#17
"Don't touch her," sabi ni Johnmer na mahigpit ang hawak sa akin.
Nakita ko ang pagtaka ng tingin ni Raze habang nakatingin sa aming dalawa.
Ilang segundong walang gumalaw at nagsalita parang ang bigat ng atmosphere dito. Ano ba kase problema ng Johnmer na 'to?
Tumayo si Raze at napamulsa.
"Sino s'ya Bella?" Tanong niya sa akin. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak sa akin ni Johnmer.
"Ano..." sambit ko sa kawalan ng isasagot.
"Who is he?" Baling sa akin ni Johnmer na ikinagulat ko. Sigurado akong narinig iyon ni Raze.
"Excuse me, pare. Ako ang unang nagtanong. Sino ka ba? Bitawan mo si Bella," ani Raze na tinapik pa sa balikat si Johnmer.
Kalmadong ibinaling ulit ni Johnmer ang tingin niya sa kanya. Kalmado pero nararamdaman mo ang itim na aura.
"I'm her boyfriend," diretsong sabi niya.
Napalunok na lang ako at sigurado akong namula ang mukha ko! Watda?!
Napanganga si Raze at gulat na gulat.
"A-akala ko ba single ka?" Nauutal niyang tanong sa akin. Napakagat ko na lang ang labi ko.
Is it official na ba talaga? Na kami na ni Johnmer?
"Your turn to answer my question," sabi ni Johnmer na ganun pa rin ang itsura. Na parang walang masama sa sinabi niya. Na hindi nakakagulat ang sinabi niya.
Napangisi na lang si Raze. Itinaas niya ang kamay kay Johnmer. At doon nagpakilala.
"Raze. Bella's cousin."
Napaubo ng kaunti si Johnmer. Tinignan niya ako ng nagtatanong. Para niyang tinanong kung totoo ba ang sinabi ng pinsan kong ito. Tumango naman ako.
Bakit? Ano ba iniisip niya?
"Any problem with that?" Tanong pa ni Raze.
Binitawan ako ni Johnmer. Namilog ang mata ko nung lumapit siya bigla kay Raze at... hinawakan sa dalawang balikat si Raze at tsaka ngumiti. Ngiting aso. De joke. Yung ngiting maganda naman.
Anong nangyayari kay Johnmer?!
Biglang natawa si Raze. Nung una pinipigilan pa niya pero naibuga na niya. Tawa lang siya ng tawa. Si Johnmer naman ay ganun pa rin. Habang ako ay napapangiwi.
Naguguluhan na po ako dito.
Nung mahimasmasan na si Raze ay nagsalita na. "Hay nako, Bella. Kala ko ba single ka?" Umiling-iling siya. "Eto boyfriend mo? Sinungitan kaagad ako tsk tsk. Hindi na ako boto sa kan---".
"Sorry. Patawad po. Hindi ko po sinasadya. Nagselos lang. Seryoso kase ako sa pinsan mo," ani Johnmer.
Napanganga ako. Ibang Johnmer ang nakikita ko ata ngayon. At... bumibilis ang tibok ng puso ko. Kinikilig.
Sobra ang paghihirap ko sa pagpipigil ng ngiti ngayon.
"Kita ko 'yon, Bella!" Biglang sigaw at turo sa akin ni Raze. "Nagpipigil ka ng ngiti. Nako, kinikilig ka," nang-aasar na sabi niya.
BINABASA MO ANG
Rewrite The Past
RomansaRegrets are lessons, not a definition of you. Death is not the finish line of hardship, but it is the way you will leave the world because of completing your mission in life. Suicide is not the answer for your depressions... _°°_°°_ Bellator Vita M...