INTG (Chapter Twenty)

84 14 0
                                    

Isang trail ng mga battery led candles ang sumalubong sakin sa dalampasigan. Puno rin ng red rose petals ang trail papunta sa dulo nito kung saan natatanaw ko ang cottage na gawa sa bamboo. May nakasukbit na puting curtain sa nasabing cottage. Maganda ang pagkaka-ayos nito. Nakatali sa bawat bamboo na nakatayo palibot sa mesang nasa gitna.

May nakahandang gourmet food at wine sa table na iyon na nababalot rin ng puting tela. May nakapwestong dalawang upuan sa magkabilang side. Nagkalat rin ang mga battery led candles sa paligid ng cottage. Nakapwesto ito kahit saan—palibot roon.

Yellowish ang ilaw ng mga candles na nasa buhangin kaya nagbibigay ito ng romantic ambience sa paligid.

Hindi ko alam kung anong dapat i-react at isipin ko. Para sa'kin ba ito?—wait. Para sa'kin ba 'yung text ni Nic? Baka nagkamali lang siya? Or baka naman ibang tao ang nag-prepare nito para sa sweetheart niya.

But sheez. Natanaw ko bigla si Nic sa dulo nang magsimulang tumugtog sa paligid ang isang romantic melody. Parang nanggaling siya sa kung saan kaya hindi ko siya nakita agad. Hula ko ay saka lang siya nagpakita dahil nagbigay pa siya ng signal sa mga musician na simulan na ang pagtugtog.

He winked at me at nilagay ang phone sa tenga niya. Tumunog ang phone ko sa bulsa ng jacket ko pero hindi ko na iyon inabala pang dukutin. Nahulog ang panga ko at napatitig nalang kay Nic, who is now wearing his boyish smile.

Is this mean para sa'kin talaga 'to?

Bago pa ako nakapag-isip ay nagsimula na akong humakbang. Tila ba nauna pang mag-decide ang mga paa ko kesa sa utak ko. Binaba ni Nic ang phone niya at tumigil naman sa pag-ring ang phone ko. Walang duda. Para sa'kin nga yata 'to.

Pero bakit?

Naging malamlam ang mga mata ni Nic na iniintay ang aking paglapit. He looks more handsome wearing a short-sleeve polo and black shorts.

Napangiti ako bigla ng malawak dahil super nakaka-overwhelmed ang hinanda niyang 'to. Na-appreciate ko ito. Talagang nakaka-flatter.

Nakakabusog sa mata ang dala ng ilaw ng mga candles. Ang gaan sa feeling. Dagdagan pa ng romantic melody na bume-blend sa ingay ng dagat. Nakaka-relax talaga. Kaso nga lang ay tumututol ang puso ko. It's beating fast. Pinapahina nito ang mga tuhod ko at nagpapahirap din sa'king huminga.

But who cares. May saya naman itong dulot sa kaibuturan ko. Okay lang ma-torture ako kung ligaya naman ang dulot nito sa puso ko.

Habang naglalakad patungo sa kanya ay pinag-lock ko ang mga mata namin. Sa tingin ko hindi na rin nawala sa mukha ko ang malawak kong ngiti.

“Para kanino 'to?” pagkuwa'y tanong ko noong nasa harap niya na ako. May halong biro ang tono ko.

Tinignan niya ang kabuuan ko sabay pilyong ngumiti. Na-concious tuloy ako sa itsura ko. Hindi ako nag-ayos. Hindi ko naman kasi alam.

Nakalugay lang ang buhok ko at hindi ko man lang ito inabalang suklayin bago pumunta rito. Gabi naman na kasi kaya I thought hindi na mapapansin. Pero, heto. Ang liwanag, jusko.

At naka-pajama at jacket na rin ako. Syempre gabi na at malamig ngayon kaya ganito outfit ko sa pagtulog. Eight na kasi ng gabi. Nakakahiya. Naku naman.

Napalitan ng awkward smile ang ngiti ko. Ba't ngayon ko lang narealize na ganito pala pormahan ko? Ehdi sana bumalik nalang ako at nagpalit noong makita ko ang trail kanina kung agad ko lang itong naalala.

“Para sa babaeng nasa harapan ko.” he playfully said.

Kahit ganito ang itsura ko ay iba ang sinasabi ng mga mata niya. Parang gandang-ganda pa siya sa'kin.

I'm NOT That Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon