Chapter 16

11.4K 241 7
                                    

Napangiwi si Tamara ng maramdaman niya ang sakit na mula sa kanyang gitnang hita.

Lintik na Atticus!

Dahan-dahan niyang minulat ang mata. Madilim pa rin naman.

She pulled the blanket closer to her body, napamulat muli siya, mukhang di niya naman naramdaman na pumanhik sila ni Atticus sa kwarto, malamang sobrang pagod siya.

"Ano na bang oras?" She murmured under her breath, saka nasipat ng mata niya ang digital clock sa bedside table ni Atticus.

Pinilit niyang tingnan itong maigi.

"Oh, still 11..."

11?

Biglang namilog ang mata niya ng makita ang am sa gilid nito.

Shit!

Bumalikwas siya sa kama.

11 am na!

May klase siya kaninang alas otso hanggang alas dyes, bat di man lang siya ginising ni Atticus?

At saka bakit madilim?

Napatingin siya sa bintana at agad na napamura.

Ang makapal na itim na kurtina ay hindi pa nabubuksan, kaya naman pala.

Ano bang nakatira rito? Bampira?

Ibinalot niya ang makapal na kumot sa katawan at akmang tatakbo sa banyo ng labis siyang nagulat sa taong prenteng nakaupo sa silya sa paanan ng kama na tila kanina pa nanonood at tuwang-tuwa sa kanyang itsura.

"Anong tinitingin mo diyan? Dudukutin ko yang mata mo!" Banta niya kay Atticus na ikinatawa lang nito.

"Huwag kang tatawa-tawa diyan, babatuhin kita." Muling banta niya ngunit hindi man lang ito natinag sa halip ay humalukipkip pa ito at mataman siyang tiningnan.

"Ang ganda ng umaga." Sambit nito, pang-aasar pa yata.

"Lintik, alam mong may pasok ako kaninang alas otso, kapag nabagsak ako Atticus, sisirain ko iyong opisina mo, susunugin ko tong bahay mo."

"Wow, ang bagsik... ganito ka ba ka hyper tuwing umaga?"

Itinirik niya ang mga mata kay Atticus at natigil lang siya ng mapansin niya ang ayos nito.

Fuck!

He's topless, and his six pack abs were well defined agaisnt the dim light. His jean was unbuttoned and she has a nice view of the rim of his boxers, it was white Calvin Klein, nananadya ang lalaking ito, sigurado siya. Alangan namang kusang mag-hello sa kanya ang 'kaibigan' nito.

Biglang nag-init ang punong tenga niya at ewan niya kung dahil ba ito sa inis o pagnanasa kay Atticus.

Pagnanasa!?

The hell!

Napahigpit ang paghawak niya sa nakabalot na kumot sa katawan.

Tumaas sa mukha ni Atticus ang paningin niya at nakita niya kung paano nabuo ang ngisi nito.

"Bakit hindi mo ako ginising?" Angil niya.

He pouted to her. "Siguro kasi pagod ka... Oo, pagod ka, mahimbing masyado ang tulog mo, hindi kita kayang gisingin."

"Kung di mo sana ako binulabog buong gabi edi wala tayong gulo ngayong umaga."

He just smiled her words off. "Kung ang failure mo ang iniisip mo..." He smirked to her.  "Ikabit mo ang apilyedo ko sa pangalan mo, walang mangangahas na bumagsak sayo." Saka kinandatan pa siya.

The School President's Wife (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon