I was in-denial at first. Inisip ko pang nagbibiro lang talaga siya o 'di kaya'y nanaginip lang ako. Na baka magsisi lang din siya sa ginawa at mga sinabi niya at babalik siya para makipag-bati sa'kin.
Pero walang bumalik para magsorry. Walang bumawi sa sinabi niyang break na kami.
Torture ba 'to? May nagawa ba akong kasalanan para magdusa ng ganito? May mali ba ako para iwan niya? Bakit niya 'ko sinaktan at iniwan? Naging mabuting girlfriend naman ako 'diba? Anong nagawa ko?
Walang araw na hindi ako nagkulong lang sa kwarto. Nag-i-iiyak at parang tangang naghihintay ng tawag o text niya. Wala ding araw ang hindi naging madilim para sa'kin. Naglaho lahat ng kabuluhan sa buhay ko.
Puno ng pagtatampo ang puso ko. Nakakainis pero 'yun talaga ang nangingibabaw na nararamdaman ko ngayon. Ang daya niya! Gusto kong magalit sa kanya pero hindi ko magawa. Tanging tampo at sakit lamang ang nararamdaman ko sa puso ko. Tila wala akong kontrol sa emosyon ko.
Palagi kong naririnig na kakambal na ng pag-ibig ang sakit. Hindi 'yun totoo dahil tahimik akong kinikitil ng hindi lang basta sakit na ito. Mas tamang kakambal na ng pag-ibig ang kamatayan dahil parang mas pipiliin ko nalang mamatay kesa magdusa ng ganito. Para kasing hindi na'to matatapos. Nawalan na ako ng pag-asa. Ilang araw na din pero hindi naman nababawasan ang lungkot at sakit. Habambuhay na yata 'to. Pa'no ko ba magagamot 'tong puso ko? P-puwede makalimot nalang ako? Hindi ko na kasi kaya. P-Pagod na'ko.
Itong mga luha ko, bakit parang hindi sila nauubos? Minsan kusa pa silang umaagos mula sa mga mata ko.
Oo nga pala't tinanggal na din niya ako bilang secretary niya. He sent me an email na sinasabing fired na ako. Being formal again and insensitive na parang wala kaming pinag-samahan. See, hindi niya lang ako sinesante sa puso niya pati sa trabaho na rin.
'Yung mga pinagsamahan namin. 'Yung mga ala-ala namin na magkasama. 'Yung mga time na puno kami ng pagmamahalan. Ang hirap itapon at kalimutan nalang ng mga 'yun. Kaya niya 'yung gawin ng ganun-ganun lang? Basta alisin nalang sa buhay niya? Bakit ako parang mamamatay na kapag sumasagi sa isip ko ang mga ala-ala namin? Hindi siya maalis sa isip ko mula umaga hanggang gabi. Our memories is hunting me.
Ang kinatatakutan ko nangyari na. Ano na'ng gagawin ko ngayon? Pa'no ako magsisimula ulit ng wala na siya? Ang tanong magagawa ko ba? Ang hirap ngang isipin at tanggapin gawin pa kaya?
Iyak na lang ang tanging magagawa ko para kahit papa'no ay makaya ang nadarama. Sa huli ay useless parin naman pero wala eh. It turns out na ang hina ko pala sa ganitong bagay. Wasak. Nawalan na ng saysay ang lahat. Sa pagkakataong ito nga, ang bumalik si Nic nalang ang tanging makakasagip sa'kin.
Ngunit tanda ko ang mga sinabi niya. Sabi niya si Lauren parin ang mahal niya. Totoong gusto ko nalang kalimutan dahil ang hirap tanggapin pero anong magagawa ko? Ito nalang ang paraan para maipamukha ko sa sarili kong hindi na talaga siya babalik sa'kin. Na pinili niya talagang iwan ako dahil hindi naman talaga totoo na ako 'yung mahal niya. Deep inside kasi hindi ko parin mapigilang umasa. Tanga.
Hindi ikaw ang mahal niya kundi si Lauren, Sabrina, okay?
Ang sakit maalala ng mga salitang 'yan pero mabuti na 'to para magising ako sa katotohanan.
Napapahid ako ng mga luha ko. Tama na 'to. Kailangan ko nang tumigil sa pag-iyak. Tumayo at lumabas ng kwarto na parang walang nangyari. Ito ang unang beses na lalabas ako ng kwarto at sasabay ng hapunan sa pamilya ko simula nung magluksa ako sa pakikipag-hiwalay ni Nic sa'kin. Nangako kasi ako kay Mama kanina dahil hindi ko siya matiis nang humiling siya sa'kin na sumabay sa kanila sa pagkain.
Until now, they don't know anything about what I'm going through. Wala talaga akong sinasabi. Akala parin nila okay lang kami ni Nic. Basta't nagsinungaling lang ako nitong nagdaang araw na gusto kong magpahinga ng magpahinga para gumaling na ng mabilis. Dahilan para magawa kong magkulong ng buong araw dito sa loob. Hindi naman sila nag-react dahil iyon naman ang gusto nila. Na magpahinga lang ako para gumaling.
YOU ARE READING
I'm NOT That Girl
Romance"Sabi nila, posible raw na may anim na tao sa mundo na kamukhang-kamukha mo. Dati, hindi ako naniniwala. Pero simula no'ng mapagkamalan akong Lauren ng isang lalaking hindi ko naman kilala, naniwala na'ko. Nagbago na rin ang buhay ko nang makilala k...