7th [.2]

4 2 0
                                    


Its Monday, July 27. Tulala akong naglalakad papunta sa entrance o campus ng school. Hindi na ako magtataka kung may makakita sa akin at iisiping lutang ako.

(--.--)zzz

Iniisip ko ang mensahe ng letter na nakita ko nung Sabado ng gabi. Nung gabi ring iyon ay hindi ako nakatulog ng maayos. Kaya nung Linggo ay nilabanan ko ang antok habang dumadalo kami ng misa nila Kuya, Nanay at Manong Naldo. Sa pagitan namin ni Kuya si Nanay.

Natigilan ako nung may narinig akong pag-uusap, o nagsasalita. Pamilyar sa akin, para bang nakarinig na ako ng ganoon.

"Gusto kita, matagal na kitang pinagmamasdan mula sa malayo. At ngayon ay naglalakas-loob akong sabihin sa'yo ito," naririnig kong boses ng babae.

Lumingon ako sa kaliwa pero wala doon yung pinakikinggan ko. Puro mga estudyante lang na naglalakad papasok kagaya ko. Tumingin ako sa kanan.

"Aish..." bulong ko kaagad sa sarili ng may makita. Sabi ko na nga ba eh. Pamilyar nga ang nangyayari.

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad.

"Sorry? Sino ka ba?" Narinig kong tanong ni Johnmer.

Natitigilang, hindi makapaniwala, akong tumigil sa paglalakad. Wahh! Papalapit ako sa kanila maglakad! Aish!

Pilit na itinitago ang mukha gamit ang buhok akong sumulyap sila. Hindi kagaya ng dati kong nakita, walang inilalahad ang babae, nakatingin lang ito kay Johnmer habang ang isang kamao ay nasa dibdib.

Si Johnmer naman ay nakapamulsa lang, hinahangin ang buhok at nasa side lang ang tingin, na animo'y walang pakelam sa kinakausap. Hanggang sa...

Lumingon siya sa akin, sa side ko! Nanlalaki ang mga mata inalis ang tingin sa kanya. Yung kaninang lutang na utak ko ay nagpapanic na ngayon! Aish! Baka isipin niyang chismosa na ako!

Inayos ko ang buhok ko na nagulo dahil sa pagtatakip sa mukha ko. Nag-ipit ng ilang mga hibla sa magkabilang tenga. Inayos ang likod nito at tsaka humakbang. Pero nakakaisang hakbang palang ako ay may humila na sa braso ko at umakbay bigla sa akin pagkahila!

Mula sa babae na ngayon ay nakatingin na sa akin, ay biglang lumipat ang paningin ko sa lalaking humila at umakbay sa akin at nakangisi pa!

"J-Johnmer?" Nauutal at nagugulat na ani nung babae. Doon ako natauhan kaya agad kong hinawakan ang kamay niya sa may balikat ko dahil nakaabay siya sa akin. At bahagyang yumuko para alisin ang pagkaka-akbay niya.

"Ah sige maiwa---" magpapaalam na sana ako pero mas nagulat ako nung hinawakan niya ang akin kamay. Tinignan ko siya ng nanlalaki ang mata. Pero nginitian niya lang ako!

"'Wag ka nang magtampo... Babe," nanlalambing na sabi niya. BABE?! Watda?! Ano na naman ang trip mo, Johnmer?!

Pumiglas ako, gusto kong makawala sa pagkakahawak niya sa kamay ko. Sa kamay ko na talaga, at hindi na sa wrist! Yung hindi makapaniwala na mababasa sa mga mata ko ay unti-unti nang napapalitan ng pagsama ng tingin sa kanya.

"B-babe? K-kayo na?" Nauutal na tanong ng babae habang nakaturo pa sa amin. Umiling-iling naman ako, nagbabasakaling hindi iyon ang isipin niya.

Tumawa si Johnmer, hindi oa pero kung titignan dahil wala namang nakakatawa, matatawag mo iyon na oa nga.

"Obviously... yes," sagot niya na tumango-tango pa.

*dug dug dug dug*

That was a... lie. Isang kasungalinan. Pero pinakaba ako. A lie. Pero nagbigay ng mga katanungan sa isip ko. A lie pero may naghatid ng konting kiliti sa damdamin ko.

Rewrite The PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon