#08"Sabay na tayong pumasok," sabi niya.
Naramdaman ko na lang na nag-init ang mukha ko at ang bilis ng tibok ng puso ko.
Napuno ng pagtataka ang utak ko. Bigla ko nalang iniwas ang paningin ko. Hindi ako makatingin sa kanya."Look at me," aniya pa na lalong nagpakaba sa akin.
Tumingin naman ako sa likuran ko, nagbabakasakaling hindi ako ang kausap. Pero walang tao, mga estudyante lang na malalayo sa amin na papasok na sa paaralan. Tumingin rin ako sa kanan at kaliwa ko pero ganun rin ang nakita ko. Bago pa ako makatingin ulit sa kaniya ay nagsalita ulit siya.
"You're the one I am talking to."
Kunot-noong tinignan ko siya. Lumunok ako bago nagsalita.
"A-ako?" Nauutal kong tanong, itinuro pa ang sarili. Tumango naman siya ng marahan. "B-bakit?" Aish! Bakit ba ako nauutal?
"Is that impossible that you are not the one I am talking to?" Naniningkit ang mga matang sabi niya.
"B-bakit ka ba nag-eenglish? Ha?!" Sigaw ko sakanya. Iniiba ang usapan, dahil gulong-gulo na ako dito, at nag-eenglish pa siya psh.
Bumuntong-hininga siya at nagulat na lang ako sa susunod na ginawa niya!
"Hoy! Johnmer! Bitawan mo nga ako!" Pumipiglas na sigaw ko! Pero kulang ang lakas ko para pigilan siya sa ginagawa.
Nakahawak lang naman siya sa batok ko at parang itinutulak lang habang swabeng naglalakad!
"Ano ba!" Sigaw ko ulit. Pero yung hindi sobrang lakas na mapapatingin sa amin ang ibang mga estudyante.
Ang lakas ng trip niya ngayon ha! Una, sabay daw kaming pumasok. Pangalawa, English siya ng English, pero nakakahanga, ang lakas ng dating--- Aish! Pangatlo, kailangan ba talaga akong itulak sa batok at kala mo ay pushcart ako kung itulak lang!
"Ang rami mo kaseng sinasabi," kalmado niyang sabi. Sino ba naman kase ang hindi magtataka sa inaasta niya ngayon?
Weird siya. Pinapakaba niya ako na hindi malaman ang dahilan. At napapainis niya ako...
"Teka nga teka!" Inipon ko ang buong lakas ko na hawakan patalikod ang kamay niya at ang mga paa ko na patigilin kami sa paglalakad. Hindi naman ako nabigo.
Humarap ako sa kanya ng hinihingal na akala mo ganun nalang ang kailangan enerhiya para lang manalo sa lakas niya.
At as usual ay nakastraight face lang siya. Nakapilig ang ulo na parang tinatanong sa akin na 'bakit?'
"Ano?" Tanong niya nung wala akong sinasabi at sinasamaan lang siya ng tingin. Ngayon hindi na siya nag-eenglish?
"Anong... nasapian ka ba?" Napahalukipkip na sabi ko.
Hindi naman kami close, sa pagkakaalam ko. At feeling ko nagbago siya ng katauhan base sa nakikita ko ngayon. Duhhh! Hindi naman siya ganyan. Minsan lang kami magpansinan kung kinakailangan... Minsan lang ba? Hindi ata.
"Hindi ko alam na hindi lang sa aksyon ka slow, pati rin pala sa utak, Ms. Sloth," nakangiwing wika niya.
Wait. Ang sakit niya magsalita ha!
"Hoy, Mr. HORSE," sarkastiko kong tawag naman sa kanya. Pero ang loko ay ngumisi lang. Horse kase mabilis, eh di siya na mabilis! "'Wag mo akong kalabanin, aber, top student ata 'tong nasa harapan mo noh," nakapamaywang na saad ko. Naging mayabang pa tuloy ako.
BINABASA MO ANG
Rewrite The Past
RomanceRegrets are lessons, not a definition of you. Death is not the finish line of hardship, but it is the way you will leave the world because of completing your mission in life. Suicide is not the answer for your depressions... _°°_°°_ Bellator Vita M...