Chapter 37

10.1K 199 14
                                    

"Cuerva."

Napahinga siya ng malalim, nag-warm up muna sila, ilang palitan ng serve bago muling pumito.

Lumingon siya sa gawi ni Atticus, nagsalubong agad ang paningin nila, nakatingin nga lagi ito sa kanya, sumusunod sa lahat ng galaw niya.

"Position." The umpire. She then held the mic, "ladies and gentlemen, on my right, Vilavegas College, represented by Tamara Aevah Cuerva, from the left, Southern Christian College, represented by Kinsley Felongco. Time to serve, love all."

Kinsley held the ball firmly, abot-abot ang kaba niya, dala niya ang apelyido ng asawa dapat manalo siya kundi mapapahiya siya.

At sino ba naman kasi ang nag register ng pangalan niya at Cuerva na talaga ang pinadala sa kanya?

The ball bounced and landed on her bound she hits it back and Kinsley was agile enough to came for it fastly.

Mabilis itong tumakbo ngunit mas matangkad siya. She's 5'6 and she knows how to work with her height to cover a lot of ground wisely.

She hit the ball once again so fast, Kinsley on the right edge of the court, she directed the ball to the left about 10-12 feet behind the base line.

Tingnan natin kung mahabol mo yan.

And yeah, that was a great range, gaining her first score.

Narinig niya ang palakpakan ng mga nanonood.

"Go Tamara!" Trace cheered.

She looked into him and to her husband, nangilay lang ito sa kanya. Pero bakit tila kinilig yata siya?

Tamara! Nasa gitna ka ng laro!

Bawat serve at rally na nagaganap ay pakiramdam niya horor movie ang pinapanood ng audience dahil sa mga tilian.

The set is on game 5 and the score is 15-30, on her favor.

They got a 120 second break, agad siyang tumakbo sa kinauupuan ng asawa para uminom. Pinunasan pa ni Atticus ang pawis niya.

"Girl, palawigin mo yong rally on one direction then ilihis mo agad, she's not that agile anymore, pagod na iyon tapos hindi pa katangkaran. Ipatong mo nalang ang bola opposite sa kanya, edges or kaya sa center, she can't chase that anymore."

Sinunod nga niya ang payo ni Tim, and when she did, the score went to her opponent.

The umpire shouted, "out!".

She looked into Atticus way.

Deuce na.

Tangna!

Sabi ni Tim pagod na daw ito pero parang kiti-kiti pa rin kung makagalaw.

Kumakabog ng malakas ang puso niya habang hawak ni Kinsley ang bola. Tila di niya alam kung kailan ito magse-serve.

She can see her husband on her peripheral vision, nakatayo na ito at palakad-lakad sa gilid.

She held her racket tightly, para saan pang idol niya si Axton Cuerva, si Serena Williams at si Maria Sharapova kung papatalo lang siya.

But fuck, pagod na siya, nanginginig na rin ang tuhod niya at namamawis pa ang palad.

At last, Kinsley served it, dalawang palitan, ayaw na niyang patagalin dahil baka hindi na kayanin ng katawan niya.

Kinsley's on the baseline. She powered right up on the center of the court tapos ay napapikit siya ng mariin.

Please, huwag mo nang habulin...

The School President's Wife (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon