Chapter 27

10.5K 216 10
                                    

Pawis na pawis at hingal na hingal si Tamara nang maupo siya sa isa sa mga napakaraming nagkalat na silya na naroon. Kakatapos lang nilang maglaro ng tug of war, pakiramdam niya tuloy nawala ang kanyang hang over sa sobrang physical activity.

Simula nang magising siya kaninang alas dyes ay sumali na siya sa mga outdoor activities at sobrang ang enjoy niya, siguro isa-suggest niya rin na magkaroon rin sila ng ganitong klaseng tradisyon. It was good to play and laugh with your family.

Pinunasan niya ang pawis saka muling tumanaw sa naglalaro pang kasamahan nila, tanaw niya rin si Atticus na nagtatatakbo pa.

Nilingon niya ang bottled water na nakapatong sa mesa sa gilid niya, aabutin niya sana ito ngunit magulat siya ng may mag-abot nito sa kanya at mas nagulat noong nakita niya kung sino.

"Archer," wala sa loob niyang sambit habang nakatingin dito.

Humila ito ng upuan sa tabi niya at prenteng umupo.

Tumikhim ito. "So, you... you and my uncle are really married." It was his sad voice, tipong nasasaktan sa nalaman.

Pinilit niya ang sariling huwag itong tingnan, pinilit niya na ang galit dito ang mangibabaw.

"I thought you will wait for me, I told you to wait for me." His voice sounded broke, at hindi niya man gusto ay kusa siyang tumitig sa mukha nito. And guess what she saw...

Regrets...

Love...

Longing...

And guess what she intends to respond.

Was it pity?

Awa lang nga ba?

"I waited Archer... six years... Hindi mo alam kung anong nangyari sakin. You promised me na hindi mo ako iiwan, hindi mo ako pababayaan, but you left me, I've waited Archer, I expect you to come back in my life everyday, you never did-"

"I did baby!" Matigas nitong sagot. Akma sana nitong kukunin ang kanyang kamay pero iniwas niya. "Bumalik ako, I've been finding you, and now you're here, and you are married to my uncle."

"And you are married to Gwen, you have a daugther!"

"Pero ikaw ang mahal ko, mahal na mahal pa rin kita."

Lumandas ang isang butil ng luha niya, galit siya, galit na galit dahil sa sinabi nito.

Buti nalang at wala masyadong tao sa gawi nila kundi baka ano pang isipin ng mga ito.

Kinuyom niya ang mga kamao para kontrolin ang sarili dahil nag-uumpisa na siyang manginig.

"Kung mahal mo ako bakit mo ako iniwan? Kung mahal mo ako bakit ngayon ka lang bumalik? Kung mahal mo ako bakit may asawa at anak ka na!? Tell me, you love me? Bull shit!" Bigla siyang tumayo at tinatikdan ito ngunit hinaklit nito ang braso niya at hinila pabalik.

Nagsusumamo ang mga mata nito. "I never had a choice, you're a minor during that time, hindi kita pwedeng pakasalan. Pabagsak na ang kumpanya at hindi pa ako naka-graduate ng college, maraming utang si dad. We never had a choice but to let me marry the daughter of our new investor, si Gwen," hinawakan siya nito sa isa pang braso dahilan para hindi siya lalong makawala.

"But Gwen knew it, alam niyang ikaw ang mahal ko, kilala ka niya dahil paulit-ulit sinasabi na mahal kita... Hindi lang ikaw ang nasaktan Tamara, I love you but I can't marry you, my past six years was a disaster. Gwen and I made na a deal, pagkatapos ng limang taon ay maghihiwalay na kami dahil babalikan kita, I've been finding you since last year baby, hindi ko alam kung saan ka lumipat, I've hired investigators but hindi ka nila mahanap, I don't why, but destiny had made this set up. I've seen you again."

The School President's Wife (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon