Toleration in fifth letter...
Pagkakalas ko sa yakap namin ni Chrine ay binigyan ko siya ng matamis na ngiti na hindi ko pa napapakita kahit kanino.
"Paano mo pala nasabi ang mag yun kay Sir Rin?" tanong ko kay Chrine na nakatitig na sa akin.
"Uhm..." Tumingin muna siya sa taas na parang nag-iisip. "Kahapon kase, kakausapin ko sana si Evy about something pero naabutan ko siyang dala-dala na yung mga paperworks and then, nagtaka ako nung ipinasa niya sa iyo yung paperworks kaya napagdesisyunan ko na sundan ka." Ngumiti siya. "Buti nalang talaga nakita kita kundi baka ikaw pa ang sisihin nila."
Kung hindi ko lang ata sinunod ang second letter ay hindi na kami magkaibigan ngayon. Hindi na siya lalapit sa akin. At kahapon ay hindi niya ako sana sinundan dahil wala naman na dapat kaming koneksyon sa isa't isa. Pero lahat ng 'yun ay nagbago at nagdudulot sa akin yun ng kaginhawaan sa puso.
Tumango-tango naman ako bago hinawakan siya sa kamay. "Halika na, baka malate pa tayo" yaya ko sabay hila sa kanya patungo sa room namin.
"O-okay."
"Anong nangyari, bakit ka pinatawag?" tanong ni Arc nang makabalik ako sa inuupuan ko. Pinaningkitan ko naman siya ng mata, nang-aasar. "Okay, ako na ang chismoso, tsk" sarkastikobg dagdag niya na ikanatawa ko ng kaunti.
"Wala, may clinarify lang si Sir Rin sa akin" natatawang sagot ko. Mukha kase siyang batang napikon na hindi nasagot ng magulang sng kanyang tanong dahil inosente pa siya.
"Oo nga pala, wala ka kase kanina, may nag-announce na three days from now, sisimulan na ang pagreregister sa mga clubs" sabi ni Arc. Busy rin sa kwentuhan sila Rely, Ted, at Frill. Wala pa kaseng teacher kaya maingay pa ang klase.
"Oh?"
"Yup, ano ba sasalihan mo?"
"Sasalihan? Mmmm..." kinagat ko naman ang pang-ibabang labi ko habang nag-iisip.
"Okay lang kahit wala pa, wala rin din akong maisip. Tsaka matagal pa yun kaya magkakapag-isip ka pa" suggestion niya.
"Sa bagay" kumawala pa akong ng maliit na buntong-hininga. "Pero..." sinadya kong bitinin ang sinabi ko.
"Pero?"
"Mas masaya ata kung kasama kita sa iisang club" saad ko sabay ngiti. Namilog naman ang mga mata niya kaya narealize ko kung anong sinabi ko. Aish! Two meaning ata yun, baka kung ano-ano ang isipin niya. "I mean---" magpapaliwanag na sana ako pero pumasok na ang teacher namin na strikto. Yung tipong konting ingay lang, eh parang papatayin ka na sa tingin.
"Good morning Mrs. Florida" sabay-sabay na bati namin at tumayo pa. Sinenyasan naman niya kami na umupo na.
Ugh! Hindi na tuloy ako makapagpaliwanag kay Arc. Bakit kase hindi ako nag-aapply ng motto na 'think before you speak'? Mamaya ko nalang sabihin, wait, baka isipin naman niyang binibig deal ko naman yun. Meron din naman ibang ibig sabihin yun, yun ang makasama ang kaibigan ko, kaibigan ko nga siya eh. Focus. Focus.
"Grabe kanina, parang hindi ako makagalaw sa sobrang strict ni Ma'am" ani Frill habang papunta na kami sa cafeteria para sa break namin.
"Alam mo yung sabi niya, moahlleycoaddle hahaha!" tawa ni Ted.
"Shunga! Molleycoddle. May accent lang talaga dapat!" Hinampas naman siya ni Rely na natatawa dahil sa sinabi ni Ted.
"Meron pang isa, Elowwquent hahaha!" natatawang sabi pa ni Ted, tuwang-tuwa sa diniscuss ni Mrs. Florida kanina na mga vocabulary words.
BINABASA MO ANG
Rewrite The Past
RomanceRegrets are lessons, not a definition of you. Death is not the finish line of hardship, but it is the way you will leave the world because of completing your mission in life. Suicide is not the answer for your depressions... _°°_°°_ Bellator Vita M...