#10
Natapos ang week ng examinations. Nung last day nung exams ay niyaya ako ni Chrine na magcelebrate daw kaya lumabas kami. Nagpaalam lang ako kila Arc nun na mauuna na.
At ngayon, naglalakad ako sa campus ng school. Nakikita ang mga grupo ng estudyante na maraming pinagkakaabalahan, na last week ay puro notebooks at books ang nasa harapan. Yung iba ay nagkukuwentuhan lang, minsan ay bigla-bigla tatawa nang malakas. Yung iba ay nagjajamingan. Yung iba ay naglalaro ng jack en poy. May mga lalaki ding nagbabatukan at naghahabulan. ...
Oh no! SPG alert!
May magjowang naglalandian pa! Nakita ko kase yung pagkiss ng guy sa pisngi nung girl eh! Oh well, magjowa eh, syempre hindi ako bitter noh!
This week din daw ilalagay kami sa sports para sa Intrams, tsaka sizing ng jersey namin. Kaya yung class presidents ang mag-aayos kasama ang mga advisers. Ang raming naghihintay sa mga karamihan para sa intrams next week, Tuesday. Ako naman, ang hinihintay ang results ng mga nagtop sa Monday.
Nakita ko si Chrine at ganun din siya sa akin kaya nilapitan namin ang isa't isa at sabay na naglakad papasok. Palagi na talaga kaming sabay pumasok sa classroom. Parang ngang alam na namin ang oras ng arrive ng isa't isa para lang magkasabay kami sa pagpasok eh.
Tawa lang ako ng tawa sa mga reactions niya sa exams. Na kesyo na daw kung bakit meron doong questions na hindi naman tinukoy. Bakit daw ganun kahirap eh first quarter pa lang.
Natigilan kaming dalawa sa paglalakad sa campus nung makita ko si Johnmer. Sa tingin ko ay ako lang ang natigilan, nadamay lang si Chrine. Nagkasalubong ang tingin namin.
Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay tumatalon yung puso ko. Na gusto siyang makita...?!
Umiwas kaagad ako ng tingin at ramdam ko ang medyo pagkainit ng mukha ko. At tsaka nagmamadaling hinila si Chrine sa kamay at nagpatuloy papunta sa classroom.
Ano bang nangyayari sa akin? Nung dati lang ay kinakabahan lang ako kapag nakikita ko siya. Minsan pa ay wala sa sariling hinahanap siya ng mga mata ko. Tapos ngayon ay nagpapanic na ako.
Wala pa naman sila Arc at Frill nung pagdating namin sa room. At sa tingin ko ay magiging singit lang ako sa usapan nung dalawang love birds na si Ted at Rely kaya nakipagkuwentuhan muna ako kay Chrine. Doon muna ako sa katabi niyang upuan.
"Grabe Bella, namiss ko tuloy na katabi kita!" Nakangusong sabi ni Chrine. Natawa naman ako. "Alam mo 'yun? Yung awkwardness natin nung first day?" Tanong niya sa akin.
"Haha. Nagkakahiyaan pa tayo nun eh," saad ko.
"Oo nga eh. Hindi ko nga alam kung paano ako makakapagsimula kausapin ka. Meron kaseng part sa akin na gusto ka talagang kilalanin," kuwento niya.
"Naniniwala nga ako eh."
"Saan?" Nagtatakang tanong niya sa sinabi ko. Nagsmile naman ako.
"Na meant to be bestfriends talaga tayo!" Masayang ani ko na lalo pang pinalaki ang ngiti at pinagdikit ang dalawang palad sa ilalim ng mukha.
Nakita ko namang natigilan siya. Nabawasan ng ngiti pero agad ding nilakihan.
Bago kami pinalabas ni Sir Mave dahil tapos na ang Science niya, at malapit na rin tumunog ang bell senyas ng break time ay may inanunsyo siya.
"Class B45, I have great news for all of you!" Malakas na sabi ni Sir na dinaan ang tingin ang lahat. Nakatayo at nakapatong ang dalawang kamay sa teacher's table habang nasa pagitan nito ang laptop.
BINABASA MO ANG
Rewrite The Past
RomansaRegrets are lessons, not a definition of you. Death is not the finish line of hardship, but it is the way you will leave the world because of completing your mission in life. Suicide is not the answer for your depressions... _°°_°°_ Bellator Vita M...