Two days na rin ang lumipas simula no'ng first day ko at tingin ko naman nagawa kong gampanan ang trabaho ko kahit paano. Bukas na kami aalis ni Sir Dominic papunta sa isang resort na pagma-may-ari din nila. Well, nakahanda naman na 'yong mga gamit ko kaya wala na'ng problema.
“Sir, heto na po 'yong coffee niyo,” sabi ko pagkapasok sa office niya. Inutusan na naman niya kasi akong ipag-timpla siya. Actually, araw-araw. Hindi ko alam kung bakit. Eh, alam naman niyang hindi ako magaling mag-timpla, pina-patimpla niya parin ako ng kape niya.
Nilapag ko ang tasa sa table niya. Uminom siya ng kaunti at hindi na nagreklamo. Simula pa kahapon, wala nalang siyang sinasabi. Siguro tanggap na niya, lol. Binalik niya ulit ang tuon sa laptop niya pagkatapos.
Aktong lalabas naman na sana ako kaso hindi ko na talaga mapigilan, e. Gusto ko na talagang itanong 'to no'ng una pa lang. Try ko nalang ngayon? Mukha namang hindi siya bad mood hindi tulad no'ng mga nakaraang araw. Mas maganda ang aura niya ngayon.
“Sir,” panimula ko.
Mula sa laptop, lumipat ang tingin niya sa'kin. Inangat niya ang parehong kilay na parang sinasabing 'bakit?'.
See. Good mood siya.
“Pwede po ba akong magtanong?”
“Nagtatanong ka na.”
Napa-poker face ako. “Nagpapaalam pa po ako.”
“Pareho lang 'yon. Ano ba 'yon?”
Nagbago na isip ko. Hindi yata siya good mood. Ang pilosopo. Tsk. Tsk.
“Sabi niyo, si Sir John 'yong tumawag sa'kin para sa interview, 'di po ba?”
Tumaas ang isang kilay niya. “Yeah, and so?”
“Paano po 'yon? I mean, binigay niyo po ba sa kanya 'yong application ko or 'yong contact number ko lang po?”
This time, kumunot na ang noo niya. “What?”
Nagtaka naman ako.
“Sir, may nasabi po ba akong mali?”
Pero hindi siya sumagot, natahimik lang siya na parang nag-iisip.
“Hindi ako ang naka-pansin sa application mo kundi si John. Ni-recommend ka lang niya sa'kin,” aniya hindi nagtagal.
“P-Po?!” Agad din naman akong napatakip ng bibig.
“Ano bang nakakagulat do'n?” tanong niya na parang hindi rin naman kailangan ng sagot dahil binalik na ulit niya ang tingin sa laptop niya.
“Eh, Sir, kilala po ba ni Sir John si... si Lauren?” natanong ko nalang din para makasigurado.
Buti bumaling ulit siya sa'kin.
“Of course. Batch mates kaming tatlo.”
“Ano pong sabi niya tungkol sa'kin? Kasi nga 'diba, kamukha ko po si Lauren?”
“Naipaliwanag ko na sa kanya na ibang tao ka kaya wala ka na'ng dapat ipag-alala.”
Ano?! Nasabi na niya?!
“N-Naniwala po ba siya or hindi?”
“Of course he did dahil ako na mismo nagsabi. At matapos ba naman niyang makita at mabasa 'yong application mo, hindi pa siya maniniwala?”
Natahimik nalang ako. Teka, sino nagsasabi sa kanila ng totoo?
Kasi 'diba, sabi ni Sir John, hindi niya raw alam na hindi ako si Lauren?
“Ba't mo ba natanong? Is there a problem?”
Napabalik ang tingin ko kay Sir Dominic. Napailing nalang ako dahil hindi ko naman alam ang sasabihin.
YOU ARE READING
I'm NOT That Girl
Romantik"Sabi nila, posible raw na may anim na tao sa mundo na kamukhang-kamukha mo. Dati, hindi ako naniniwala. Pero simula no'ng mapagkamalan akong Lauren ng isang lalaking hindi ko naman kilala, naniwala na'ko. Nagbago na rin ang buhay ko nang makilala k...