INTG (Chapter Thirty-Seven)

50 4 0
                                    

Seven Years Ago...

“Naks, tol. Parang pro agad ah!

Nginisihan lamang ni Dominic ang kaibigang si John. Pagkatapos ay muli siyang bumuga ng usok ng sigarilyo.

Patago silang naninigarilyo sa likod ng isang five-storey building ng kanilang eskwelahan. Oras iyon ng simula ng klase ngunit naroon sila upang gawin ang bago nilang kina-aadikan. Alam naman nilang masama ang paninigarilyo, lalo na sa mga tulad nilang highschool students pa lamang at menor de edad pa. Pero walang makakapigil sa kanila. Ano pa nga ba ang mindset ng mga kabataang 16 hanggang 18 years old. Gustong subukan ang lahat. Regardless, kung anong magiging outcome nito.

Naubos na ni Dominic ang una niyang stick at palagay niya'y hindi pa siya kuntento kaya kumuha muli siya ng isa pa mula sa pakete nito. Kinalabit niya ang kaibigan na tulad niya ay nakasandal din sa pader at sumenyas na hihiramin niya ang lighter. Binigay naman nito agad ang kanyang hinihingi.

Kapapatay pa lamang niya ng lighter matapos sindihan ang stick na nasa kanyang bibig nang biglang may nakaagaw ng pansin niya sa gate ng eskwelahan. Kita kasi ang entrance gate mula sa kanilang puwesto.

Sa 'di malamang dahilan ay hindi niya maalis ang tingin sa dalagang kabababa lang ng sasakyan at dinudumog ng mga kaibigan nito.

Anong mayroon sa babaeng iyon at hindi niya maalis ang tingin rito? Wala siyang mahanap na sagot.

Nagsimula siyang isa-isahin ang pisikal na katangian ng babae. Mestizang balat na aakalain mong may lahi, magandang kurba ng mga kilay, ka-akit-akit na mga mata na may mahahabang pilikmata, matangos na ilong, mga labing natural ang pagiging pula dahil halatang hindi ito gumamit ng kolorete. Higit sa lahat, ang mukha nitong animo'y hugis puso.

Hah. Ngayon alam na niya kung bakit siya nagkakaganito. Nagagandahan siya rito. Maganda naman talaga ang dalagang ngayon lang niya nakita sa eskwelahang 'to, O baka naman, ngayon niya lang napansin na may magandang dilag pala sa nakakaboro nilang eskwelahan.

Sunod ay kinilatis niya ang galaw nito. Wala na. Hibang na siya agad rito. Marami naman siyang babae pero ngayon lang siya naka-appreciate ng ganda ng isang dalaga.

Mahinhin ang tayo, galaw at ngiti. Panigurado ganun 'din ang boses ng dalaga kahit hindi niya naririnig habang kausap nito ang mga kaibigan.

Ang itim at straight nitong buhok ay nakalugay lang. Ang paraan ng pagdala nito sa uniform ng kanilang eskwelahan ay napaka-neat tignan. Mukhang nito'y natural lamang. Ang bitbit naman nitong handbag ay kulay baby pink.

Hindi na namalayan ni Dominic kung gaano siya katagal nakatitig sa dalaga. Umabot na nga sa puntong maski ang simpleng pagkawala ng ilang hibla ng buhok nito mula sa likod ng tenga ay pinaka-titigan niya.

Hanggang sa bigla itong napasipat ng tingin sa gawi nila. Nagtama ang kanilang mga mata. Unti-unting nawala ang mahinhin na ekspresyon sa mukha nito, pagkatapos ay bigla nalang siyang inirapan ng todo. Nang balingan nitong muli ang mga kaibigan ay ngumiti ito ulit na parang walang nangyari. Kalaunan ay nagsilakad na rin ang mga ito paalis para yata pumasok na sa kani-kanilang klase.

Nadismayang naitapon ni Dominic ang sigarilyong hinihithit. Ano ba 'yung nangyari kanina lang? Inirapan siya ng isang babae? At nasaktan ang ego niya? What the hell. Hindi niya mapaniwalaan.

Nang tanungin siya ng kaibigan kung anong problema, hindi niya nalang ito sinagot. Bagkus ay niyaya na lamang niya itong pumasok na sila sa boring nilang klase.

***

Ilang araw din gumulo sa isip ni Dominic ang babaeng nakita, but eventually, nakalimutan din niya ito dahil hindi na niya ito muling nakita pa. Gawa siguro na ang laki ng kanilang eskwelahan. Plus marami silang kalokohan na pinaggagagawa ng kaibigan niya na kahit papa'no ay nag-e-enjoy naman siya.

I'm NOT That Girl Where stories live. Discover now