Chapter 32

10K 203 15
                                    

Pasado alas dos ng hapon, magkakaharap silang apat sa sala. Katabi niya si Atticus at magkatabi ang kanyang mama at daddy.

Nag-uumapaw ang kabang nararamdaman niya, at sasabog na anumang oras ang dibdib, mahigpit tuloy siyang napakapit sa braso ng asawa.

Gusto nalang niyang tumakbo palabas, ito na ang pinakakinatatakutan niyang araw. But it has to be done. Kung ano mang mangyayari ay tatanggapin nila, niya, she knows her fault, clearly.

Ilang beses pa siyang huminga ng malalim. At nang tumingin siya sa second floor ay napansin niya agad ang nakabukas na pinto ng kwarto malapit sa gilid na railing at nakausli mula roon ang ulo ng tatlo niyang kapatid, Kylie, Marcus and Lynux, na reding-ready sa masasagap na chismis mula sa kanila.

Kapatid niya nga ba ang mga ito?

Ibinalik niya ang tingin sa hindi maipintang mukha ng dad niya, napalunok siya.

Tumikhim  ito ng ilang ulit.

"Atticus is there something you wanted to tell us?"

Tumingin muna si Atticus sa kanya bago tumingin sa dad niya.

"I really respect you and your family Mr. Alvarez, I love your daughter and regard her with the highest respect I can give, but", napalunok muna ito.

Hindi man lang nagulat ang mga magulang niya sa inamin ni Atticus, her father had speculated that her husband has a thing for her before she knew it, she guessed that explains.

"Mr. Avarez," bigla itong bumitaw sa kanya at lumuhod sa harap ng dad niya,  her eyes widened in response. "I am sorry... Ngunit kasal na po kami ng anak niyo."

Dumagundong bigla ang puso niya.

She heard her mom gasped ngunit mas lalong hindi niya inaasahan ang ganti ng daddy niya. Sinuntok nito bigla si Atticus sa mukha.

"Dad!" She shouted, dadaluhan niya sana si Atticus ngunit inunahan siya ng kanyang daddy.

"Robert..." tinangka rin ng ina niya na pigilan ito.

"Lumayo ka Tamara, I'm warning you!" Galit na galit itong tumayo at binigyan ng isa pang suntok si Atticus na nakaluhod pa rin at hindi lumalaban.

"How dare you marry my daughter without my permission!"

He received another punch, his blood is flowing from his temple, putok rin ang labi nito. Her dad is a bit aged but he's really strong, baka mapuruhan nito si Atticus.

"Mahal ko po ang anak niyo Mr. Alvarez, bugbugin niyo man po ako nang bugbugin, hindi po ako mag magsisi na pinakasalan ko si Tamara. I swear, mahal ko po siya."

But another punch silenced him.

"Dad, please, stop it, baka mapatay mo siya!" She is screaming but her father just gave her a cold look.

"Papatayin ko talaga ito, ni hindi man lang kayo natakot sa akin. Okay lang naman kung relasyon niyo ang tinago niyo e, pero kasal, Tamara, how could you do this to me? To us ha? Ganyan ba ang pagpapalaki ko sa'yo?"

Akma sana siyang lalapitan ng dad niya, alam niyang hindi naman siya sasaktan nito ngunit mabilis pa sa alas kwatrong inakap siya ni Atticus para protektahan sa kung ano mang pwedeng dumapo sa kanya.

"Ako po ang may kasalanan Mr. Alvarez, ako po ang pumilit sa kanya. I was the one who influenced her to this marriage kaya wag niyo po siyang sisihin. She was really afraid of you kaya natago namin ng ganito katagal, ayaw niyang matakwil sa pamilya niyo. It was my impulsiveness to marry her in rush, but I truly love her at kung itakwil mo man po siya, be it-"

The School President's Wife (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon