Prologue

32 11 5
                                    

Prologue


I just woke up one day that everything replays like I didn't try to move forward.

The ones I thought who will change the sadness I felt towards people I just met before them, turns out to be just a role play. A role play to break me more.

The care and forgiveness, I gradually feel was easily faded in just a scene.

The reality of people is different from each other.

But do you know what's more sucks?

Is that my reality doesn't give me a permanent happiness. They don't give me that.

I'm sorry my love, for not waiting you 'till the end. For not following you until I can. For not seeing me anymore. And breaking the promises we attached to each other before we part ways.

But I promise...

That on the other side of the world. In the other side of my life. I will change everything...

For you and me get a happy ending... together.

That's the only promise I may grant you aside from loving you. Because if ever I may not, it may be the biggest regret I made. Breathing or not.







"H-hindi ko na kaya," mahinang sambit ko habang kinukuha ang kahon na nasa ilalim ng kama ko.

Tuloy-tuloy ang bagsak ng aking mga luha. Kahit anong isipin kong masasayang alaala ay natatablahan ng masasakit at malulungkot na pangyayari.

Inuudyok na ata ako ng kapalaran na gawin ko ito.

Wala na ba akong pag-asa maging masaya?

Bakit hindi pwedeng maging manhind nalang ako sa pakiramdam na toh dahil paulit-ulit lang naman pinaparamdam sa akin toh?

Kailangan ba talagang... kitilin ko ang sariling buhay? Para ang iba ay maging masaya?

Bawal ba akong maging masaya?

Pinanganak lang ba ako para may masaktan sila?

Tatay...

Habang nakasukbit na ang tali sa dingding na may bilog na nakabuhol sa may ibaba nito. At ako'y nasa harapan na nang upuang tatapakan para umangat.

May bumalik na alaala sa aking isipan na tila isang imahe at malinaw ko ito naiisip.

Kung kelan una kong nakita ang pinakaminamahal ko.

At huling nakita ang taong walang ginawa kundi ang pahalagahan ang pagdating ko sa buhay niya. Pero hanggang sa huli, inalaan niya ang buhay para sa akin.






Limang taong gulang palang si Bella. Nasa palaruan siya kasama ang kanyang ama. Itinuturin na nga siyang 'Tatay's Girl'.

Nakasakay siya ngayon sa swing at masayang masaya siya habang itinutulak siya ng Tatay niya.

"Lakasan mo pa po Tatay!" Nakangiti, aliw na aliw na sabi niya.

"Humawak kang mabuti anak dahil baka mahulog ka. Okay na ganito ang lakas." Wala namang nagawa si Bella dahil baka tumangay siya sa ere kung lalakasan pa ng kanyang Tatay ang pagtulak.

"Hmmm..."

Napatigil sila nang may marinig silang batang lalaking tahimik na humihikbi. Tinignan niya ang Tatay niya at nagkaintindihan sila na puntahan ang bata.

"Bata, bakit ka umiiyak?" Tanong ni Bella sa bata.

Tumingin ang bata kay Bella na may mga luha ang mata.

"Ako, ayaw sali sa laro nila." Sabi naman nung bata. Nilingon ni Bella ang itinuro ng bata.

Nakita niya ang tatlong lalaking mga puslit rin kagaya niya na naglalaro ng sipa-sipa o soccer.

"Halika, tayo nalang ang maglaro." Iniabot ni Bella ang kanyang kamay sa bata. Dahil doon, nakangiti ang batang iniabot rin ang kamay niya.

"Haha! Bungi!" Tawa ni Bella nang makita ang mga ngipin ng bata nung ngumiti ito.

Nalungkot naman ang bata doon. Parang maiiyak na naman. 'Yun ang dahilan kase kung bakit hindi siya isinali nung mga batang lalaki kanina.

"Wag ka malungkot bata, ako rin oh, bungi." Ipinakita rin ni Bella ang bungi sa may ibaba niyang ngipin sa bandang gilid.

Natawa ang bata. Magandang tawa na nakakahawa kay natawa rin si Bella.

Masayang nakipaglaro si Bella sa bata. Napangiti naman ang Tatay niya dahil sa ginawa ng anak niya. Alam niya sa sarili na maayos niyang pinalaki ang anak niya.

Hanggang sa sunduin na ng batang lalaki ng Mommy niya. Nagpaalam na sila sa isa't isa.

"Tatay, uwi na rin po tayo." Natawa naman ang Tatay niya dahil bakas sa mukha ng kanyang anak ang pagod at puro pawis.

"Osige na Bellator." Ibinuhat siya nung Tatay niya.

"Sorbetes! Sorbetes!" May nakita silang mamang nagbebenta ng sorbetes sa kabilang kalye.

Natuwa doon si Bella at agad-agad bumaba sa mga bisig ng kanyang Tatay. Tumakbo ito patawid sa kalye.

Pero dahil sa tuwa at pagmamadali ay hindi niya nakita ang paparating na pulang sasakyan.



*Beep Beep*




"Bellator!" Rinig na tawag ng kanyang Tatay.

Ngunit hindi na siya makagalaw sa kanyang pwesto nang matamaan ang kanyang mga mata ng ilaw galing sa paparating na kotse. Ang tanging nagawa niya lang ang pumikit.

Matagal ang segundong pumikit siya dahil sa takot. Ngunit wala siyang naramdamang galos.

Pagmulat ng mata niya ay ang pagkakita sa Tatay niyang nakahandusay na sa sahig, naliligo sa sariling dugo.

Sinagip siya ng kanyang Tatay...







Sinira ko ang masayang pamilya namin... 'yun ang nasa isip ko matapos ang pangyayaring iyon.

Ngayon, dahil sa aksidenteng iyon na matagal nang nakalipas pero presko pa rin ang epekto sa amin, kaya nangyari ang mga ito.

Hanggang sa huling sandali. Gusto kong sabihin sa inyo na...

Tumapak na ako sa upuan at inilusot ang ulo sa butas.

'Sorry sa inyong lahat...'

'Sorry Tatay sa hindi pagtupag sa huli mong sinabi. Because I can't smile anymore.'

'Sorry, my love for leaving you.'

Umangat na ako sa ere.

Nakakasakal.

Nakakawalan ng hangin.

Nakakapanghina.

Pero matatapos na ang lahat ng sakit at pagod sa lungkot na nadarama ko.

How I wish, suicide is not a sin.

Unti-unti nang nababalutan ng itim na kulay ang paligid kung saan huling tumutok ang mga mata ko.

Doon sa sulat na iniwan ko.

'Please, rewrite my past'

Isang butil ng luha ang muling tumulo bago ako tuluyan na nawalan ng malay.





Itutuloy...

Rewrite The PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon