2nd Letter

27 11 0
                                    


The second letter...


Naglalakad na ako sa hallway ng school namin. Excited na nga ako sa mangyayari ngayon. Gusto kong makatabi sila Frill sa upuan at napag-usapan na namin kahapon na magkakatabi kaming lima mamaya. Oh diba, planado na.

"Bella, dito ka oh." Narinig kong tawag ni Arc nang makarating ako sa class room. Nakaupo siya sa last row katulad ng pinag-usapan. Tinuro niya yung upuan na katabi niya sa kaliwa. Iisa na lamang yun at katabi naman sa kaliwa ay ang bintana na. Sa kanan naman ni Arc ay may tatlo pang reserbang upuan, baka doon uupo sila Frill, Rely, at Ted. Napaka-early bird naman nito! "Dito ka sa tabi ko..." patuloy pa niya sabay tapik niya sa upuan sa tabi niya.

'Dito ka sa tabi ko...'

'Dito ka sa tabi ko...'

'Dito ka sa tabi ko...'

Nagpaulit-ulit sa isip ko yung sinabi niya. Medyo kumabog pa ang puso ko dahil doon. Bakit nag-iba bigla ang naramdaman ko? Stop thinking weird things, Bella! Nasa harapan na ako niya at tiningala naman niya ako dahil nakaupo na siya at ako ay nakatayo pa.

"Bakit diyan? Pwede namang dito na lang eh." Turo ko sa tatlo pang upuan na nasa kanan niya. Sinundan naman niya ang tinuro ko.

"Ahh! Kala ko kase gusto mo sa mga windows. Diba yung last seat mo, nasa tabi ka ng bintana?" Tanong niya. May point naman siya. Masaya naman kase na nasa tabi ka ng bintana para kapag ayaw mo ng lesson, titingin ka nalang sa labas haha!

"Uhm, oo, sige diyan na lang ako." Pagpayag ko sabay upo dun sa upuan na inaalok niya.

"Pwera na lang kung ayaw mo akong makatabi. Ayaw mo ba?" Sabi niya with sad face effect pa, nanlaki naman yung mga mata ko sa tanong niya.

"Hindi noh!" Pagtanggi ko, natawa naman siya sa reaction ko. Anong nakakatawa?

"So gusto mo?" Tanong ulit niya at nagpakaba naman sa puso ko. Ako, gusto ko? Bakit parang double meaning yun? Pinagtitripan ba niya ako? Napakunot nalang yung noo sa mga tanong sa isip ko. Natawa na naman siya ng bahagya. "Joke lang, eto naman." Sabay sandal sa upuan niya.

Gusto ko pa sanang tanungin siya kung bakit sa tabi ko pa siya umupo, pwede naman sa kabilang chairs na lang at katabi ko naman si Frill o 'di kaya si Rely. Pero baka mahurt siya at misunderstand niya ako na ayaw ko siyang katabi.

Medyo maaga pa kaya, hinihintay pa namin pumasok yung iba. Wala pa rin hanggang ngayon sila Frill at kami palang talaga ni Arc at nandito.

Maya-maya nakita ko si Chrine na kakapasok lang at nagtama rin ang paningin namin. Naghi siya sa akin kaya naghi rin ako pabalik. Pero nakita ko ang pagkagat ng labi niya paloob at ngumiti sa akin. Napansin ko naman na medyo malungkot siya. Baka dahil, hindi ko na siya katabi...

"Friend mo na si Chrine?" Rinig kong sabi ng katabi ko which is Arc. Nilingon ko naman siya. Tumango nalang ako bilang pagsagot. "Parang gusto ka rin niya katabi." Dagdag pa niya. Tinignan ko ulit si Chrine at buti na lang may iba siyang kaibigan na pwedeng maging katabi.

"Parang hindi naman, may mga kaibigan pa naman siya dito eh." Saad ko. Nagulat at ako ng humarap siya sa akin pati ang katawan.

"Ang tagal nila Frill, kwentuhan muna tayo." Suwestion niya. Binigyan ko naman siya ng anong-ikukuwento-natin-look. Natawa na naman siya. Palagi nalang siya tumatawa haaa. "Eto eto, may joke ako."

"Wait, baka corny yan ha! Siguraduhin mong tatawa ako." Saad ko. At napacrossed arms pa ako.

"Magaling kaya akong majoke. Hindi mo pa kase naririnig mga jokes ko eh!" Banat pa niya at tumingala na parang nagyayabang.

Rewrite The PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon