Chapter 6

17.2K 276 4
                                    

Lumubog na ang araw ngunit heto parin sina Tamara, Kylie at Reece sa labas at nagba-bike. Halos naikot na nila ang buong hacienda. Lately kasi tila wala talaga silang excercise, she was busy studying, Reece is working and Kylie is busy with Matthew.

"Let's go to the beach." Aya ni Reece sa kanila habang nagpepedal pabalik sa bahay.

"Marcus won't let me..." Of course, her possesive brother.

"Tamara?" Napalingi si Reece sa kanya.

Umiling rin siya. "Alam mo namang nag-aaral ako tapos gagala tayo?"

"Aba, kailan ka ba naging mabuting estudyante? Sa pagkakaalam ko, minsan ka nga lang pumasok sa school."

Inirik niya ang mata dito saka inihinto ang bike niya sa tapat ng mansyon.

"Excuse me!" Maarteng sabi niya. "Mali yata ang na relay na message sa iyo Reece Sandoval! Alam mo bang DL ako nakaraang semester?"

Inihinto rin ni Reece ang bike nito saka ginaya ang expression ng mukha niya pati ang kumpas ng kamay.

Akala niya maiinis siya rito.

"Tsk! Matandang gurang! Palibhasa kasi matanda ka na kaya nahuhuli na sa balita!" Sigaw niya.

"Anong sabi mo?" Pinaulit ni Reece sa kanya ang sinabi. Hindi ito pikon pero alam niyang naiinis na ito ngayon.

"Gurang!" Sigaw niya ulit saka tumakbo ng mabilis papasok ng bahay, narinig niya ang mga yabag ni Reece na agad na nakasunod sa kanya.

Reece is Kylie's best friend ngunit naging close rin sila dahil palagi niya itong nakakasama.

"Hoy, Aevah... patay ka sakin!"

"Whatever gurang!" Balik niya ulit ng makarating siya sa sala.

Hindi naman talaga matanda si Reece, he just got 27 pero ito talaga ang nakasanayan niyang panglaban na biro rito.

Hindi niya inasahang nahablot agad ni Reece ang likod ng damit niya kaya napasigaw siya.

"Bitawan mo ako!"

Sinisipa niya si Reece pero hindi niya ito matamaan. Ipinaikot ni Reece ang kamay niya sa leeg niya para sakalin siya ngunit sabay silang napatigil at mapatingin sa sofa nang tumikhim si Valeria, ang mama ni Kylie na siya ring step mom niya.

"Kids..."

"Mama...si Reece po kasi." Turo niya kay Reece na bahagyang pumormal ang mukha nang mapagtanto nito na may iba silang kasama sa sala.

"You have visitor anak."

Nagtungo ang mata niya sa lalaking nasa isang bahagi ng sofa. Bigla siyang nataranta.

Ito na naman siya.

Jusko!

Puso, wag ka ngang epal, pinapahiya mo ako e!

Napalunok siya ng dalawang beses bago nagsalita.

"Mr. Cuerva, I'm pretty surprised to see you here." Nginitian pa niya ito ng peke, at alam niyang alam ni Atticus ang ibig sabihin noon.

Magkamali lang ito ng isang salita, she will kill him.

"Yeah, hi... and hi Reece."

Napatingin siya kay Reece na nakangiti kay Atticus, magkakilala sila?

Bakit ba tila lahat ng tao sa buhay niya, kilala si Atticus siya lang ang hindi.

"Kaano-ano mo siya?" Bulong niya kay Reece.

The School President's Wife (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon