Their first impression...
Naglalakad si Bella papunta sa gate ng paaralang pinapasukan niya. Unang araw ng klase niya para sa first year of highschool. Dito din siya nag-aral ng elementarya at wala pa siyang balak lumipat sa ibang school kundi dito.
Ang kanyang kaisa-isang pinsan na nag-aaral rin dito at naging kaklase niya rin ay lumipat na sa US, at doon na mag-aaral. Siya pa naman ang palagi kasama ni Bella pero wala siyang karapatan pigilan ito dahil desisyon iyon ng mga magulang nito.
Habang pinagmamasdan ni Bella ang nagkakaguluhang mga estudyante sa gitna ng hall, ay nalaman niyang maraming bagong students ang nag-enroll.
May mga bagong mukha siyang nakikita na hindi pa niya nasasalamuha. Inipit na lang niya ang kanyang buhok sa kaliwang tenga at nagpatuloy sa paglalakad patungong magiging classroom niya.
Pagdating, ay umupo na kaagad siya. Medyo masama kase ang pakiramdam niya at hindi na siya nag-abala pang sabihin ito sa Kuya Vince niya.
Nagpalumbaba na lamang ito at naghintay na magsimula ang klase.
Nagpakilala ang magiging bagong adviser niya. Nagpakilala na rin ang mga bagong estudyante na magiging kaklase niya ngayong taon. At dahil nakasanayan na ng paaralan na magkaroon ng mga gawain sa unang araw, para makilala ang isa't isa ay ginawa nga nila.
Nag-groupings sila at napunta siya sa isang grupong may tatlong babae na sigurado siyang bago lamang ang mga ito.
"Hello!" masiglang bati ng isa. Kung titignan lamang ito sa pagkakaupo ay medyo maliit ang height niya. "I'm Lavender, new lang ako dito ih, kayo ba?" Nagkatingan naman silang tatlo kahit hindi pa man nakikilala ang isa't isa. Halata kay Lavender na palakaibigan ito dahil siya ang unang nag-approach sa kanila.
"My name is Gabi, new here too," nakangiting sabi nung isa at nakipagkamay kay Lavender. Sunod naman bumaling ang atensyon nila sa isa pa nilang kasama.
"I'm Wendling, new, pero pwede niyo rin akong tawaging Weng," sabi nung isa at nakipagkamay kay Gabi at Lavender. Sa isip ni Bella ay mga anak-mayaman ang mga ito dahil sa English pa nagpakilala.
Hanggang sa tumingin na sila kay Bella habang nakangiti at hinihintay na magpakilala rin siya. Lumunok muna si Bella dahil ramdam niyang nanunuyo na ang lalamunan niya dala ng masamang pakiramdam.
"A-ako si Bellator, Bella for short," nakangiting pagpapakilala niya. Tinanggap niya rin ang pakikipag-kamay nila Lavender, Gabi, at Weng.
"Ako rin may nickname," sabi ni Lavender. "Nakalimutan ko lang sabihin hihi. Call me Lala."
"Lala," halos sabay-sabay na sabi nila Bella, Gabi, at Weng.
"Buti pa kayo, may nickname," nakangusong saad naman ni Gabi. "Apat na letters nalang kase ang pangalan ko, ayaw nang paikliin pa lalo ng mommy ko," dagdag pa niya. Natawa ng bahagya ang tatlo.
Pagkatapos ng pagpapakilala nila sa isa't isa, ginawa na nila yung activity. Nagtatawanan na sila na pahiwatig na magkakaibigan na silang apat.
Sinisikap ni Bella na magkwento rin pero dahil masama ang pakiramdam niya ay nakikingiti na lamang ito at nagpaparticipate.
Dahil palakaibigan si Lavender o Lala ay niyaya pa niya sila Gabi, Weng, at Bella na magsama-sama sa breaktime at lunch time.
Habang si Bella ay pasimpleng kinapa ang leeg niya. Totoong may sakit nga siya.
"Yieee, let's be together like this always!" parang bata ani Lala.
BINABASA MO ANG
Rewrite The Past
RomanceRegrets are lessons, not a definition of you. Death is not the finish line of hardship, but it is the way you will leave the world because of completing your mission in life. Suicide is not the answer for your depressions... _°°_°°_ Bellator Vita M...