." sabi ni Ina habang hinihimas ang aking likod. Di ko naman mapigilang di mapahagulhol. Grabe ang bata ko pa para mamatay, marami pa akong pangarap sa buhay. Ni hindi ko pa nga nararanasang makahipo ng pansedal ng isang lalaki eh. Kainis naman eh!

GABI na ngunit nanatili lamang akong nakahiga sa kwarto ko. Pilit kong iniisip kong ano ng mangyayari sa akin lalo na at nasa panahong ito ako. Iniisip ko rin kung paano ako napunta sa panahong ito at kung bakit? Bakit din ba nila ako tinatawag na Miranda? Kung nandito ako, asan siya? Napatingin naman ako sa paligid ng bago kong kwarto. Simple lang ito at wala masyadong laman. Mayroon lamang isang cabinet na lagayan siguro ng mga damit.

"Gising na nga ba si Miranda?" nakarinig ako ng ingay sa labas. Yung baritonong boses na narinig ko ay nagmumula sa isang lalaki. Maya maya ay may humawi ng kurtinang nagsisilbing pintuan ng kwarto ko kaya napabangon ako. Inilabas nito ang pigura ng isang lalaking siguro'y kasing edad lamang ni Ina . Nang makita niya ako ay agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako. Naramdaman ko na lamang ang panginginig ng kanyang balikat na para bang siya'y umiiyak

"Salamat sa diyos at ika'y bumalik sa amin, Miranda. Hindi ko alam kung anong aking gagawin kapag nawala ang aking unica hija." sabi niya habang hinahaplos ang aking ulo. Kung ganoon, siya ang Ama ni Miranda. 

Nang kumalas siya sa pagkakayakap sa akin ay pinagmasdan niya ang aking mukha. Doon ko lamang siya napagmasdan. Bakit ganoon, bakit parang may lahi siyang kastila? Doon ko lang napansin na puro sila mapuputi at mukhang may lahi.

"Siya ang iyong Ama, anak." sabi ng ina ni Miranda bago siya lumapit sa amin. So confirm nga, siya ang pudra ni Miranda. Nangunot naman ang kanyang noo at tila nagtataka.

"Nawalan siya ng alaala, Felipe." sabi ni Ina habang parang naluluha. Gulat namang napatingin sa akin si 'Ama'

"Huwag kang mag-alala, Miranda. Natitiyak kong magbabalik rin ang iyong alaala." sabi niya habang hinahaplos ang aking ulo.

Napatingin ako sa tatlong taong nakapalibot sa akin ngayon. Simula ngayon, sila muna ang aking magiging pamilya hanggat nandito ako sa panahong ito. Doon ko lang napagtanto na baka... namatay na ang original na Miranda at ako ang pumalit sa katauhan niya kasi di ba, sabi nila ay akala nila ay iiwan na sila nito so ibig sabihin, may nangyari kay Miranda. Nakaramdam naman ako ng lungkot, bagamat di ko siya kilala ay naawa ako sa kanyang pamilya kasi batid kong mahal siya ng mga ito.

Mi Amor Sin FinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon