#07

17 6 0
                                    

"Kuya naman. Paano ako makakapili sa mga 'yan?" Medyo naiinis na sabi ko kay Kuya Vince habang tinuturo pa ang tablet niyang may mga pictures o kung ano-anong detalye.

"Basahin mo ang mga status nila, sis, ganun pumili," saad naman niya. Napabuntong-hininga na lang ako.

"Really Kuya? Kung kailan papasok na ako sa school?" Naghalukipkip ako. Napangiwi naman si Kuya. "Bakit kase kailangan pa niyan?" Turo ko ulit sa tablet niya.

"Para may hatid-sundo na sa'yo, Bella. Bayaan mo mga kakilala 'to mga katrabaho ko at sila pa ang nagrecommend sa akin ng mga ito," taas kilay aniya.

Pinapapapili kase ako ngayon ni Kuya kung sino daw ang gusto kong maging driver. At gagamitin naman daw ay yung isang kotse na iniwan ni Tatay.

"Kuya kailangan ko ba talaga niyan?" Tanong ko. Eh paano naman, okay naman sa akin ang magcommute pauwi eh. Hindi ko lang alam kay Kuya Vince kung anong nangyari at bigla-bigla na lang gustong may sundo ako. At sa kalagitnaan pa talaga ng pagpasok ko sa school? Pa'no kung nalate ako, aish!

"Oo Bellator, kailangan mo ito," wika niya na nababakas ang awtoridad niya bilang Kuya, dahil tinawag niya na buo ang una kong pangalan.

"Para wala nang kung sino-sino ang maghahatid sa'yo," dagdag niya pa. 'Yon! 'Yun naman pala ang dahilan eh.

"Kuya kaibigan ko nga lang talaga si Arc, walang malisya!" Sigaw ko sakanya at pinagkrus naman niya ang kanya mga braso. "Tsaka isang beses lang naman 'yun noh," pagsisinungaling ko. Well, dalawang beses na, pangalawa yung kahapon.

"Don't make me dumb, lil sis," nakakunot-noong sabi niya na naghatid ng konting kaba sa akin. "Akala mo, hindi ko malalaman? Hinatid ka rin niya pauwi kahapon, right?" Nakangising tanong niya, ngising parang sinasabing 'Hindi-mo-ako-maiisahan.'

Paano niya nalaman? Eh pagkauwi ko, wala pa naman daw siya sa bahay eh. At nagpapasalamat ako doon dahil hindi niya nakita yung mugto kong mga mata. At lalo na hindi niya nakita si Arc.

"K-kuya!"

"Ano Bellator? Hatid kaibigan ba ulit 'yun?"

"Yes," walang anlilangan na sagot ko.

"Talaga? Nagtatawan pa nga daw kayo eh."

"Huh?"

"Oo Bellator. May mata naman din ang mga kasambahay natin Bellator," nakastaright face na sabi niya. Ang tinutukoy niyang kasambahay ay yung mga naglilinis ng bahay namin at nagluluto kung ayaw magluto ni Kuya.

Yung tungkol kay Arc nasabi nila, pero yung mugto kong mata, yung itsura ko nung araw na yun ay hindi? May hindi ba ako nalalaman?

"Don't be so curious, inutusan ko silang maging mga mata ko kapag nakita nilang may naghatid na naman sa'yo. And my guess is right," nakangising sabi niya. Napangiwi na lang ako. Alam niya bang malalate ako kung mag-ala detective pa siya ngayon?

"K-kuya, malalate na ako," pag-iiba ko ng usapan. Bumuntong-hininga naman siya. At natuwa naman ako dahil nagtagumpay ako.

"Don't smile, let's talk about it at another time," maawtoridad niyang sabi, nanlalaki naman ang mga mata ko. Tsk, nakakatakot siya ha kapag nag-eenglish siya.

Buong byahe namin papunta sa school ay nakunot ang noo niya at ako naman ay hindi mapigilang ngumuso na lang. Grabeng protective 'yan? Wala ngang malisya yun eh.

3 minutes... 'Yan na nga ba ang sinasabi ko eh. Tumatakbo na ako papuntang classroom dahil malalate na ako! Sa laki-laki pa naman mg school na ito, it will took minutes para makapunta sa room niyo.

Rewrite The PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon