INTG (Chapter Forty-Four)

39 5 0
                                    

Matapos mapagtanto na 'yung necklace ko pala ang nawawala kong gamit, agad akong na-stress sa pag-aalala kung nasaan na iyon. Hindi ko na inisip ang pagkakaroon ng respeto sa tulog ng pinsan ko, ginising ko siya. Ngunit kahit anong pagsubok kong marahas siyang gisingin ay hindi effective.

Hindi siya magising-gising. Gusto ko nang magwala dahil wala akong magawa sa sitwasyon ko kasi gabi na. Walang hope na mahanap ko 'yung necklace sa oras na ito. Hindi din naman tama na manggising ako ng mga tao.

Though, kay Kyla, hindi ko talaga mapigil ang sariling gisingin siya kasi hindi talaga ako mapalagay na walang gawin saka nasa iisang kwarto lang kami eh. Anong magagawa ng isang tulad ko para pigilang tignan si Kyla as a hope na baka alam niya kung nasaan 'yung necklace? Tapos kung sakaling nasa kanya ehdi malaking tulong talaga para makatulog ako ngayong gabi na sinubukan ko siyang gisingin at tanungin.

Pero gaya nga ng sabi ko, hindi ko siya magising. Napakalalim ng tulog niya. Kapag naman parang nagigising na 'yung diwa niya, magsasalita ng kung anu-ano na hindi ko maintindihan. 'Yun pala ay nananaginip parin kahit pilit kong iniistorbo 'yung tulog niya.

Halos lumuha pa tuloy ako habang pinipilit ang sariling matulog nalang dahil sa pangungulila doon sa kwintas. Huwag naman sana iyon tuluyang mawala. Mawawasak ang puso ko. Importante 'yun sa'kin eh!

Inalis ko mula sa pagkakatalukbong sa mukha ko ang kumot. Gusto ko ngumawa ng malakas. Hindi madaling i-set aside muna ang pag-aalala at pag-iisip kung saan ko nailagay o naiwala 'yung necklace for the sake of my sleep ah. Hindi ko talaga magagawang itulog nalang 'to. Hindi ko kayang matulog na hindi iyon nakikita o hindi pa naibabalik sa'kin!

Jusko, nasaan ba napunta iyon?

Nakasimangot lamang ang itsura ko pero ngumangawa na ako sa isip ko.

Wait, karma ba 'to? Kinakarma na ba ako dahil sa mga sinabi ko kay Kyla tungkol sa kwintas noong araw na patungo pa lamang kami rito sa bahay nila Auntie?

'Yung mga sinabi ko 'nun na ayaw ko na sa necklace, na itatapon ko na iyon, ngayon, hindi ko na alam kung bakit ko iyon nasabi. Bakit ko nga ba sinabi ang mga iyon? Paano ko nagawa?

I guess, hindi ko naman 'yon sinasadya. Dala lang ng emosyon. Emosyonal ako 'diba? Narealize ko na kaya!

Parang may naririnig akong mga tawa sa tenga ko dahil sa karmang kinakaharap ko na yata ngayon. Nilalamon na ako ng doubt na sinasabi sa'king hindi ko na makikita 'yung kwintas. No! This can't be happening! Hindi pwedeng mawala nalang 'yung kwintas ko!

Sandali..

Huwag nga ako magpauto sa doubt na 'yan! Huwag na nga ako mag-overthink! Matulog na nga lang ako! Kahit mahirap gawin huhu..

Buhay na buhay ang diwa ko dahil sa pag-aalala sa kwintas. Syempre dahil 'dun nahirapan talaga akong matulog pero sinikap kong patayin ang thoughts at lunurin ang gising na diwa sa pamamagitan ng pagpikit. Kalaunan, nakatulog nalang talaga ako ng tuluyan.

***

“Kyla, nakita mo ba 'yung kwintas ko? 'Yung letter 'S' 'yung pendant?”

“Anong kwintas na letter 'S' 'yung pendat?—HUH? Nawala mo 'yung magandang kwintas na 'yun? Ang burara mo naman!”

“Kung ako burara, ikaw malikot ang kamay! Ikaw lang kilala kong mahilig pakialaman ang mga gamit ko. Ikaw ba, ha? Umamin ka na nga lang sa'kin na ginalaw mo nga ang gamit ko kaya nagulo, tuloy ngayon nawala ang kwintas ko!”

“Napakabintangira mo naman! Laptop lang naman ang ginagalaw kong gamit mo. Hindi na nga ngayon eh kasi meron na ako. At sa tingin mo bakit naman ako makikialam sa mga gamit mo like damit o kahit ano? May mga damit pa naman akong masusuot. Sa katunayan, mas madami pa nga 'yung mga damit na dala ko kesa sa'yo eh!”

I'm NOT That Girl Where stories live. Discover now