Ending what's left behind on sixth letter...
Paglipas ng ilang araw ay naging mas maingat pa ako pagdating sa paligid ko. Dahil kagaya na lamang ng huling letter ay baka bigla nalang ito sumulpot.
Hindi ko maiwasang isipin na para akong isang superhero tapos may misyon dito, tapos may nagpapadala sa akin ng letters kung ano ang dapat kong gawin at aking susundin naman ito. Pero imagination lang yun.
.___.
Nung araw pagkatapos ng first meeting sa Sports Club, masaya ako dahil sumang-ayon sa akin sila Arc, Ted, at Rely sa ginawa kong pagbaback out sa position. Pero sinabi nila iyon sa mabuting paraan na kahit hindi ko man binigyan ng try ay maganda naman ang naisip ko. Ngayon ay masaya ako na nakikita si Frill na masaya dahil sa pagiging leader ng club na sinasalihan namin.
"Chrine!" tawag ko kay Chrine habang naglalakad pa lang kami sa hall. Lumapit ako ng patakbo sakanya habang nilingon na niya ang kanyang sarili para harapin ako.
These days hindi ko napansin na hindi ko na madalang kausap si Chrine simula nung tinulungan niya akong magpaliwanag kay Sir Rin. Ni ang pag-aalam ng club na sinalihan niya ay hindi ko alam hanggang ngayon. Basta sigurado ako na hindi siya sa Sports Club dahil hindi ko naman siya nakita roon.
"Bes!" tawag ko ulit sakanya ng makalapit, inayos ko pa ang strap ng bag ko sa likod.
"Kumusta? Hindi na kita nakausap these past few days huh?" nakangiting saad ko pa."Uhm, m-may gingawa kase ako ngayon. Sorry kung ganoon," paliwanag niya na may ngiting tipid.
Umiling-iling naman ako. "Ano ka ba? Wala naman sa akin yun. Pero, anong club ang sinalihan mo?" nakangiting tanong ko.
"Ikaw ba?"
"Sports Club," sagot ko, ininguso naman niya ang kanyang mga labi at tumango-tango. "Ikaw?" pagtatanong ko ulit.
"Sa photography ako. Yun bang nagpipicture kapag may mga events," sabi niya. May ganun pala.
"Sabay na tayo pumasok?" Yaya ko sakanya at ipinalibot pa ang braso niya sa braso ko. Walang sagot-sagot ay hinila ko na siya papasok.
"Okay, we will goin' to have a mini project, class. Take not, MINI project, hindi pa ito ang mismong project niyo. Pangdagdag na sa mga grades niyo," sabi ni Sir Mave. Nagreact naman ang buong klase na labag sa kanilang kalooban. Napailing nalang si Sir Mave habang nakahawak sa kanyang baba. "Mabababa ang grades niyo sa Science, class kaya ko gagawin ito."
"Ano po bang gagawin, Sir?" tanong ni Yeni kay Sir Mave.
"So let me explain your project. Sa lahat ng pinag-aralan nating topics, yung iba ay hindi pa. One of it, ay ipepresent niyo," pagpapaliwanag ni Sir at pumunta nama sa kabilang side ng harapan. "Don't worry, this will be by partners."
"Sir, pipili po ba ng partner?" tanong ng isa pang kaklase.
"Nahh. Nakaready na ako, bubunot ang ng tigdadalawa sa garapon na ito at ang lumabas na mga pangalan ay sila ang magiging partners." Nilagay ni Sir ang isang garapon na may mga nakatuping mga maliliit na papel. "Okay, let's start."
Bumunot na nga si Sir ng mga pangalan. Dalawa-dalawa ang bunot ni Sir, at sila ang magiging kapares, sabay na rin niyang sinasabi kung anong topic ng pair na iyon. Maya-maya ay marami ng nabunot ay hindi pa rin ako natatawag, gayundin si Arc na bagot na bagot na sa tabi ko.
Si Frill at Ted naman ang magkapartner habang si Rely naman ay nakapartner ang isang lalaking kaklase na ang pagkakarining ko ay Miguel ang pangalan.
BINABASA MO ANG
Rewrite The Past
RomanceRegrets are lessons, not a definition of you. Death is not the finish line of hardship, but it is the way you will leave the world because of completing your mission in life. Suicide is not the answer for your depressions... _°°_°°_ Bellator Vita M...