Nagkagulatan kami ni Kyla nang makita namin ang isa't-isa. Literal na napatalon siya sa kinatatayuan niya at ako naman ay napahawak sa dibdib at muntik pang mapatili.
'Yung kakaibang ingay pala na narinig ko kanina ay ingay lang ng maagap na pagpasok niya dito sa kwarto.
"Ginulat mo'ko, alam mo ba 'yun?" may bahid parin ng gulat, kaba at inis na sambit ko sa kanya.
"Nagulat din ako sa'yo!"
I stare at her for a while before combing my hair with my both hands and shifting my gaze on the floor. I can't help but to feel disappointed. Ang laki na kasi ng expectation at anticipation ko kanina sa akala ko.
My bad, I guess.
I should be as patient as I possible.
"Samahan nalang kita dito," napatingin ako sa kanya bago napayakap sa mga tuhod ko. "kawawa ka naman. Nag-iisa. Palagi."
I squint at her. Hindi ko nagustuhan ang sinabi niya. Though, I have nothing to say back to her.
Umupo nga siya sa sahig. Sa tabi ko.
Sa huli ay ipinako ko na lamang ang tingin sa harapan upang isipin ang kaninang pinagdasal ko. Of course you have to wait, Sabrina.
"Gusto kong isipin na something's going on in your mind!" biglang bulalas ni Kyla. "tahimik ka eh.
Tapos nakatitig ka lang sa wall. Hindi ko na itatanong kung anong iniisip mo pero ano bang tinitignan mo diyan? Weird ka alam mo 'yon?"Just as I expected. Sure, hindi niya matatagalan ang pagiging tahimik. Good thing ngayon may masasabi na ako sa kanya at alam ko na kung ano ang gusto at nararapat ko nang gawin.
Tumingin ako kay Kyla. "Gusto mo bang malaman kung bakit ako nagkakaganito?"
"Hindi. Malihim ka na, remember? Ayaw ko namang basagin ang trip mo."
Hindi ko na napigilang tignan siya ng masama.
"Kung kailan seryoso kitang kinakausap saka ka naman hindi nagpapakatino."
Nakakaloko siyang ngumiti bago mahigpit na pinagtikom ang mga labi kasabay ng pag-angat ng magkabila niyang kilay. "Okay. Serious mode. Makikinig ako sa kung ano mang gusto mong i-share. Go on, Ate." aniya sabay kindat sa'kin. Sunod ay niyakap niya din ang parehong tuhod.
I guess, this is it. No turning back.
For the last time, I let out a big sigh.
"Ang totoo, Kyla, ako at si Dominic, nag-split na kami."
"Huh?"
"More than three months ago na."
"What?!"
Napabuntong-hininga ulit ako habang nakatingin sa windang niyang mukha. Kung anong laki ng mga mata niya ay ganun din ang bibig niya.
"I know tatanungin mo'ko kung seryoso ba ako. Pwes, seryosong-seryoso. Walang halong biro ang sinabi ko."
Bahagyang naiba ang ayos ng pagkakaupo ni Kyla. Tila nagko-contemplate siya habang palipat-lipat ang tingin sa kawalan at sa mukha ko.
"S-So, all this time niloloko mo lang kaming lahat na okay ang lahat sa inyo ni Kuya Dominic? Break na pala kayo tapos after three months ko pa nalaman? Anong ini-expect mong magiging reaksyon ko? I'm shookt!" OA siyang napatayo kasabay ng huli niyang tinuran.
"Litong-lito kasi ako noong panahong 'yun kung paano ko sasabihin sa inyo.. Teka nga! Hindi ko naman 'to in-open up sa'yo para makita ang shocked reaction mo. Please naman kalimutan mo muna 'yang pagkabigla mo. Ang kailangan ko ngayon ay taong masasandalan, iintindi at makikinig sa'kin. Hindi ko na talaga alam kung paano iha-handle 'tong bigat na nararamdaman ko sa dibdib ko, Kyla." And yeah, tingin ko hindi ko na din mapigilang maging OA. Kung OA man itong pag-iyak ko wala na akong pakialam.
YOU ARE READING
I'm NOT That Girl
Romance"Sabi nila, posible raw na may anim na tao sa mundo na kamukhang-kamukha mo. Dati, hindi ako naniniwala. Pero simula no'ng mapagkamalan akong Lauren ng isang lalaking hindi ko naman kilala, naniwala na'ko. Nagbago na rin ang buhay ko nang makilala k...