4th letter

19 7 0
                                    

The 4th letter's regret...

'Don't give up on Nanay.'

Paulit-ulit na sinabi iyon ng utak ko na para bang sirang plaka. Napabuntong-hininga na lang ako habang dahan-dahang lumuhod at pinulot na yung mga magazines na nagkalat.

Habang nagpupulot, hindi ko sinsadyang mahulog ang laman ng isang magazine. Nakita ko ang iba't ibang love letters na ngayon ay nakakalat na sa sahig. Mga love letters nila Nanay at Tatay...
Ganun talaga ata nila kamahal ang isa't isa.

Hindi ko na iyon pinakaelaman at inipit nalang ulit iyon sa isang magazine. Pinulot ka na rin yung mga medals namin ni Kuya na nakasabit sa wall. Si Kuya palagi ang nag-aayos nun lalo na kapag nakakatanggap ako palagi ng parangal. Nagpagpag lang ako ng kamay at unakyat na sa kwarto ko.

Nilagay ko na ulit sa isang parte ng drawer ko yung pangatlong letter na natanggap ko. Hindi ko maiwasang maisip na ang dulot ng pagsunod ko sa letter na ito ay saya, lalo na ng sinunod ko ang nakasaad sa panglawa at pangatlo.

Kung hindi ko yata isinunod, baka ngayon ay hindi ko na kaibigan si Chrine, at hanggang magkaklase na lang kami. Baka ngayon iniiwasan niya na ako kase pinaramdam ko sakanya na napipilitan lang akong makipagkaibigan sa kanya at hindi ko siya pinapahalagahan na alam kong hindi naman totoo.

Kagaya na lang din kanina, gustong-gusto ko ang paglaro ng Volleyball. Naging varsity pa ako nung first and second year ko. Kung paano ko maimpress ang ibang tao ay naghahatid yun ng kasiyahan sa puso ko at parang nagtatalo-talon sa tuwa. Hindi ko batid kung ano ang gustong sabihin nung letter na mangyayari dapat, pero dahil ata sa pagsunod ko dito ay iba ang nangyari. Sa huli ay hindi ako nagsisisi.

Pero dahil sa pag-iisip na iyon, ngayon ko lang natandaan na hindi pa pala ako nagpapasalamat kay Johnmer sa pagharang ng bola sa akin. Ang alam ko ay natamaan siya sa may likod ng ulo niya. Nakokonsensya nga ako eh, ako na nga yung tinulungan ng tao, ako pa itong suplada at hindi man lang nagpasalamat.

'Di bale na, meron pa namang bukas. Nasa iisang room lang din naman kami kaya hindi mahirap mag-thank you sa kanya.

Pagkauwi ni Kuya Vince sa bahay ay hindi ko na pinaalam pa sakanya kung ano ang nadatnan ko dito. Nagsabay kaming kumain ng dinner. Ginawa ko rin ang iba ko pang mga assignments bago ako natulog.

As usual routine, hinatid ako ni Kuya sa University. "Text mo nalang ako kung may lakad ka para lang alam ko" bilin sa akin ni Kuya, napatango naman ako. "Sige na una na ako, ingat sis" paalam niya pa at akmang guguluhin sana ang buhok ko pero umiwas na kaagad ako.

"Kuya naman eh!" reklamo ko pero tawa lang ang isinukli niya. Ang tanda ko na kaya para sa ganon, tsk tsk. Mahilig kase ako ganunin ni Kuya nung mga bata pa kami, na akala mo, isa akong aso, char!

Medyo maaga pa, madalas na akong napapaagang pumasok dahil nga kailangan rin ni Kuya pumasok sa trabaho niya ng maaga. Kaya no choice ako.

Naisipan ko namang magpunta sa likod ng school kung saan may mga damuhan. Walang tao kaya makakapagbasa ako ng tahimik. Gusto ko yung mga ganung moment, yung ikaw lang tapos feel na feel mo yung emotions sa kwento haha!

Hindi ako sa damuhan umupo kundi sa may gilid kung saan may masasandalan akong pader. Doon pa ako sa may corner umupo ng pa-indian sit. Nilabas ko na ulit yung novel book ko at nagbasa ng tahimik.

"Hindi ko inaasahan na makikita kita dito." Anak ng... ang ganda na nung part na binabasa ko eh, nanggulat pa itong nagsalita. Wait, nagsalita? Wala naman akong makitang tao dito ha! Minumulto na ba ako? Nagpalinga-linga ako sa palgid pero wala namang tao. "Nandito ako." Waaah! Baka isa ako sa mga taong may invisible friend sa mundo?! Napatigil lang ako sa pag-iimagine nang marinig ko at maramdaman ang konting pagtawa ng nasa likod ko pala. Nakasandal din siya sa pader at dahil nasa corner kaming dalawa ay magkalapit lang din pala kami na parang ang corner lang ng dalawang pader ang pagitan namin.

Rewrite The PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon