Chapter 41

12.1K 227 56
                                    

Agad na napabalikwas ng bangon si Atticus mula sa pagkatulog sa sofa ng may animo'y baliw na doorbell nang doorbell.

Tiningnan niya ang wall clock, pasado alas onse na ng gabi. Mahaba-haba na rin ang tulog niya, marahil ay bumawi ang kanyang katawan sa ilang araw na walang pahinga.

Patamad siyang pumunta sa pintuan, naglakad papunta sa gate at nagsalubong ang kilay niya nang maaninag niya si Kazzhandra na walang patid sa pagpindot ng doorbell.

"Bilisan mo Atticus!" Pang-aapura nito sa kanya nang makita siya. "Babagal-bagal ka pa! Inaapoy ng lagnat si Tamara, I don't have a driver, nasa duty si Paulo, she needs to go to the hospital now!"

What?

Ilang segundo pa ang binilang bago nag-sink in sa utak niya ang sinabi ni Kazzhandra.

Kahit hindi niya iyon masyadong naintindihan, tama na ang salitang "Tamara" para yanigin siya.

Agaran niyang binuksan ang gate at patakbong tinungo ang bahay ni Kazzhandra, tumakbo rin ito kasunod niya.

Napuno nang pananabik at pag-aalala ang puso niya, after weeks makikita niya ng muli si Tamara.

A tear glide from his eye.

Shit!

He loved her so much.

Dala-dalawang baitang ang takbo niya pataas ng hagdan, hindi na niya inisip ang posibilidad ng pagkapatid.

"On the 3rd door." Sigaw muli ni Kazzhandra. Nasa sala pa lang ito habang nasa second floor na siya, ganoon siya ka-excited na makita ang babaeng mahal niya.

He counted the door.

The hell, sobra naman yatang purol na ng utak niya para di malaman kung saang kwarto papasok.

Buti nalang bumukas ang isang pinto at lumabas mula roon ang isang kasambahay.

And there goes the woman who made him insane...

Lying on the bed like a real queen.

Hindi niya lubos maisip na sa loob ng dalawang linggo, nasa tapat niya lang ito.

Sabik siyang lumapit sa kama. He can't help the tears sliding from his eyes anymore.

"God, thank God you're here." Ilang ulit niyang usal bago hinawakan ang pisngi nito. Her face alone could make him tremble.

She's really hot.

"Wifey..." dahan-dahan niya itong kinarga.

"Atticus?" She answered while eyes half closed.

Tumutulo ang luha nito at nasasaktan siya dahil alam niyang siya ang dahilan nito.

"I'm here, let's get you to the hospital first ha, you have a fever. Matulog ka lang, dadalhin kita doon." Saka dumampi ang labi niya sa noo nito.

Maingat siyang bumaba sa hagdan at tinakbo ang sasakyan.

Rushing to the hospital with Tamara lying on the backseat is never been easy. Lagi niya itong tinitingnan baka mahulog ito o baka mauntog. Kung pwede nalang sana niyang kandungin e. Gladly, they reached the hospital less than twenty minutes.

She got admitted, the doctor said na simpleng lagnat lang naman daw iyon ngunit sinabayan ng fatigue. And he blames himself for that.

Sino ba namang magiging masaya matapos malaman ang lahat-lahat?

Nasaktan nga siya na siya ang nagsinungaling, si Tamara pa kayang pinagsinungalingan.

He breathed heavily, hinawi niya ang hibla ng buhok na humaharang sa mukha nito.

The School President's Wife (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon