Nagising ang diwa ko nang makaramdam ako ng paggalaw ng isang mabigat na bagay sa ibabaw ng tiyan ko. Pero pinanatili kong pikit pa rin ang mga mata. Napakunot nalang ang noo ko habang hindi parin minumulat ang mga mata. Ewan ko, but I don't feel like waking up.
May nararamdaman din akong mabibigat na hininga sa leeg ko. Bukod do'n, naaamoy ko rin ito. Ang bango lang...
Amoy mint.
Ang sarap-sarap ng tulog kong 'to. I feel so comfortable and cozy habang katabi 'tong...
T-Teka, sino katabi ko?
Napahikab ako sabay takip sa bibig habang nakapikit parin. Sunod ay dahan-dahan ko na'ng minulat ang mga mata. Puting kisame ang bumungad sa paningin ko. Kisameng iba sa kisame ng cottage ko. Nagtaka ako nang maramdaman ang mabigat na bagay na kanina pang nasa ibabaw ng tiyan ko. Bumaba ang tingin ko rito.
Braso!
Napasinghap ako sabay nanlaki ang mga mata. Dahan-dahan akong napatingin sa taong katabi ko.
Huwat?! Si Sir Dominic!?
Tama ba itong nakikita kong katabi ko siya at nakasiksik ang mukha niya sa leeg ko?!
Napatili ako sabay tulak sa kanya palayo sa'kin. Napalakas yata 'yong tulak ko na kinahulog niya sa kama. Kumalabog 'yong sahig.
"Ugh!" daing niya.
Napabangon naman agad ako sa kama at tumayo. Goodness gracious!
Chineck ko 'yong sarili ko. Jusme! Buti naman gano'n parin ang suot ko. Tinignan ko siya nang masama na ngayon ay nakaupo na at namimilipit sa sakit. Bahagyang nakapikit ang isang mata at kagat din niya ang kanyang labi. 'Yong isa niyang kamay ay nakahawak sa kanyang likod.
Mukhang hindi niya ako napansin agad ngunit nang mahagip niya ako ay talagang kumunot ang kanyang noo. His face says it all. He's shocked!
"What the hell are you doing here?!"
Tumaas agad 'yong dugo ko dahil sa pagsigaw niya. Lalo na no'ng maalala ko ang mga nangyari kagabi.
"Ikaw!" Tinuro ko siya.
"Kasalanan mo 'to! Tama! Kasalanan mo! Nagmagandang loob na nga akong ihatid ka rito kagabi dahil lasing ka tapos ito pa mangyayari?!"
My goodness! Hindi ako makapaniwalang magkatabi kaming natulog kagabi! Feeling ko nawalan ako ng dignidad! Kasalanan niya 'to! Peste siya!
Namutla siya sabay parang umurong ang dila niya. Dinampot ko ang isang unan sa kama at ibinato sa kanya.
"What's your problem?!" sigaw niya nang tumama sa ulo niya 'yong unan.
"Ikaw ang problema ko! Walang-hiya ka!" sigaw ko rin sabay bato sa kanya no'ng isa pa.
Tatama sana 'yon sa mukha niya kaso naisangga niya 'yong braso niya. Sayang!
"Aray! Ano ba?! Wala akong maalala!" sigaw niya ulit.
Wala raw siyang maalala? Walang-hiya talaga siya! Hindi niya maalala 'yong kasalanan niya!
Ninakawan niya 'ko ng halik!
Biglang uminit ang mukha ko nang maalala na naman ang pakiramdam no'n...
"Teka, ano 'to? A-Aray," aniya habang hawak ang parte ng noo niya na nangingitim.
Kinapa ko rin ang noo ko at may nakapa akong parang bukol. Ouch! Naghanap ako ng salamin at tinignan ang mukha ko rito. Bukol nga! Aray.
Ang unfair! Nangingitim lang 'yong kanya tapos sa'kin bukol? Kainis!
Nakasimangot na hinimas ko ang noo ko hanggang sa mapababa ang tingin ko sa katawan ko. Automatic na pinag-krus ko ang mga braso para takpan ang katawan ko kahit hindi naman talaga makakatulong.
YOU ARE READING
I'm NOT That Girl
Romance"Sabi nila, posible raw na may anim na tao sa mundo na kamukhang-kamukha mo. Dati, hindi ako naniniwala. Pero simula no'ng mapagkamalan akong Lauren ng isang lalaking hindi ko naman kilala, naniwala na'ko. Nagbago na rin ang buhay ko nang makilala k...