"Ate?" biglang tawag ng boses ni Kyla mula sa labas ng kwarto ko. Napabaling naman ako sa pinto."Ano 'yon?"
Nakahilata lang ako sa kama ko. Wala akong ibang magawa, e. I was trying to sleep pero ayaw naman akong dalawin ng antok.
"May naghahanap sa'yo."
"Huh? Sino?" pagtataka ko.
"Labas ka nalang, Ate. Dali na."
"Eh sino nga? Sige ka, hindi ako lalabas hangga't hindi mo sinasabi."
Hinintay ko siyang sumagot pero wala na akong narinig. Walangyang babae, umalis na yata. Bumangon ako at humarap sa salamin.
Sino naman kaya ang naghahanap sa 'kin? Wala naman akong maisip na puwedeng bumisita rito sa bahay na kakilala ko, e. Dumako ang tingin ko sa wall clock. Nine thirty ng umaga. Itinali ko into ponytail ang mahaba kong buhok. Inayos ko rin ang oversized t-shirt ko na nagusot dahil sa kakahiga.
Kaya siguro umalis agad si Kyla kasi napuyat 'yon kagabi at inaantok pa. I think katatapos lang mag-break fast no'n tapos matutulog ulit. Late na nagising. Hindi na rin namin ginising kanina para sumabay sa aming mag-agahan dahil anong oras na umuwi iyon kagabi.
Mabilis akong lumabas na ng kwarto ko. Baka naman kasi dating kaklase o kaibigan lang 'yong bumisita.
Nang pababa na ako ng hagdan, nahuli ng tenga kong parang may kausap si Jello sa salas.
"Parang hindi naman po kayo pamilyar sa'kin. Sino ka ba tsaka anong kailangan mo sa Ate ko?" rinig ko pang sabi ng kapatid ko.
"Mayroon lang akong isusuli sa Ate mo."
Kumunot ang noo ko. Napatigil rin ako sa paghakbang pababa. 'Yon ba 'yong kausap ni Jello na bisita ko rin? Napaka-pamilyar ng boses...
Dahil sa sobrang kuryoso, nagmadali na akong pumunta sa salas.
Pagkarating ko roon...
"Ikaw? Anong ginagawa mo dito?"
***
"Ang bilis mo namang maningil. Kagabi lang ako umutang sa'yo tapos ngayon agad 'yong bayad?" pabiro kong saad.
Kanina pa kasi siya tahimik, e. Para sa'kin iba ang aura niya ngayon. Hindi naman siya ni isang beses nagbalandra ng ngiti, pero may iba talaga sa kanya. Hindi na siya mukhang suplado...
Mag-kaharap kami ng upo. Katabi ko si Jello na tila walang pakialam sa mundo at kumakain lang ng cookies na kasama sa hinanda kong meryenda para sa hindi ko inaasahang bisita ko.
"Hindi 'yon ang pinunta ko rito," mahinahon na tipid niyang balik.
Hay, iba na talaga siya ngayon pramis. Hindi na antipatiko ang dating ng pananalita niya, magaan na! Gusto ko tuloy mag-ala nagdi-dream sa harap niya.
Anyway, buti nalang wala sina Mama ngayon dahil kung hindi, kanina pa tinadtad ng tanong 'tong lalaking 'to.
"Eh, ano palang sadya mo? Tsaka paano mo nalaman na dito ako nakatira?" sabay ngumiti ako ng magaan kunyari. Parang gusto ko tuloy kabahan dahil hindi raw 'yong utang ang pinunta niya rito?
"Because of this..." sabay inabot niya sa'kin ang...
Purse ko?
"Naiwan mo 'to kagabi sa kotse ko. Dahil sa I.D.'ng nandyan sa loob, natunton kita."
Kinuha ko ang purse ko mula sa kamay niya. Hindi ko man lang napansin kanina na hawak-hawak niya pala 'to.
Tumingin muli ako sa kanya at teka lang ah...
YOU ARE READING
I'm NOT That Girl
Romance"Sabi nila, posible raw na may anim na tao sa mundo na kamukhang-kamukha mo. Dati, hindi ako naniniwala. Pero simula no'ng mapagkamalan akong Lauren ng isang lalaking hindi ko naman kilala, naniwala na'ko. Nagbago na rin ang buhay ko nang makilala k...