Kabanata 7

42 3 3
                                    

True to his mother's words, nandito na naman si Marcus. And now, we're stuck in this dreadful situation.

I can't help but purse my lips. Do I really have to go in a date with this despicable guy? Like seriously?

"Ikaw na ang bahala sa anak ko ha, Ginoong Marcus." nakangiting sabi ni Mother Lily. I just glared at Marcus, not even hiding my animosity. Ngumiti lamang  ng pagkaganda si Marcus. Tsk plastik ang walanghiya.

"Aaalagaan ko po si Miranda. Huwag po kayong mag-alala." sabi niya sa aking ina. Napa-eyeroll naman ako sa sinabi niya lalo na nung mukhang natuwa si mudra. If I know, baka siya pa ang magtulak sa akin sa bangin. Patulak akong inilapit ni Ina kay Marcus kaya napatingin ako kay mader. Ngumiti lang siya sa akin

Inaaro sa akin ni Marcus ang kamay niya para alalayan akong sumakay ng kalesa pero inirapan ko lang siya at mag-isa akong sumakay ng kalesa. I saw him shake his head. Sumakay na rin siya  sa kalesa sa tabi ko. I glanced at him. Hindi siya nakatingin sa akin at mukhang may malalim na iniisip. Binalik ko ang tingin ko sa daan bago ako sumulyap ulit sa tahimik kong katabi. Nakatuon ang siko niya sa harang ng kalesa sa tabi niya while nakatuon naman ang baba niya sa palad niya

Gosh ang awkward naman ng katahimikan! Magsalita ka naman Marcus!

Napabuntong hininga nalang ako. Ang boring rin palang kasama itong lalaking ito, kaya siguro single kasi boring.

"Kung ano mang iniisip mo ay nagkakamali ka." nagulat ako nang biglang magsalita si Marcus. Nanlalaki ang mga mata kong tumingin sa kanya. Did he just read my mind?

"Hindi ako marunong magbasa ng isip. Madali ka lang talagang basahin." sabi niya sabay tingin sa akin kaya nagtama ang mga mata namin. Magsasalita sana ako kaya lang narealize ko na wala naman akong masaabi kaya inirapan ko nalang siya. Nakita ko namang ibinaba niya ang siko niya at parang may saabihin siya.

"Narito na po tayo, Senyorito at Senyorita." sabi ni mamang kutsero.

Haaayyy sa wakas, nasakal ako dun ah. Pagkababa ko ay napatingin ako sa paligid.

"Wow!" nakangiti kong sabi nang makita ko ang napakalawak at napakagandang flower garden. Napupuno ng iba't ibang klase ng bulaklak ang paligid. Agad akong tumakbo papunta sa mga bulaklak. Siyempre dahil healthy ako ay hiningal ako ng konti. Jusme, kaya ko bang magsurvive sa body ni Miranda?

Napalingon ako kay Marcus na kausap si mamang kutsero. Ibinalik ko ang paningin ko sa bulaklak, napangiti ako. Grabe, I didn't know that there are beautiful places here in Salvacion. Natigilan ako nang marealize kong si Marcus ang nagsuggest ng lugar na ito. Muli akong napatingin kay Marcus. Nakita kong umalis yung si Mamang kutsero. Luh, pano kami uuwi niyan?

"Marcus!" tawag ko sa kanya. Napalingon naman siya sa paligid bago nagtama ang mga mata namin

"Bakit umalis si Mang Kanor?" sigaw ko kasi malayo ako ng konti sa kanya. Imbis na sagutin ako ay lumapit siya sa akin

"Pinauwi ko muna siya. Babalik na lamang siya mamaya." sabi niya habang naglalakad papalapit sa akin. Natulala ako sa kanya dahil parang nagslow motion ang paligid habang humahangin. May mga petals pa na hinahangin kaya sumasama sa hangin ang mabangong amoy nila. Bumalik naman ako sa huwisyo nang makalapit na siya

"A-Ahh ganoon ba. Ok." sagot ko na lamang bago muling tumingin sa na bulaklak. Tinalikuran ko na siya para lumayo ng konti. Medyo ewan sa feeling kapag malapit siya.

Busy ako sa pagtingin sa mga bulaklak nang may makita akong pink na swallowtail. Lumipad siya sa harap ko kaya hinabol ko ito ng tingin. Bakit parang pamilyar ang paro-parong ito?

I saw it fly towards somewhere kaya hinabol ko. Tama! Ito yung bulaklak na sinusundan ko noon! Hindi ako maaaring magkamali! Patuloy lang ako sa pagsunod rito nang biglang may humila sa kamay ko

Mi Amor Sin FinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon