This chapter is dedicated to @Andyy_Bubbles :)) <3
#16
"Just wanted to congratulate all of you again. You all did your best! And because of this, I know our bond will be stronger. Keep fighting, B45!" Masayang sabi ng adviser naming si Sir Mave.
Naghiyawan ang mga kaklase ko. Ang iba pang mga boys ay sa sobrang tuwa ay parang naging mga Gorilla haha.
"Sad to say... tapos na ang intrams. Focus na ulit kayo sa mga klase niyo," dagdag ni Sir Mave na nakapagdismaya sa lahat.
Balik activities, quizzes, projects na naman.
"Sir! Pa-blow out daw oh," sigaw ng isa.
"Yownnn!"
"Sige na sir!"
Natawa na lang si sir sa mga sigaw ng kaklase ko.
"Sige. I'll find time," sagot ni Sir. Na nagpatalon na naman sa mga kaklase ko.
Pagkatapos nun ay nagsimula na ang discussion. Balik aral na ule.
Andito ako sa roof top ng school. Break na namin.
Kanina habang nagkaklase, pinipilit kong alisin ang tingin kay Johnmer. At kung minsan ay kapag napapatingin ako sa kanya, ay nahuhuli ko rin siyang nakatingin sa akin. Parehas kaming agad-agad na nag-iiwas ng tingin. Pilit kong tinatanggal ang munting ngiti na gumuguhit sa mukha ko dahil sa simpleng pangyayaring ganon.
Nandito ako sa rooftop para makahinga. Yeah, para makahinga. Masyado kang kinikilig, Bella, ano ba yan.
Baka kase makahalata sila Frill. Kaya dito muna ako. Sabi ko lang na may titignan lang ako at hindi na nagpasama.
Malakas ang simoy ng hangin, hinahawi ang buhok ko at nililipad ng kaunti ang palda ko rin.
Nakatingin lang ako sa baba nung school. Nakapalumbaba sa railings. Napalingon ako sa pintuan kung saan pasukan dito sa roof top nung bigla itong tumunog. May pumasok.
Pero wala naman akong nakitang tao. Baka hangin lang 'yon. Ibinalik ko na lang ulit ang tingin sa ibaba.
"Andito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap," sabi nung boses. Boses?
Naistatwa ako sa kinatatayuan ko. Nanigas na parang ewan. Kilala ko yung boses na yun. Kay... Johnmer!
Hindi ko alam pero may nararamdaman akong parang lumilipad sa loob ng aking tyan. Super kabog din ng dibdib ko na feeling ko ay mapapasabay pa ako sa talon ng aking puso.
Kanina pa daw niya ako hinahanap? Luh.
Andito nga ako para makahinga, pinapatigil mo na naman mundo ko Johnmer!
"Hey," saad niya ulit dahil hindi man lang ako nakasagot. Nabigla ako kaya napaharap kaagad ako. Kaso...
Pagharap ko ay napakalapit ng mukha niya! Halos magdikit na ang mga tungki ng ilong namin. Kaya mabilis akong napaatras pero napatid ko sarili ko sa sobrang kaba!
Anak ng tipaklong, umayos ka nga Bella!
Akala ko tatama na ulo ko sa bakal na railings. Mababagok pa ako tsk.
Napapikit lang ako. Ngunit bago pa ako mahulog ay may naramdaman na akong braso na sumalo sa akin, sa bewang.
Oh no...
BINABASA MO ANG
Rewrite The Past
RomanceRegrets are lessons, not a definition of you. Death is not the finish line of hardship, but it is the way you will leave the world because of completing your mission in life. Suicide is not the answer for your depressions... _°°_°°_ Bellator Vita M...