#13

4 2 0
                                    


#13


"Kanina lang... si Johnmer," sagot niya na may munting ngiti ang sumilay sa kanya.

Napatigil ako't nabura ang malaking ngiti sa labi.

Nakikita ko ang saya sa mga mata niya. Pero iba ang naging reaksyon ko, at hindi ko iyon maintindihan. Hindi ko rin tanggap ang kung ano man ang nararamdaman ko sa sinabi niya sa akin. Hindi ko tanggap dahil hindi dapat ganito.

Bumigat ang loob ko. Hindi ako makagalaw at ayokong gumalaw, dahil napuno na ata ang sistema ko sa gulat sa sinabi niya.

Gusto kong lunurin ang sarili sa pag-iisip dahil sa sinabi niya. Para kaseng ayaw kong maniwala...

Napalunok rin ako, gustong umiwas ng tingin at kahit saan nalang dumapo 'yun.

Mayroong parte sa akin na... sana hindi ko nalang narinig ang sinabi niya. Sana hindi nalang ako ganun kasaya tanungin siya. Sana... hindi niya na lang sinabi sa akin.

Bakit? Bakit ganito ang nararamdaman ko?

Hindi dapat ganito. Dahil kailangan masaya ako. Kailangan? Magiging kusa ang pagiging masaya ko sa mga ganito diba? Pero hindi ko magawa. Hindi naging kusa.

Nung mapansin ni Chrine na matigilan ako ay agad kong ibinalik ang ngiti ko, ang excitement ko, kahit pilit. Pilit na ata.

"T-talaga? Si Johnmer, umamin sa'yo?" Hindi ko mapigilang mautal.

Tumango-tango siya habang hindi maalis ang ngiti. "Oo, Bella. Nung first game natin kaninang umaga, doon yun!" Hinawi pa niya ang konting hibla ng buhok at nilagay sa likod ng tainga.

Nakikita ko tuloy na kinikilig siya...

Naalala ko kanina. Nang matapos ang unang game na nanalo kami. Nagpaalam siya na may pupuntahan. Hindi ko rin nakita si Johnmer nun.

So ibig sabihin ay nung oras na 'yun sila nagkita?

May konting kirot akong naramdaman pero hindi ko na lamang iyon binigyan pansin. Dahil nasasaktan ako...

"A-anong ginawa mo?" Geh Bella, dapat ganyan. Manatili kang interesado at masaya sa bestfriend mo. "A-anong sinabi mo pabalik?"

Ngumiti siya at nagkibit-balikat. "Wala. Nagulat ako eh. Tapos..."

Hinintay kong dugtungan niya ang kanyang sinasabi. Hindi maintindihan na kaba ang naramdaman ko.

"Tapos hahanap siya ng paraan para lalong mapalapit sa akin," sabi niya, yumuko, parang nagpipigil ng ngiti.

Doon na ako hindi nakaimik. Lalong bumigat ang loob ko. Kaya buong byahe pauwi namin ay gustuhin ko man manahimik na lamang pero baka makahalata si Chrine sa epekto ng sinabi niya, ay pilit ko na lamang nakisabay sa mga kwento niya. 

Pagkauwi sa bahay ay nakita ko si Kuya Vince na nandun kaagad. Mukhang manenermon na naman.

"Si Chrine ang naghatid sa akin Kuya. Babae 'yun, lumabas kase kami kaya sinabay niya na akong umuwi," sunod-sunod na sabi ko. Para hindi niya na ituloy ang pagtatanong na naman niya.

Aakyat na sana ako pero nagasalita pa siya. "Bad mood, sis? May nangyari ba? Mukha kang malungkot..." nag-aalalang tanong ni Kuya na lumapit pa sa akin.

Ngumiti ako ng tipid at umiling ng kaunti. "Okay lang ako, Kuya. Napagod lang ata."

"Oo nga noh. Nanalo kayo?"

Rewrite The PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon