INTG (Chapter Thirty)

39 5 0
                                    

“Auntie, she does play the piano!” pahayag ni Matthew sa mga kasama namin sa hapagkainan.

Oo! Si Matthew nga! He's here.

“Really? Puwede mo ba kaming sample-an, hija?”

Napatingin ako sa Mom ni Nic. Bumukas ang bibig ko but I can't utter a word.

“Mom, how can she play the piano when we're in the middle of eating dinner?” singit ni Nic kaya nakahinga ako nang maluwag sa loob-loob ko.

Kanina pa panay tanong sa akin ang Mommy ni Nic. Lahat ng hindi niya pa nalalaman ay nasagot ko na. Sabi niya kasi ay ang dami na'ng nai-kuwento sa kanya tungkol sa akin sina Matthew, Krystal at pati na ang mga magulang nito. Of course si Nic din.

Mga pagkaing pangmayaman ang nasa hapagkainan. Mga pagkaing ang iba pa ay hindi pamilyar sa'kin. Itong boyfriend ko nga lang sa tabi ko ang nagsalin ng food sa plate ko. Minsa'y inaalalayan pa kami ng dalawang maid na hindi umaalis malapit sa mesa.

Nasa dulo nakaupo ang Dad ni Nic. Sa tabi naman siya nito sa kaliwa. Kaharap niya ang Mommy niya. And katabi ko siya at kaharap ko si Matthew.

Speaking of Matthew, kwento ng Mommy ni Nic, kaya raw ito nakasama sa kanila rito ay dahil nagpumilit daw itong sumama. Bago raw kasi sila umuwi rito sa Pinas ay dinalaw nila ang pamilya nito doon sa States.

“I didn't said that she'll play the piano right now, right here. After this, maybe. That is, if she agree.”

“Yeah. Whatever.”

“Why so grumpy, Kuya? Wait, are you upset because I'm here? Aren't you happy to see me? Didn't you miss me?” painosenteng tugon ni Matthew pero kinutuban ako na he's up to something.

“You're starting to sound gay. Cut it off, Matthew.”

“And you're starting to sounds threatened, too.”

“What are you saying?” buwelta ni Nic.

Palipat-lipat lang ang tingin naming dalawa ng Mom ni Nic sa kanilang dalawa. Matthew was about to say something when a voice interrupted him.

“I have always told you to eat quite, haven't I?” anunsyo ng Dad ni Nic dahilan para mapaayos sila ng upo pareho.

“I'll eat quite na po, Uncle. Ziiippp.” ani Matthew na kunwari nag-zipper pa ng bibig.

“So, hija, are you into music? Aside from piano, what are the other instruments that you know how to play?”

Muli akong napabaling sa Mom ni Nic.

“G-Gitara lang po 'yung isa pang instrument na kaya kong tugtugin. Actually, medyo marunong lang po ako sa gitara. Saka mahilig nga po ako sa music.” sagot ko rito.

Ngumiti siya nang malawak bago pinagsalikop ang mga kamay.

“We have something in common! I also love music. Looks like magkakasundo talaga tayo. Finally! may anak na rin akong babae.” giliw na giliw niyang saad at tanging naiilang na ngiti lang ang naging tugon ko.

“Quiet down, Claire. Kasasabi ko lang na huwag maingay habang kumakain. Masosolo mo si Sabrina after dinner kaya wala kang dapat ipag-alala. May kailangan kaming i-discuss ng anak mo tungkol sa business kaya walang makaka-istorbo sa inyong dalawa.”

Patay na. Masosolo ako ng Mommy ni Nic. Uhm, I shouldn't be nervous, right? Nahihiya parin kasi ako at nai-intimidate sa kanya kaya it's uncomfortable for me ang kaisipang makakasama ko siya na kami lang dalawa.

“What about me, Uncle? Saan ako sasama? Sa inyo o kina Auntie?” parang batang tanong ni Matthew.

“Come with us,”

I'm NOT That Girl Where stories live. Discover now