Chapter 28

10.2K 214 11
                                    

Nang makapasok siya sa kwarto ay agad niyang binuklat ang maleta at pinagbabaklas ang lahat ng damit niyang nakahanger sa closet ni Atticus.

Mabilis ang naging paggalaw ng kanyang kamay, gusto na niyang umalis, gusto na niyang umuwi, gusto niyang tumakas.

O sige mahal na niya, nasasaktan siya, nagseselos siya.

O sige na, talo na siya.

She was Atticus' ultimate love, anong panglaban niya? Di ba nga pinakiusapan lang siya ni Atticus na maging asawa para makaalis sa eskandalong ginawa ni Veyda?

May kasalanan na nga ito sa kanya, pero hindi man lang ito galit.

She scoffed.

Mahal niya pala ito, at siya, parausan, panakip problema, ganoon?

She can't believe na ganoon nag kinasadlakan niya, the great Tamara Aevah has fallen into this pit again.

Wala na siya, sira na, kung hindi niya nalang sana ito pinatulan noon edi wala siyang nitong lintik na pagmamahal ngayon.

Pinalis niya ang luha at tuluyang isinara ang maleta.

Now what?

Ano nga ba ang karapatan niya? In the first place, nilinaw ni Atticus ang relasyon nila, pantakip problema, isang taong pagsasama, tapos wala na...

Kaya wala siyang karapatang magselos o makaramdam ng ganito.

Humikbi siya ng ilang ulit. Itinabi niya ang maleta, naupo sa lapag at sumandal sa gilid ng kama.

Naging malambot lang naman siya dahil iniisip niya na pareho sila ng sitwasyon, gagawin nila ang lahat para sa pinaghirapan ng pamilya.

Ngunit bakit, bakit mas masakit yata ito kesa noong nawala si Archer sa kanya? Hindi pa naman ganoon ka tagal ang pagsasama nila Atticus a.

Bakit madaya?

Bakit siya lang ang nahulog rito?

Bakit ba siya naduwag na kumprontahin ang mga ito?

Hindi na siya ito, hindi na siya ang Tamara na matapang at may matalim na dila, wala na, winala ni Atticus. Naduduwag siya, dahil ayaw niyang malaman ang totoo, na kapag pinapili niya si Atticus... ay maiiwan na naman siya.

She picked her phone and dialed Reece's number, after two rings he answered with his sleepy voice.

"Hmmm, little girl, don't you know that it's almost 12 and-"

"Reece..."

Napatigil si Reece sa pagsasalita ng marinig nito ang basag niyang boses.

"Are you crying? What happend to you?"

"Reece... pick me up...please pick me up." Humikbi siya ng ilang ulit.

"Oh fuck! Where are you?" Nag-aalalang tanong nito sa kanya.

"I need immediately to get out here... I need to go home now... Reece-" biglang natigil ang pagsasalita niya nang bumukas ang pinto at humahangos na pumasok si Atticus.

"Holy shit!" Sambit nito sabay agaw ng cellphone na hawak niya at walang pakundangang itinapon sa pader. "I told you not to call him, what else do you want? I'll give it to you." Matigas nitong sabi.

"I wanna go home, I told him to pick me up, he has a chopper he can get me here immediately."

Biglang nagdilim ang mukha ni Atticus habang nakarap sa kanya. Ang mga lampshades lang ang nakasindi ngunit kitang-kita niya ang mga mata nito. Nahulog iyon sa maletang katabi niya.

The School President's Wife (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon