Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala sa nalaman ko kagabi. Kaya pala. Kaya pala gano'n ako kausapin no'ng kuya ni Sir Dominic.
Hindi ko talaga nahalatang magkapatid sila. Ang sama naman kasi ng tinginan nila sa isa't-isa. May pagkakahawig naman sila pero hindi ko agad napansin 'yon.
Umaga na at nandito na ako sa cottage ko. Hinatid ako rito ni Sir kagabi. Habang nakaupo sa couch at umiinom ng gatas, paulit-ulit bumabalik sa isip ko 'yong usapan namin ni Sir Dominic kagabi tungkol sa kuya Miguel niya...
“Bakit mo nga pala sinabi sa kanyang girlfriend mo'ko?” tanong ko nang makabawi ako mula sa pagkabigla nang sabihin niyang ex ng lalaking 'yon si Lauren.
Tsaka syempre sensitive thing 'yon dahil ex nga ng kuya niya si Lauren tapos sinabi niyang girlfriend niya 'ko. Akala pa naman no'n ako si Lauren.
“That was my instinct. Para tigilan ka niya kanina.”
Okay... Gano'n lang pala 'yon...
But why do I feel... disappointed?
Tumango nalang ako.
“For now, pilitin mo nalang lumayo sa kanya. Kapatid ko siya kaya kabisado kong hindi maayos ang takbo ng utak niya. Hindi natin alam kung anong pwede niyang gawin sa'yo o maniniwala ba siyang hindi ikaw ang ex niya,” sabi niya pa.
Tulala lang ako. Sini-sink in parin sa utak ko 'yong nalaman ko.
Tama, kailangan ko talaga siyang layuan. Sa ginawa ba naman niya kanina, hindi malabong gawin niya ulit 'yon sa susunod na magkita kami. Pero baka naman, maniwala na siyang hindi ako si Lauren kapag kinausap ko siya ng maayos? Sana nga...
“Sinabi mo na ba sa kanyang hindi ikaw si Lauren?”
“Oo, pero hindi siya naniwala,” nakatulala ko pa ring sagot.
“Talagang hindi. Ako nga hindi naniwala, 'yong gagong 'yon pa kaya.”
Napatingin ako sa kanya dahil sa tinuran niya. Bakit gano'n siya magsalita sa kuya niya? Galit ba siya rito? Mukha nga dahil sa sama ba naman ng tingin niya rito kanina. Pero bakit naman? Anong dahilan? Gusto ko siyang tanungin pero alam ko namang hindi niya rin sasabihin.
Matapos ang usapang iyon, binuhat niya 'ko ulit pauwi rito. Dito ko na rin natanong sa kanya kung anong pangalan ng kuya niya. Miguel.
Sumilay sa mga labi ko ang isang ngiti matapos maalalang ilang beses niya akong binuhat. Tapos tila may nararamdaman na naman akong mga paru-paro sa tiyan ko. Bakit ba ako nagkakaganito? Napa-rolled eyes nalang ako sa sarili. Ang weird ko na these days.
Uminom nalang ulit ako sa gatas ko sabay sumandal sa couch. Gusto kong lumabas kaso ang sakit ng paa ko. Ang lalim kasi talaga ng sugat.
Ehdi paika-ika nalang akong maglalakad. Walang makakapigil sa'kin 'no. Lalo pa't para nalang akong nagbabakasyon dito dahil wala na'ng trabaho. Hindi si Sabrina ang magsasayang ng ganitong pagkakataon. Bad timing din talaga 'tong sugat na 'to eh.
Nag-oats nalang ako for breakfast at pagkatapos ay naghanda na para lumabas. High waisted shorts at white lace top ang sinuot ko. Kung wala lang akong sugat ngayon, magsi-swimming ako eh. Sayang. 'Di bale, kapag gumaling 'to, buong araw talaga akong magsi-swimming.
Lumabas ako sa cottage na paika-ikang maglakad patungong beach. Gusto ko lang panoorin ang mga taong nando'n saka para makalanghap din ako ng sariwang hangin. Ewan ko, pero nahahawa kasi ako sa kasiyahan ng mga pamilyang nagba-bonding doon kapag pinapanood ko sila. Ang gaan-gaan sa pakiramdam tapos napapangiti nalang ako.
YOU ARE READING
I'm NOT That Girl
Romance"Sabi nila, posible raw na may anim na tao sa mundo na kamukhang-kamukha mo. Dati, hindi ako naniniwala. Pero simula no'ng mapagkamalan akong Lauren ng isang lalaking hindi ko naman kilala, naniwala na'ko. Nagbago na rin ang buhay ko nang makilala k...