INTG (Chapter Twenty-Eight)

66 6 0
                                    

Awtomatiko akong napalingon nang maramdamang may nagbaba ng palda ko. Nakatayo ako sa tabi ng reception desk. Sa may gilid nito. Tini-text ko kasi si Mama.

"Nic? Bakit?" at tumingin ako sa likod ng palda ko kung bakit niya ito binaba. Tsaka bakit ang bilis naman yata nitong bumaba? Usapan namin tagalan niya muna eh. Hindi pa nga ako nakakarating sa place kung saan namin napagkasunduang dadaanan niya ako.

Napakagat-labi ako nang ma-realized na hindi ko nahinaan ang boses ko. Tumingin ako sa nag-iisang receptionist na naiwan. Buti nalang mukhang hindi niya ako napansin.

Pasimple kong hinampas sa hita si Nic na seryoso lang ang mukha. I mouthed him "Ikaw na nga lang mauna 'dun. Bilis na".

Sinipat niya muna saglit ang receptionist at saka siya pasimple ring nilapit ang bibig sa tenga ko.

"Ibaba mo ang palda mo kung ayaw mong suntukin ko ang bawat lalaking titingin diyan sa binti mo."

Tanging panlalaki lamang ng mga mata ang aking nagawa habang mabilis nang lumakad palabas si Nic. Kinuha ko na ang bag ko na nakalapag sa reception desk at naiiling na lumabas na din ng building.

Hindi na naman ako makakapag-lunch sa bahay kasi nag-aya na naman si Nic na sa condo niya kami. 'Yun ang ti-next ko kay Mama kanina.

After ang isang linggong pagiging official namin ni Nic, I realized na marami pa pala akong dapat malaman sa kanya. Akala ko, sweet at touchy lang siya. 'Yun pala, super sweet at super touchy. Bukod 'dun, lumabas na din 'yung possessive side niya. Sa ngayon, kilig pa naman ang nabibigay 'nun. Wala pang nagiging problema. Hindi naman kasi malala talaga. Hindi pa nga ba malala?

Okay. Enough with this. May tiwala ako kay Nic na hindi aabot sa puntong may mai-involve na'ng ibang tao regarding sa pagiging possessive niya.

Pagdating ko sa place na napagkasunduan namin, nandoon na nga siya. Pagkapasok ko ng kanyang kotse, agad hinuli ng kamay niya ang akin at pingsalikop ang mga ito.

"Sabi ko naman sa'yo, ipaalam na natin sa mga empleyado ng kompanya ang tungkol sa relasyon natin." aniya.

Tumingin ako sa mga mata niya. "Hindi pa ako ready eh."

"When will you be ready?"

"Hindi ko pa alam. Mahihintay mo naman ako 'diba?"

Sumusukong tumango na lamang siya. Nang halikan niya ang likod ng kamay ko, bumaba ang tingin niya sa palda ko.

"Sabi ko rin sa'yo huwag ka na'ng magsuot ng palda 'diba? Wear trousers instead."

Tinignan ko siya nang masama.

"Trousers? Eh mas gusto ko nga palda eh. Bakit ba?" tantrums ko.

"Ayaw ko ngang nagsusuot ka ng palda. Ayokong may nakakakitang ibang lalaki sa pag-aari ko."

A smile broke off over my face. Minsan gusto ko rin talaga ang pagiging possessive niya. Para akong lumutang sa cloud nine pagkarinig sa sinabi niya. 'Yun ang epekto 'nun sa'kin imbes na otherwise. Nakakakilig na inaangkin niya ako.

"Grabe ka talaga. Ano naman? Ikaw naman 'yung boyfriend ko kaya wala kang dapat ipag-alala."

"Boyfriend mo na hindi nila alam."

Umiwas siya ng tingin at pinakawalan na ang kamay kong hawak niya. Pinatakbo na niya ang sasakyan habang ako, nakatingin pa rin sa kanya. Ngumiti ulit ako bago kinawit ang mga kamay sa kanyang braso. Sunod ay humilig ako sa kanya.

"Possessive," sabi ko nalang sa pambatang tono. Ayokong hayaan na maging simula iyon ng pag-aaway namin. Bilang girlfriend niya, kailangan ko siyang intindihin.

I'm NOT That Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon